You are on page 1of 18

Gamit ng Wika

Ano ang Wika?


“Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura
(Gleason, 2000).
Pakikipag-usap
Pagpapahayag ng sariling opinyon

Gamit ng Wika?
Pagtugon sa pangangailangan
Pagkontrol sa kilos o asal ng iba
Gamit ng Wika
Ayon kay Badayos (2008), mayroong tatlong gamit ang
wika.
1. Ang wika ay ginagamit upang mag-leybel,
magtakda, at maglimit.
2. Ang wika ay nag-eebalweyt.
3. Ang wika ay ginagamit sa pagtalakay ng mga
bagay na labas sa ating kasalukuyang karanasan.
Gamit ng Wika
Ayon kay Badayos (2008), mayroong tatlong gamit ang wika.
1. Ang wika ay ginagamit upang mag-leybel, magtakda, at
maglimit.
Likas sa atin ang magbigay ng leybel upang
mapaghiwalay ang iba’t ibang klase ng bagay. At ang mga
leybel na ito ang nagtatakda ng ating kilos at kung papaano
natin pakikitunguhan ang mga taong iyon.
Halimbawa:
Leybel: Presidente ng unibersidad
Gamit ng Wika
Ayon kay Badayos (2008), mayroong tatlong gamit ang wika.
2. Ang wika ay nag-eebalweyt.
Ebalwatib ang wika kung ginagamit natin ito sa pag-
aases o pag-uuri ng isang tao o bagay. At ito ay nagiging
dahilan upang maging positibo o negatibo ang pakikitungo
natin sa mga tao.
Halimbawa:
• Pangit o maganda
• Maiitim o maputi
• Takaw-away
Gamit ng Wika
Ayon kay Badayos (2008), mayroong tatlong gamit ang wika.
3. Ang wika ay ginagamit sa pagtalakay ng mga bagay na
labas sa ating kasalukuyang karanasan.
Dahil sa wika nagagawa nating makapagsalita tungkol sa
ating mga palagay o paniniwala tungkol sa isang bagay o
pangyayaring naganap na o maaaring mangyari.
Halimbawa:
Mabalikan ang mga nakaraang usapan sa nilahukan nating
seminar.
Gamit ng Wika

Ayon pa rin kay Badayos (2008), upang mas


maunawaan ang gamit ng wika ay kinakailangan
din nating maunawaan ang teorya ni Halliday
(1973) tungkol sa tungkulin ng wika.
Gamit ng Wika
Halliday (1973) nagbigay ng pitong kategorya ng
tungkulin ng wika sa ating buhay.
1. Interaksyonal
2. Instrumental
3. Regulatori
4. Personal
5. Imahinatibo
6. Heuristik
7. Impormatibo
Gamit ng Wika
1. Interaksyonal
Ginagamit ang wika sa pagtatatag, pagpapanatili,
at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao.
Pasalitang Paraan: Pasulat na Paraan:
• Pormularyong Panlipunan • Liham pangkaibigan
(Magandang umaga, • Pakikipag-chat
Maligayang kaarawan,
Hi/Hello, at iba pa.)
• Pangungumusta
• Pagpapalitan ng biro
Gamit ng Wika
2. Instrumental
Ginagamit ang wika sa pagtugon sa mga
pangangailangan sa pamamagitan ng pakikiusap o
pag-uutos.

Halimbawa:
• Liham pangangalakal
• Pakikipag-usap kapag kailangan ng trabaho at iba
pang pangangailangan.
Gamit ng Wika
3. Regulatori
Ginagamit ang wika sa pagkontrol o paggabay ng
kilos o asal ng ibang tao. Pagsasabi ng dapat o hindi
dapat gawin.

Halimbawa:
• Pagbibigay ng direksyon
• Pagbibigay ng paalala o babala
• Mga panuto sa pagsusulit at iba pa.
Gamit ng Wika
4. Personal
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng sariling
damdamin o opinyon.

Halimbawa:
• Komentaryo
• Liham sa Patnugot
• Diary o Talaarawan
Gamit ng Wika
5. Imahinatibo
Ang wika ay ginagamit sa pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa
pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma, tayutay,
sagisag, at simbolismo.

Halimbawa:
“Naku! Hulog ka ng langit sa akin!”
“Heto, nagbibilang pa rin ng poste dahil wala pang
kompanya ang nagbubukas.”
Gamit ng Wika
6. Heuristik
Ginagamit ang wika sa paghahanap ng impormasyon.
Halimbawa:
• Pagsasarbey
• Pananaliksik
7. Impormatibo
Ginagamit ang wika sa pagbibigay ng impormasyon.
Halimbawa:
• Pagsagot sa sarbey
• Pag-uulat
• Pagtuturo
Hindi ba’t napakaraming gamit ng wika?
Ngunit mas mahusay natin itong magagamit
kung may kasanayan tayo sa mga MAKRONG
KASANAYANG PANGWIKA.
Maraming Salamat po!
Sanggunian
Badayos. 2008. Metodolohiya sa Pagkatuto at Pagtuturo ng/sa Filipino.
Mutya Publishing House.
Villafuerte at Bernales. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at
Praktika. Mutya Publishing House.
Bernales. 2011. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Mutya Publishing
House.
https://www.slideshare.net/RoelDancel/4-na-makrong-kasanayan-65959478
https://prezi.com/wjeb9ugyhp8n/panonood/

You might also like