You are on page 1of 1

Gamit o Tungkulin ng Wika sa Lipunan

o Ang pagkakaroon ng wika ay isang katangiang ikinaiba ng tao sa mga hayop


o Sa Explorations in the Functions of Language ni M.A.K. Halliday (1973, sa
Gonzales-Garcia,1989), binibigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika batay
sa mga tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay. Ang pitong tungkulin ng
wikang tinutukoy ni Halliday ay binigyan ng mga halimbawang madalas na
gamitin sa pasalita at pasulat na paraan.

Interaksyonal

o Ang tungkulin ng wikang ginagamit ng tao sa pagtatag, pagpapanatili, at


pagpapapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao

Instrumental
o Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagtugon sa pangangailangan
o Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos

Regulatori
o Ang tungkuling ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng
ibang tao

Personal
o Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o
opinion

Imahinatibo
o Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa
malikhaing paraan

Heuristik
o Ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon
o Ang pagtatanong ay heuristic samantalang ang impormatibo o representatibo ay
ang pagsagot sa tanong

Impormatibo o Representatibo
o Wikang ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon

You might also like