You are on page 1of 15

Sitwasyong pangwika sa ABM

Strand ng San Jose City National


High School kaugnay ng pag-
usbong ng makabagong
teknolohiya
Inihanda ni: Shiena Marie P. Bautista
ABM 11-A
Panimula
Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay
koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng
kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang
kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.
Habang tumatagal ang wikang Filipino ay nagbabago, nadaragdagan at
napauunlad. Ang wikang Filipino ay nagkakaroon ng iba’t ibang
barayti na kung saan ito ay nakadepende sa gumagamit at
pinaggagamitan ng wika.
Ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay lubhang
makakaapekto sa kulturang kinagisnan sa oras na hindi natin gamitin
ang sariling wika. Sa pagsilang ng makabagong wika hindi na
napagtutuunan ng pansin ang wikang Filipino
Mga Layunin
Ang wika ay kaluluwa ng bansa. Ang wika ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon at
pakikipagkalakalan na siyang susi sa pag-unlad ng bansa. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa
upang malaman ang sitwasyong pangwika sa bansa,
At partikular na upang:
a) masuri ang kalagayang pangwika ng bansa kaugnay sa kung paano ito ginagamit sa
kasalukuyang panahon;
b) masaliksik ang mga gamit ng wika sa bagong henerasyon at sa pag-usbong ng
makabagong teknolohiya;
c) makita ang mga kapakinabangan ng wikang gamit sa iba't ibang larangang pambuhay;
d) malaman ang pananaw ng mga mag-aaral, sa ABM Strand ng San Jose City National High
School, sa kasalukuyang sitwasyon ng wika sa bansa;
e) alamin ang dulot ng wika bilang instrumento ng pakikipag-ugnayan at pagpapalaganap ng
impormasyon at ang kaugnayan nito sa kultura.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang maipakita ang pananaw ng mga mag-aaral ng
San Jose City National High School partikular na sa ABM (Accountancy, Business and
Management) Strand ukol sa sitwasyong pangwika kaugnay ng paglaganap ng makabagong
teknolohiya. At sila ay kinuhanan ng datos hango sa mga sumusunod na katanungan.
1. Batay sa palagay ng mga kalahok sa pag-aaral, masasabi bang mas ginagamit pa rin sa
ngayon ang sarili nating wika?
2. Masasabi bang maunlad pa rin ang paggamit ng wikang Filipino sa kasalukuyang
panahon?
3. Nakaaapekto ba ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya sa kaunlaran ng Wikang
Pambansa?
4. Mas napakikinabangan ba ang wikang Filipino sa panahon ngayon kung ikukumpara sa
ibang wika?
5. Bilang isang kabataang kalahok sa pag-aaral, masasabi bang mas maunlad ang wikang
Filipino ngayong umusbong na ang makabagong teknolohiya kaysa noong wala pa ito?
Hinuha
Sa pag-aaral na gagawin ng mga mananaliksik na may pamagat na “Sitwasyong pangwika sa
ABM Strand ng San Jose City National High School kaugnay ng pag-usbong ng makabagong
teknolohiya”, sa makukuhang datos ikukumpara ang mga sumusunod na hinuha:
Unang bahagi ng Sarbey
 Habang tumataas ang bilang ng mga sagot na nagsasabing ginagamit nila ang wikang Filipino,
nangangahulugan ito ng papaunlad na antas ng wika;
 Kung ang bilang ng mga kalahok na pipili sa Filipino bilang pangunahing ginagamit sa iba’t
ibang gawain ay mas mataas sa kalahati ng kabuoang bilang ng mga sumali, masasabing
maunlad pa rin ang Wikang Pambansa.
Ikalawang bahagi ng Sarbey
 Habang tumataas ang bilang ng mga sagot ‘Oo’, nangangahulugan ito ng papaunlad na antas ng
wika;
 Kung ang bilang ng mga kalahok na sasagot ng ‘Oo’ ay mas mataas sa kalahati ng kabuoang
bilang ng mga sumali, masasabing maunlad pa rin ang kalagayan ng wika sa pag-usbong ng
makabagong teknolohiya.
Mga Kaugnay na Literatura
Wika
Lokal na Literatura
Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid
ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
 Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino/Filipino: Do they
Differ? sa bisa ng Executive Order No. 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong ika-
30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbuo ng Wikang
Pambansa.
 Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001), sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at
multicultural, nabubuklod an gating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipahayag
hindi lamang sa maraming tinig sa iba’t ibang rehiyon kundi gayundin sa isahang midyum
na Wikang Filipino.
Banyagang Literatura
Ang simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa
pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at pattern na lumilikha sa isang
komplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon
ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan`

Ayon naman kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang


nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Maari raw mawala ang
matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipababatid pa
rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang
mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga
sumusunod at susunod pag henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa
nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiwasan ang muling pagkakamali o di
naman kaya ay naitutuwid ang mga dating pagkakamali.
Sitwasyong Pangwika
Makikita ang kapangyarihan at lawak ng wikang Filipino,
ang itinuturing na wika ng masa sa kasalukuyang panahon.
Makikita sa mga ito ang lubos na pagtanggap na karamihan sa
mga mamamayan sa sarili nating wika. Nasa atin nang
kamalayan ang kahalagahan ng paggamit at pagpapalawig sa
sarili nating wika upang ito’y lalong maisulong at higit na
maging matatag at malakas dahil ang tatag at lakas nito ay
sasalamin din sa katatagan ng ating pagka-Pilipino (Dayag at
del Rosario, 2016).
VI. Mga Pamamaraan ng Pag-aaral at
Pagkuha ng Datos

Disenyo ng Pananaliksik

Lugar ng Pag-aaral

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Mga Instrumentong Gagamitin sa Pag-aaral


VII. Batayang Konseptuwal ng Pag-aaral
VII. Saklaw at Deliminasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ay may pamagat na sitwasyong pangwika sa


ABM Strand ng San Jose City National High School kaugnay
ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya
Ito ay nakatuon sa pag-aaral sa kung ano ang pananaw ng mga
mag-aaral sa sitwasyong pangwika sa makabagong panahon.
Limitado ang datos sa mga mag-aaral ng San Jose City National
High School. Sinimulan ang proyekto noong ika-23 ng
Setyembre taong kasalukuyan at nagawa isang buwan matapos
ang nasabing petsa.
Gumamit ng serbey ang mga mananaliksik para sa pangangalap
ng datos na gagamitin bilang suporta sa kongklusyon.
IX. Paglalahad ng Datos at Kinalabasan ng Pag-
aaral
Ginagamit na Wika sa Pag-usbong ng Makabagong Teknolohiya
40
37
35
35
31
30
30 29

25

20 18 18
17

15
12
11
10

5 4 4
2
1 1
0
SMS Facebook Google Telepono Kompyuter
Filipino Taglish Ingles
IX. Paglalahad ng Datos at Kinalabasan ng Pag-
aaral

Kaunlaran ng Wika
50

45 43
42

40
36
35
31
30
27

25 23

20 19

15 14

10 8
7

0
1 2 3 4 Oo 5
Hindi
X. Kongklusyon at Rekomendasyon
Kongklusyon
Base sa pananaliksik at pag-aaral na ginawa, masasabing
maunlad pa rin ang wikang Filipino sa panahon ng pag-usbong
ng makabagong teknolohiya kung pagbabasehan ang mga mag-
aaral ng San Jose City National High School.
Rekomendasyon
Maaaring ituloy ng ibang mga mananaliksik ang pag-aaral na
ginawa sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga kalahok sa dito.
Maaari ring paramihin ang bilang ng mga kalahok sa pag-aaral
upang mas maging isa itong mabuting sanggunian ng mga
susunod na pananaliksik.
Maraming
salamat sa
pakikinig

You might also like