You are on page 1of 2

ELPIDIO RIVERA QUIRINO

Si Elpidio Rivera Quirino ay ipinanganak noong Nobyembre 16,1890 sa Vigan,Ilocos Sur.Siya ang ikaanim
na pangulo ng Pilipinas.

Ang mga magulang niya ay si Mariano Quirino at Gregoria Rivera na parehong taga Caoayan,Ilocos
Sur.Siya ay nag-aral sa Vigan High School pero nagtapos siya sa Manila High School noong 1911 habang
siya ay nagtatrabaho sa Bureau of Lands.

Nag-aral siya ng pagkadalubhasa sa Batas sa Pamantasan ng Pilipinas at nagtapos noong 1915.

Pumasok siya sa pulitika noong 1919 hanggang 1925 bilang congressman at bilang senador noong 1925
hanggang 1931.

Naging Kalihim siya ng Pananalapi at Interior sa Gobyernong Commonwealth ng Pilipinas.

Noong Ikalawang digmaan ng Pilipinas namatay ang kaniyang asawang si Alicia Syquia Quirino at ang
tatlo sa kanilang limang anak.

Inihalal siyang Bise-presidente pagkatapos ng giyera kung saan ang pangulo ay si Manuel Roxas.

Nang mamatay si Manuel Roxas sa atake sa puso,siya ang naging pangulo noong April 17,1948.

Sa sumunod na taon siya ay inihalal bilang Pangulo para sa apat na taon.Ang kaniyang anak na si Vicky
Quirino ang tumayo bilang unang Ginang.

Ang kaniyang administrasyon ay nabahiran ng mga kasong katiwalaan at ang pakikilaban sa mga
Hukbalahap.

Tumkbo ulit siya sa pagkapangulo noong 1953 pero tinalo siya ni Ramon Magsaysay.

Hindi pa natatapos ang panunungkulan ni Roxas nng siya’y mamatay.Patuloy pa rin ang suliraning
kanyang sinikap lutasin.Ito ang namana ni Elpidio Quirino nang siya ay mnumpa bilang pangulo ng
Republika.Sinuri ni Quirino ang kalagayan ng bansa upang maging batayan ng palatuntunan ng kanyang
pamahalaan at nalaman niya.

Mga Programa at Patakaran

Sa panahon ng administrasyong Quirino ay pinatuunan niya ng pansin ang pagpapaunlad ng ekonomiya


sa pamamagitan ng Industriyalisasyon.Upang maisulong nang lubos ang kanyang programa hinngil sa
pagpapataas ng antas ng buhay ng mga Pilipino ay ipinatupad rin niya ang mga sumusunod….

*pagpigil sa ginawang panliligalig ng mga kasapi ng HuK


*pagbabalik ng tiwala ng taong-bayan sa kakayahan at katapatan ng pamahalaang nawala dahil sa
malawakang kabulukan at katiwalaan noong panahon ni Roxas.

*pagpapatayo ng mga bangko rural na nagpapautang ng capital sa mga magsasaka

*pagtatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

Isa sa mga ginawang hakbang ni Quirino upang masugpo ang paglaganap ng pananalasa ng mga Huk sa
bansa ay ang pagpapalabas ng proklamasyon noong Hunyo 21,1948 hinggil sa pagbibigay ng amnestiya
(ganap na pagpapatawad)sa mga kasapi ng HuK na magsusuko ng kanilang sandata sa loob ng 50 araw.

PANUNUMPA

Nahalal sa kongreso noong1919.

Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen.Murphy noong1934 at naging kasapi ng “constitutional


Convention”.

Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946.

Nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17,1948.

Tumayo bilang first lady ng bansa ang bunsong anak ni pang.Quirino na si Victoria

Amnestiya para sa mga HuK

Itintag ng Pang.Quirino ang Economic Development Corps (EDCOR).Sa ilalim ng programang ito,lahat ng
susukong kasapi ng HuK ay bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng lupang masasaka.

Sa pamamahala ng Pangulong Elpidio Quirino:

Itinatag niya ang PACSA (Presidential Action Committee on Social Amelioration)upang matulungan ang
mahihirap at mg nangangailngan.

Pinagtibay rin ng pamahalaan ang Batas sa Pinakamahabang Sahod na nagtatakda sa mga


manggagawa.guro at iba pang kuwani ng pamahalaan.

Itinatag din noong ika-3 ng Enero 1949 ang Central bank of the Phil.upang maging matatag ang
pananalapi.

You might also like