You are on page 1of 11

Gamit ng Wika

ayon kay
M.A.K HALLIDAY
Sino si
Michael
Alexander
Kirkwood
Halliday?
Si Michael Alexander
Kirkwood o mas kilala sa taguri
na M.A.K. Halliday ay
ipinanganak noong Abril 13,
1925 sa England. Siya ay
dalubwika, guro, at proponent ng
Neo-Firthian Theory na
naniniwala na ang wika ay
produkto ng panlipunang
phenomenon. Inilahad din niya
sa kanyang aklat na Explorations
in the Functions of Language
ang pitong tungkulin ng wika.
Pitong Tungkulin at Gamit ng Wika ayon
kay Michael Alexander Kirkwood
Halliday (M.A.K. Halliday)
1. Instrumental
2. Regulatoryo
3. Interaksiyonal
4. Personal
5. Heuristiko
6. Impormatibo
7. Imahinatibo
INSTRUMENTAL
-ang tungkulin ng wika
kung ginagamit ito
upang maisakatuparan
ang nais na mangyari
ng isang tao.
Nagagawa ng tao na
makiusap, magbigay
ng utos, humingi,
magmungkahi,
manghikayat o pagpilit,
magpasya, at iba pa.
REGULATORYO

-ang tungkulin ng wika


kung ginagamit ito upang
kontrolin o magbigay-
gabay sa kilos o asal ng
isang tao.
INTERAKSIYONAL
-ang tungkulin ng
wika kung
ginagamit ito ng tao
sa pagpapanatili at
pagpapatatag ng
relasyong sosyal
sa kapwa.
PERSONAL
-ang tungkulin ng wika
kung ginagamit ng tao
sa pagpapahayag ng
sariling personalidad
batay sa sariling
kaparaanan,
damdamin, opinyon ,
o pananaw. Kasama
na rito ang paglalahad
ng pagkagulat,
kagalakan, sama ng
loob, galit, at hinanakit.
HEURISTIKO
-ang tungkulin ng
wika kung ito ay
ginagamit ng tao sa
paghahanap o
paghingi ng
impormasyon
Samakatuwid, ito ay
pagtatanong,
pakikipanayam, o
pananaliksik.
IMPORMATIBO

-ang tungkulin ng
paggamit ng wika
na naglalayong
magbigay ng
mga
impormasyon sa
paraang pasalita
o pasulat.
IMAHINATIBO
-ang tungkulin ng
wika kung ito ay
ginagamit ng tao sa
pagpapahayag ng
imahinasyon sa
malikhaing
paraan. Makikilala
ito sa paggamit ng
mga idyoma,
tayutay, sagisag, at
simbolismo.

You might also like