You are on page 1of 3

Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890 – 29 Pebrero 1956) ay ang ika-6 na Pangulo ng Republika

ng Pilipinas (17 Abril 1948 – 30 Disyembre 1953).

Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong 16 Nobyembre 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria
Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.

Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hinirang na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at
naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noon
1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong 17 Abril 1948.

Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap.
Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya
ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.

Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa
puso noong 29 Pebrero 1956 sa gulang na 65.[kailangan ng sanggunian]

Talambuhay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maagang buhay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Elpidio Quirino ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur kina Don Mariano Quirino ng Caoayan, Ilocos Sur at
Doña Gregoria Mendoza Rivera ng Agoo, La Union. Siya ay nag-aral sa Caoayan sa elemantarya, sa Vigan
High School sa sekundarya at pagkatapos ay tumungo sa Maynila bilang junior computer technician sa
Bureau of Lands at property clerk sa departamentong kapulisan ng Maynila. Nagtapos siya sa Manila
High School noong 1911 at nakapasa sa pagsusulit ng serbisyong sibil. Noong 1915, siya ay nagtapos ng
abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas at nakapasa sa bar exams.

Kongreso[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kinatawan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Quirino ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1919 hanggang 1925.[kailangan ng sanggunian]

Misyong pang-Kalayaan ng Pilipinas[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1934, si Quirino ay kasapi ng misyong pangkalayaan ng Pilipinas sa Washington, D.C., na


pinamunuan ni Manuel L. Quezon. Nakamit nito ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas
Tydings–McDuffie.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong pananakop ng Hapones sa Pilipinas, siya ay naging pinuno ng isang paghihimagsik laban sa mga
Hapones ngunit siya ay nabihag at ipinabilanggo. Ang kanyang asawang si Alicia Syquia at tatlo sa
kanilang anak ay pinatay ng mga Hapones.

Pangalawang Pangulo[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones,
ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa Pilipinas noong 27 Pebrero 1945 kung saan Pangulo si Sergio
Osmeña. Noong Disyembre 1945, ang House Insular Affairs ng Kongreso ng Estados Unidos ay nagpasa
ng isang resolusyon na nagtatakda sa halalang hindi pagkatapos ng Abril 30. Si Manuel Roxas ay
tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal na kanyang itinatag pagkatapos humiwalay sa Partido Nacionalista.
Si Quirino ay napiling kasamang tatakbo ni Roxas. Nanalo sina Roxas at Quirino sa 1946 halalan ng
pagkapangulo at pangalawang pangulo noong 23 Abril 1946. Si Quirino ay nahirang na Secretary of
Foreign Affairs.[kailangan ng sanggunian]

Pangulo[baguhin | baguhin ang wikitext

Inaugurasyon ni Elpidio Quirino bilang Pangulo

Si Manuel Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso sa tahanan ni Major General E.L.
Eubank sa Clark Field, Pampanga pagkatapos manalumpati sa harap ng Sandatahang Panghimpapawid
ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni Roxas, siya ay hinalinhan ng Pangalawang
Pangulong si Elpidio Quirino noong 17 Abril 1948. Nang sumunod na taon, si Quirino ay tumakbo sa
ilalim ng partido Liberal at nahalal na Pangulo para sa apat na taong termino.

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa ilalim ng termino ni Quirino, nagkaroon ng kahanga-hangang rekonstruksiyon ng ekonomiya


pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pangkalahatang paglago ng ekonomiya na 9.43 % at
lumaking tulong pang ekonomiya mula sa Estados Unidos. Sa ilalim ni Quirino, maraming mga pabrika
ang naitatag na nagpataas ng antas ng pagkakaroon ng trabaho at nagbigay sa bansa ng unang
imprastrukturang industriyal. Sa pamamagitan ng mahigpit na mga patakaran ng pagtitipid, nagawa
niyang patatagin ang piso at balansehin ang budget. Pinalawig ni Quirino ang mga sistemang irigasyon,
ipinatayo ang mga plantang hydroelectric sa talong Maria Cristina at Bulacan upang lutasin ang
problema sa kuryente sa Luzon, pinabuti ang mga lansangan, itinatag ang bangko sentral at
pagbabangkong rural na nagpapautang sa mga magsasaka at negosyante. Nilikha ni Quirino ang Social
Security Commission at ng President's Action Committee on Social Amelioration na nangangasiwa sa
pagbibigay ng tulong, pautang, at kaginhawaan sa mga mahihirap na mamamayan. Ang kanyang
programa ay kinabibilangan ng insurance para sa kawalang trabaho, pagtanda, aksidente at kapansanan,
kalusugan, pang-ina at pagpapaginhawa ng estado.[kailangan ng sanggunian]

Nabigo si Quirino na lutasin ang pagiging hindi pantay sa lupain at kayamanan lalo nasa mga malalayong
pook na rural. Ang problemang ito ang paktor na nagtulak sa paghihimagsik ng Hukbalahap.[kailangan ng
sanggunian]

Mga pakikipag-ugnayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pamahalaan ni Quirino ay nakipagpayapaan sa Hapon at ang Kasunduang Mutuwal ng Pagtatanggol


sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay pinagtibay noong 1951. Sa ilalim ni Quirino, ang pamahalaan
ay naharap sa malubhang banta ng Hukbalahap na orihinal na hukbong gerilyang laban sa Hapon. Ang
pakikipagkasundo ni Qurino sa pinuno nitong si Luis Taruc ay nasira noong 1948. Hinirang ni Quirino ang
kalihim ng pagtatanggol na si Ramon Magsaysay na sugpuin ang paghihimagsik na naisagawa sa
pamamagitan ng labis na karahasan at pangako ng reporma sa lupain.

Akusasyon ng korupsiyon at tangkang impeachment[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang administrasyon ni Quirino ay nabahiran ng malawakang korupsiyon. Ang halalan ng pagkapangulo


noong 1949 na kanyang napalunan ay isa sa mga hindi malinis na halalan sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya
ang kauna-unahang nakaupong pangulo ng Pilipinas na tinangkang iimpeach at inakusahan ng paggamit
ng mga pondong pampamahalaan upang ipaayos at bumili ng mga kasangkapan para sa
Malacañang, nepotismo at pagpuslit ng diamante. Ang impeachment ay itinakwil ng komiteng
pangkongreso dahil sa kawalan ng paktuwal at legal na basehan. Ang korupsiyon ang nagtulak
kay Ramon Magsaysay na kumalas sa partido Liberal at tumakbo laban kay Quirino sa 1953 halalan ng
pagkapangulo sa ilalim ng partido Nacionalista.

Kamatayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

1. Pagkaraang matalo kay Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo, si Quirino ay nagretiro
mula sa politika noong 1953. Siya ay namatay noong 29 Pebrero 1956 sa atake sa puso. Siya ay
inilibing sa Manila South Cemetery sa Makati.

You might also like