You are on page 1of 13

PARA SA MGA DI NAKAKOMPLETO NG MODYULS SA IKALAWANG MARKAHAN

KAYA WALANG GRADE


NARITO ANG MGA DAPAT NINYONG SAGUTAN KADA LINGGO
WEEK 1
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT Q2W1 PAHINA 8

A. Basahin at sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Si Monching
Bata pa lamang si Ramon Magsaysay o Monching ay kinakitaan na siya ng pagmamalasakit sa kapwa lalo
sa oras ng kagipitan. Magkababata kami at magkaklase sa elementarya. Ilang araw na noon liban sa paaralan ang
kaibigan naming si Eugenio, isa sa mga kaklase namin sa ikaanim na grado. Kung nag-aalala ang aming guro sa
maaaring mangyari sa kanya ay higit ang pagkabalisa ni Monching. Ulila na sa ina si Eugenio at katuwang ng
kanyang ama sa trabahong bukid sa edad na labindalawa. Kinabukasa’y wala pa rin si Eugenio at ipinagtaka ko
ang pagliban ni Monching nang araw na iyon. Malakas ang kutob kong pinuntahan niya si Eugenio sa bahay nito
kaya nagpasya akong kalahating araw lamang ako papasok. Hindi nga ako nagkamali, nadatnan kong nag-uusap
sina Monching at ama ni Eugenio. “Higit pa po sa aanihin ngayong anihan ang magiging bunga ng kinabukasan ni
Eugenio kung ipagpapatuloy niya ang pag-aaral.” narinig kong sabi ni Monching sa ama ni Eugenio Mahaba pa
ang kanilang pinag-usapan habang kami ni Eugenio ay nakikinig. Nakita kong tumango-tango ang ama ni
Eugenio. Marahil ay napagtanto niyang hindi dapat patigilin ang kanyang anak sa pag-aaral.9 “Dito na kayo
maghapunan, masarap ang inihandang ulam ni tatay.” Mahinang alok ni Eugenio sa amin. Marahang tapik sa
balikat ni Eugenio ang itinugon ni Monching. “Salamat pero hinihintay na ako sa bahay, mag-oorasyon na.”
Mangiyak-ngiyak na inihatid kami ni Eugenio pauwi. Bakas sa kanyang mukha ang tuwa at pasasalamat.

Sagutin: 1. Sino si Monching? _____________________________________________________________


2. Anong baitang sina Monching sa anekdotang binasa?
_____________________________________________________________
3. Bakit matagal lumiban sa klase si Eugenio?
_____________________________________________________________
4. Ano ang ginawang paraan ni Monching upang maiwasan ang maaring paghinto ni Eugenio sa paaralan?
____________________________________________________________
5. Sa iyong palagay ano ang naging tugon ng ama ni Eugenio?
____________________________________________________________
6. Ano ang naramdaman ni Eugenio sa ginawa ni Monching?

WEEK 2

PANGWAKAS NA PAGSUSUSLIT Q2 WEEK 2 pahina 9

Panuto: Isulat ang wakas ng kwento sa ibaba ng teksto. Gamitin ang rubric para sa puntos.

1-4. Walang tigil ang tao sa pagtatapon ng basura sa ilog at iba pang anyong tubig. Dahil dito dumudumi ang
tubig na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga isda at iba pang lamang-dagat. Idagdag pa rito ang pagkakaroon
ng “red tide”. Ano ang kakainin natin? Maging ang mga estero sa lungsod ay nagbabara. Kaunting ulan lamang
ay bumabaha. Maging ang tubig na iniinom ay di na rin ligtas. Ang hanging ating nilalanghap sa araw-araw ay
marumi na rin. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5-8 Maituturing na dakila ang isang Ina. Mula sa kanyang sinapupunan ay isinilang ang karugtong ng kanyang
buhay ang kanyang mga anak. Wala nang hihigit pa sa pag-aarugang ibinigay niya sa kanyang anak. Hindi
nagtatapos sa pagsilang ng isang sanggol ang tungkuling ginagampanang ng isang ina. Kundi kaakibat nito ang
pagiging matiisin, maunawain, matiyaga, mapagmalasakit at mapagmahal. Iyan ang ina na may dalisay na puso
ng pagpapahalaga sa kanyang mga anak
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
9. Ano ang wakas ng kuwento?
A. Maituturing na dakila ang isang ina
B. Wala nang hihigit pa sa kanya
C. Ipagpatuloy ang pagkakaroon ng dalisay na puso sa pagpapahalaga sa kanyang mga anak
D. Ilaw ng tahanan ang ina

Sa Bayan ng San Andres may isang lalaki na nilalayuan ng mga tao dahil siya ay napakaitim, dahil dito laging
siyang malungkot at nag-iisa. Isang araw may isang babaena lumapit sakanya atlaking gulat niyang siya
aykinausapnito, “Kamusta?Akongapala si Jackie, at ikaw si?” tanong ng babae. “Ako si Fred, bakit mo ako
kinakausap?” sagot ni lalaki. “Gusto ko kasi makipag kaibigan sayo.” Tugon ng babae. “Hindi naman at
naniniwala dyan sa sinasabi mo.” Nagtatakang sagot ng lalaki. “Ayos lang kung hindi ka maniwala Fred, gusto
lang talaga kita maging kaibigan.

10. Ano ang magiging wakas ng kuwento


A. Naawa ang babae sa itsura ng lalaki. Binigyan niya ng pagkain at nakipagsalo pa sa kanya
B. Tinulungan ni Jackie si Fred na magbagong buhay
C. Masayang nagkuwentuhan ang dalawa na parang matagal ng magkakilala
D. Lahat ng nabanggit

WEEK 3

Ang Inihaw na Isda Mula sa anekdotang “The Roasted Fish” ng mga Tagalog

May mag-asawang kilala sa pagiging madamot. Pinagtataguan nila ng pagkain ang sinumang dadalaw sa
kanilang bahay. Kapag silang dalawa lamang, kinakain nila ang anumang pagkaing nais nilang kainin. Kapag may
biglaang bumisita sa kanila, pinagtitiisan nilang kainin ang kanin at asin.

Isang araw, nakahanda na sa mesa ang mainit na kanin, pritong talong, kamatis at masarap na inihaw na
isda na may sawsawang toyo, kalamansi at sili. Nang sila’y kakain na, biglang may kumatok sa kanilang pinto.

Sa kalituhan, ipinatong ng kabiyak na babae ang inihaw na isda sa pasamano ng bintana. Samantalang
nang mga oras na iyon, binuksan na ng asawang lalaki ang pinto at pinatuloy ang bisita. Nakita ng bisita ang
ginawa ng kabiyak na babae.
Dahil nakahain na ang pagkain sa mesa, inanyayahan nilang kumain ang bisita. “Kumain ka at saluhan
mo kami,” aya ng mag-asawa “Pagpasensyahan mo na ang aming pagkain, ito lamang ang ating pagsasaluhan”
“Sige po.
Sobrang pagod at nagngangalit na po ang aking tiyan dahil gutom na gutom na po ako.” tugon ng
kanilang bisita na isa pala nilang malayong kamaganak. “Saan ka ba galing at inabot ka ng takipsilim?” tanong
nila sa bisita.
Nakakuha ng pagkakataon ang bisita na mailabas ang kanyang pagkasabik sa itinagong inihaw na isda.
Bago siya sumagot, tumingin siya sa may bintanang kinaroroonan ng inihaw na isda.
“Ah! umakyat po ako sa bundok na iyon kaninang bukang-liwayway at kabababa ko pa lamang doon
bago pa man lumubog ang araw,” sabay turo sa ibabang bahagi ng bintana.
Sinundan ng mag-asawa ang itinuro ng bisita at nakitang nakatuon ito sa plato ng isda.

“Aba!” ang sabay na sambit nila na waring biglang nagulat sa nakita. “Hindi namin naalala na may inihaw
pala kaming isda roon,” ang napahiyang sabi ng babae.
“Kunin mo nga ang isda at ihain para sa ating bisita,” utos ng lalaki sa kanyang asawa.
Kinuha nga ng babae ang inihaw na isda at inihain ito.
Kalalapag pa lamang ng plato ay agad na kinain ng gutom na bisita ang ulam. Tinik at kaliskis na lamang
ang natira sa mag-asawa.

Piliin ang letra ng iyong sagot.


1. Alin ang unang ginawa ng mag-asawa nang may kumatok sa kanilang pinto?

a. Agad nilang binuksan ang pinto at pinatuloy ang bisita.


b. Mabilis na itinago ng kabiyak ang plato na may inihaw na isda.
c. Hindi nila pinagbuksan ang kumakatok.
d. Ipinagpatuloy nila ang pagkain kasalo ang bisita.

2. Alin ang katangian ng mag-asawa na binanggit?


a. masayahin b. masipag c. madamot d. masungit

3. Ang bisita ay kanilang _____________________.


a. kaibigan c. malayong kamag-anak b. inaanak d. kapitbahay
4. Paano nakakuha ng pagkakataon ang bisita na maituro ang itinagong inihaw na isda?
a. nakahain na ito sa mesa b. nang maghugas siya ng kamay

c. nang may pumasok na pusa sa loob ng bahay d. nang tanungin siya ng mag-asawa kung saan siya
galing
5. Ano ang natira sa mag-asawa nang inihain ang inihaw na isda?
a. plato c. mga gulay at sahog b. tinik at kaliskis d. buto-butong malaman

PAG ALAM SA NATUTUHAN


A. Isulat sa patlang ang kayarian ng mga pang-uri.
1. mahal - ______________________
2. magarang-magara - ________________
3. taingang-kawali - ___________________
4. mabuti-buti - _______________
5. dalisay - ____________________

B. Tukuyin ang kailanan ng pang-uri. Isulat sa kahon ang Isahan, Dalawahan o Maramihan.
1. Parehong maasim ang lemon at kamyas.
2. Maasim ang manggang nabili ko sa palengke.
3. Kapwa malakas pa rin ang aking Lolo at Lola.
4. Matitiyaga ang mga doktor na nakatuklas ng bakuna.
5. Matitigas ang ulo ng mga Pilipinong sumusuway sa batas

WEEK 4

UNANG PAGSUBOK

A. Ayusin ang mga ginulong salita upang makabuo ng katangian o salitang naglalarawan sa tauhan.
1. G P S I A A M ___________________
2. A G A Y I T A M ___________________
3. G A P A S I L A B K A ___________________
4. P A G N A G N A L N I L A A ___________________

BALIK TANAW

A. Piliin ang letra ng tamang sagot.


1. Makikita sa Museo ng Muntinlupa ang ilan sa mga lumang larawan.
Alin ang pang-uri sa pangungusap?
a. museo b. ilan c. luma d. larawan

2. Alin ang angkop na pang-uri sa pangungusap?


Ang Lungsod ng Muntinlupa ay _________________ na lungsod.
a. bilog b. hinog c. maunlad d. masipag

3. Alin sa mga sumusunod na pang-uri ang maylapi?


a. itim b. mahal c. maganda d. payat

4. Alin sa mga pang-uring nakatala ang naiiba ang kayarian?


a. kapuri-puri b. hugis kandila c. malagong-malago d. sala-salabat

5. Ano ang kayarian ng pusong-mamon? a. payak c. inuulit b. maylapi d. tambalan

GAWAIN A

Tukuyin ang ipinahihiwatig o katangian ng mga sumusunod na pahayag. Pumili sa kahon sa ibaba. Letra lamang ang
isulat

a. pagsisisi b. pagtitiyaga c. pagdadamdam d. pagtitiwala e. kasiyahan f. pagmamalaki

1. “Ama, ibigay mo na sa akin ang aking mana.”


2. Hindi iniwan ang ama at patuloy na nagtrabaho sa bukid.

3. Ibinigay ng ama ang kalahating kayamanan sa bunsong anak.

4. “Ako ama ay hindi sumuway sa mga utos mo, pinagsilbihan kita. Ngayong dumating ang iyong suwail na anak ay
ipinaghanda mo pa siya nang marangya”.

5. Ipinaghanda ng ama ang pagbabalik ng kanyang bunsong anak.

6. “Ako’y ‘di karapat dapat bilang iyong anak. Ama, gawin mo na lang akong alipin”.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

A. Ibigay ang kahulugan ng ikinikilos ng mga tauhan sa bawat sitwasyon. Pumili ng tamang sagot sa ibaba. Isulat ito sa
patlang. nagagalit nag-aalala natutuwa naiinis tumututol
________________ 1.” Aray! Ang sakit sa tainga ng tunog na iyon!
________________ 2. “Huwag naman.”
_________________3. “Natanggal ako sa trabaho. Paano na tayo? “
________________ 4. “Lumayo ka nga sa akin.”
________________ 5. “Salamat sa ibinigay mong regalo.”

B. Aral sa Pandemya

Nagsimula sa bansang China ang COVID-19. Ito raw ay nagmula sa mga paniking karaniwang kinakain sa ilang
probinsya sa China. Unti-unti itong kumalat sa iba’t ibang bansa hanggang ito ay ideklarang isang pandemic o sakit na
nararanasan ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Hindi biro ang sakit na ito, dahilan kung bakit naghigpit ang gobyerno ng bawat bansa hanggang magdeklara ng
ECQ o Enhanced Community Quarantine dito sa Pilipinas noong March 15, 2020. Kapag nasa ilalim ng ECQ ang isang
lugar o bansa, nililimitahan ang paglabas ng mga mamamayan dito lalo ang mga batang edad 17 pababa at mga
matatanda o “senior citizen” dahil mas madali raw kapitan ng sakit ang mga ito. Pansamantalang isinara ang mga
pasyalan, paaralan at maging paglabas o pagpasok ng bansa. Pamilihan lamang o palengke ang pinapayagang
magbukas para sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.
Ilan sa mga unang tinamaan ng sakit na ito ay namatay. Maging ang mga doktor at nars ay hindi nakaiwas dito.
Sa kanilang paggagamot ay hindi nila namamalayang nahawa na pala sila. Kaya naman, takot ang bumalot sa bawat
isa.
Hindi tumigil ang pamahalaan at mga doktor upang malabanan ang sakit na ito. Patuloy na tumuklas ng gamot
laban sa COVID-19. Pagkalipas ng ilang buwang pag-aaral ay unti-unti nang nakatutuklas ng bakuna rito. Nasa ilalim
pa rin ito ng pag-aaral hanggang tuluyang mapuksa ito.
Unti-unti na ring bumabalik sa normal ang sitwasyon. Ang ilang mga trabahong natigil ay pinahintulutan na. Ang
transportasyong minsang naparalisa, ngayon ay unti-unti nang umaandar.
Darating na rin ang panahong magbabalik ang lahat, hindi man bumalik sa dati subalit mas mabuti pa sa dati.
Maraming natutunan ang bawat isa sa pangyayaring ito. Ang pamilyang minsang binalewala, ngayon ay
napahalagahan. Ang kalikasang muntik nang masira, ngayo’y nanariwa. Ang kalusugan ng bawat isa ay mas
pinalakas.
Hindi na tayo babalik sa dati, bagkus mas. mainam pa sa dati. Higit na nagpapahalaga, mas nagmamalasakit at
may tunay na pagmamahal sa kapwa.

Bilugan ang titik ng wastong sagot.


1. Ano ang iyong naramdaman sa ikalawa at ikatlong talata?
a. pag-asa b. kasiyahan c. pagmamalaki d. pagkatakot
2. Ano ang katangiang ipinapahayag ng ikaapat at ikalimang talata?
a. pag-asa b. pag-aalala c. pagmamalaki d. pagkatakot
3. Alin sa mga sumusunod na lugar ang hindi binanggit sa talata?
a. China b. karagatan c. mundo d. Pilipinas
4. Alin ang hindi binanggit sa talata?
a. Nanariwa ang kalikasan.
b. Nagsimula raw sa China ang COVID-19.
c. Nakatutuklas na ng gamot o bakuna laban sa sakit na ito.
d. Darami pa sa mga susunod na araw ang mahahawa ng sakit.

5. Alin ang hindi ipinapahayag ng akda?


a. Huwag pumunta sa ibang bansa.
b. Higit na binigyang halaga ang pamilya at kalusugan.
c. Maraming natutunan ang mga tao dahil sa mga pangyayaring ito.
d. Binalot ng pandemya ang buong mundo subalit ngayon ay unti- unti nang napaglalabanan ang sakit na ito.
6. Ano ang kahulugan ng pangungusap na “Hindi na tayo babalik sa dati, bagkus mas mainam pa sa dati”,
a. Ito na ang tinatawag na normal.
b. Huwag nang bumalik sa pinuntahan upang hindi mahawa.
c. Mas maganda ang pagsisimula ng bawat isa dahil sa mga aral na natutunan natin sa pandemya.
d. Hindi na papapasukin sa mga pasyalan at “mall” ang mga bata at matatanda

WEEK 5

Unang pagsubok
A. Panuto: Isulat ang letrang A kung wasto ang isinasaad sa bawat bilang at letrang B kung di-wasto.
_____1. Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos o galaw.
_____2. Ang aspektong pangkasalukuyan ay nangyari na o tapos na.
_____3. Ang mga kilos na mangyayari o gagawin pa lamang ay aspektong panghinaharap.
_____4. Aspektong pangnagdaan ay mga kilos na nangyayari pa lamang.
______5. Ang pokus ng pandiwa ay tumutukoy sa ugnayan ng pandiwa at ng paksa ng pangungusap.

B. Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot.


1. Ito ang paksa na gumaganap ng kilos.
A. Pokus sa Layon B. Pokus sa Aktor C. Pokus sa Direksyon D. Pokus sa Kagamitan

2. Tinutukoy dito ang direksyon ng kilos na isinasaad ng pandiwa.


A. Pokus sa Layon B. Pokus sa Aktor C. Pokus sa Direksyon D. Pokus sa Tagatanggap

3. Ito ang paksa ng pangungusap na tumatanggap ng kilos o pandiwa.


A. Pokus sa Aktor B. Pokus sa Layon3 C. Pokus sa Tagatanggap D. Pokus sa Sanhi

4. Tinutukoy dito ang pook o lugar na pinag-uusapan sa pangungusap.


A. Pokus sa Direksyon B. Pokus sa Ganapan C. Pokus sa Kagamitan D. Pokus sa Layon

5. Ito ang paksa ng pangungusap na bagay ang pinagtutuunan ng pandiwa.


A. Pokus sa Aktor B. Pokus sa Layon C. Pokus sa Direksyon D. Pokus sa Kagamitan

Balik tanaw

Panuto: Piliin ang mga pandiwa o salitang kilos sa bawat bilang.

1. Nalalason ang mga yamang tubig ng mga basura at kemikal na galing sa mga planta at minahan.

2. Nabawasan ang polusyon sa hangin dahil sa pansamantalang pagsuspinde sa mga pampublikong sasakyan.

3. Naantala ang klase ng mga mag-aaral dahil sa COVID-19.

4. Marami ang nasawi dahil sa pandemya.

5. Nagtutulungan ang mga kawani ng gobyerno upang maihanda ang lahat ng pangangailangan ng mga mag-aaral.

Gawain C

Panuto: Tukuyin kung ang pokus ng pandiwa ay aktor o tagaganap, layon, ganapan, sanhi, tagatanggap, direksyon o
kagamitan.

Isulat ang sagot sa patlang.

1. Pinasyalan ng pangulo ang white sand sa Manila Bay.

2. Ang palayok ay pinaglutuan ng paksiw.

3. Ipinanghalo ni Kylie ng ulam ang kutsara.

4. Pumitas si Quennie ng pulang rosas.

5. Ikinalungkot ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ang naudlot nilang pagtatapos.


WEEK 6
WEEK 7

A. Panuto: Bilugan ang panlarawan o panuring sa pangungusap.

Ikahon kung ang inilalarawan ay pangngalan o panghalip, pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

1. Kahanga-hanga ang mga batang tumutulong sa kanilang magulang.

2. Sadyang makulay ang mga palamuti tuwing pista.

3. Mahinhing kumilos ang anak na dalaga ni Aling Bless.

4. Tunay na malakas sumuntok si Manny Pacquiao.

5. Sila ay masisipag na mag-aaral.

B. Panuto: Tukuyin kung ang salitang naglalarawan ay pang-uri o pang-abay.


Isulat ang sagot sa unahan ng bilang.
_________1. Madaling matuto ng aralin ang mag-aaral.
_________2. Maalalahaning kaibigan si Romeo.
_________3. Matayog lumipad ang saranggolang iyon.
_________ 4. Malinis ang bakuran ng paaralan.
_________5. Patakbo-takbong pinuntahan nina Eloisa ang batang nadapa

Pangwakas na pagsususlit

A. Panuto: Tukuyin kung pang-uri o pang-abay ang ginamit na salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang
wastong sagot sa patlang bago ang bilang.

1. Nakikinig nang tahimik si Ainsley sa itinuturo ng kanyang guro.

2. Tahimik si Ainsley habang nakikinig sa itinuturo ng kanyang guro.

3. Buong ingat na ginagamot niya ang sugat ng kapatid.

4. Buong ingat siya habang ginagamot ang sugat ng kanyang kapatid.

5. Masaya ang buhay ng bagong kasal sa Amerika.

6. Masayang namumuhay ang bagong kasal sa Amerika.

7. Masarap magluto ng kare-kare si Ate.

8. Masarap si ateng magluto ng kare-kare.

9. Tapat si Joy kung magmahal.

10. Tapat ang pagmamahal ni Joy.


1. Ilarawan ang pawikan ayon sa laki at bigat.

a. matandang pawikan

b. bagong pisang pawikan

2. Ilang beses nangingitlog ang babaeng pawikan?

3. Gaano kalayo ang nilalakbay ng mga pawikan para makabalik at makapangitlog sa lupang sinilangan?

4. Gaano karaming itlog ang inilalabas ng babaeng pawikan?

5. Gaano katagal bago mapisa ang itlog ng pawikan?

6. Paano napipisa ang mga itlong ng pawikan?

7. Paano nakararating ang mga bagong pisang pawikan sa dagat?

8. Ilang porsiyento ng batang pawikan ang nakaliligtas at nabubuhay?

9-10. Magbigay ng iba pang hayop na nangang

WEEK 8

PARA SA PERFORMANCE TASK OUTPUT BILANG #1, #2, #3

Pagsulat ng Sulating Di-Pormal, Pormal at Liham Pangangalakal

PT #1 Bumuo ng sulating di-pormal batay sa napiling paksa mula sa ibaba (PUMILI NG ISA).

1. Mga Larong Pilipino

2. Sa Aming Paaralan

3. Ang gusto kong Karera

4. Bakasyon sa Probinsiya

5. Panonood ng Basketball

PT#2 Sumulat ng sulating pormal tungkol sa sumusunod na paksa. Pumili ng isa.

1. Kahulugan ng Pag-ibig

2. Ang Pagtatapos

3. Hamon sa Kinabukasan

4. Pilipino-Saan Tutungo?

5. Buhay-Estudyante

PT# 3 Isulat nang maayos ang sumusunod ang mga bahagi ng liham pangangalakal sa isang malinis na papel. Pagsunod-
sunurin ang mga ito ayon sa sistemang kumbensyonal.

234 San Guillermo St. Muntinlupa, Metro Manila


Setyembre19, 2020 2.

Lubos na gumagalang,
Maria Reyes

G. Lino A. Santiago
DANE Publishing House. Inc.
203 Mindanao Avenue Extension Project 8, Quezon City

Ginoo:

Nabasa ko sa pahayagan na nangangailangan kayo ng isang ilustrador ng magasin sa inyong tanggapan. Nais ko
pong mag-aplay sa posisyong ito. Mahilig po ako sa pagguhit. Marami na po akong mga iginuhit na nanalo sa
mga paligsahan sa aming paaralan. Kung inyong mamarapatin, nais ko pong makipagkita sa inyo para sa interbyu
at upang ipakita ang mga ginawa ko. Sana po ay mabigyan ninyo ako ng pagkakataong makapagtrabaho ngayon
bakasyon upang makatulong naman po ako sa aking mga magulang.

Lubos po akong umaasa sa inyong pagsagot.

PT# 4 TUKUYIN ANG KATANGIAN NG TAONG NAGSASALITA


MGA PAGSUSULIT

Unang Pagsusulit
Ikalawang Markahan – Unang Linggo

Isulat kung Tama o Mali ang pahayag

1. Ang tauhan sa anekdotang Ang Uhay ng Palay ay si Manuel Luis Quezon.


2. Ang talaarawan ay nakasulat nang sunod-sunod ayon sa petsa.
3. Ang karaniwang nilalaman ng talaarawan ay mga balita na napanood sa telebisyon.
4. Kailangang itago ang talaarawan dahil personal na mga saloobin, nadarama at iniisip ang nakasuat dito.
5. Ang pagsulat sa talaarawan ay kailangang may petsa.
6. Ang anekdota ay isang salaysay ng natatangi at kawili-wiling pangyayari sa buhay ng isang kilala o dakilang tao.
7. Ang isang halimbawa ng anekdota sa iyong modyul ay pinamagatang Si Moching.
8. Si Moching ay kilala sa pangalang Manuel Luis Quezon.
9. Si Monching ay mapagmalasakit sa kapwa lalo na sa oras ng kagipitan.
10. Ang layon ng isang anekdota ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y
magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.

Ikalawang Markahan -Modyul 2


Ikalawang Pagsusulit
Piliin ang titik ng tamang sagot

1. Ito ay ang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa iba’t ibang tao, bagay, lugar o pangyayari.
A. Talata
B. Salaysay
C. Pangngalan
D. Teksto
2. Layunin ng tekstong ito ang magsalaysay batay sa isang tiyak na pangyayari.
A. Tekstong Persweysib o nanghihikayat
B. Tekstong Naratib
C. Tekstong Argumentatib
D. Tekstong Prosidyural
3. Ang tekstong ito ay naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
A. Tekstong Deskriptibo
B. Tekstong Impormatibo
C. Tekstong Naratib
D. Tekstong Argumentatib
4. Ito ay tumatalakay ng pagkakasunod-sunod ng mga pahayag, pangyayari o habang.
A.Tekstong Persweysib o nanghihikayat
B. Tekstong Naratib
C. Tekstong Argumentatib
D. Tekstong Prosidyural

5. Ang talaraarawan ay isang uri ng anong teksto?

A. Tekstong Deskriptibo
B. Tekstong Impormatibo
C. Tekstong Naratib
D. Tekstong Argumentatib

6. Ito ay isang hakbang sa pagbasa na tumutukoy sa pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.
A. Pag-unawa
B. Pag-kilala
C. Reaksyon
D. Pag-uugnay
7. Ang teksto tulad ng paraan ng pagluluto ng sinigang na bangus ay halimbawa ng tekstong?
A.Tekstong Persweysib o nanghihikayat
B. Tekstong Naratib
C. Tekstong Argumentatib
D. Tekstong Prosidyural

8. Ang Anekdota na tungkol kay Monching ay isang uri ng tekstong?

A. Tekstong Deskriptibo
B. Tekstong Impormatibo
C. Tekstong Naratib
D. Tekstong Argumentatib

9. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tekstong argumentatib?


A. Talumpati
B. Talambuhay
C. Ulat
D. Editoryal
10. Ito ay tekstong ay may layuning manghikayat sa pamamagitan pangangatwiran gamit ang isang paksa o usapin
gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan.
A. Tekstong Deskriptibo
B. Tekstong Impormatibo
C. Tekstong Naratib
D. Tekstong Argumentatib

Ikatlong Maikling Pagsusulit sa Filipino 6


Ikalawang Markahan -Modyul 3

Tukuyin kung anong kayarian ng pang-uri ang salitang may salungguhit sa bawat bilang.

A. Payak B.Maylapi C. Inuulit D. Tambalan

( papel)

Tukuyin kung anong kayarian ng pang-uri ang salitang ginamit sa bawat pangungusap. Letra lamang ng tamang sagot
ang isulat.

A. Payak B.Maylapi C. Inuulit D. Tambalan

1. Ang pangulo ay urong-sulong sa pagbibigay ng pahintulot para face to face learning sa mga lugar na nasa MGCQ
dahil narin sa panibangong variant ng Covid 19.
2. Masasabi kong dakila ang mga frontliners dahil sa paglilingkod nila sa mga mamamayan.
3. Kabit-kabit ang tahanan sa Bario Kamuning kung kaya madaling kumalat ang Covid 19.
4. Ang mga doktor ay gumamit ng makabagong teknolohiya upang makagawa agad ng vaccine laban sa Covid 19.
5. Ang nabili kong earphone sa Shopee ay kasintibay ng nabili ng ate ko sa Lazada.
6. Bumili ako sa naglalako ng prutas sa aming lugar at sobra ang naibigay niyang sukli.
7. Ang aking kamag-aral ay bigay-todo sa pagsasayaw sa Tiktok.
8. Kaakit-akit ang mga bulaklak na tanim ng aking plantitang Nanay.
9. Maswerte ang aming pamilya dahil kahit paano ay may trabaho parin ang aking mga magulang.
10. Ano man ang nangyayari sa ating bansa ay payapa parin ang ating pamumuhay.

Tukuyin kung anong kailanan ng pang-uri ang mga sumusunod na nakahilig na mga salita.

A. Isahan B. Dalawahan C. Maramihan

1. Ang dalawang manlalaro ng basketball ay magkasingtangkad


2. Malulusog ang mga alagang aso ni Pedro.
3. Mahapdi ang sugat ni Sam sa tuhod.
4. Ang anim na turista ay umakyat sa mataas na bundok.
5. Kapwa malikhain ang kambal na Mikaela at Anastacia.

IKAAPAT Maikling Pagsusulit sa Filipino 6


MODYUL 4

Tukuyin ang ipinahihiwatig o katangian ng mga sumusunod na pahayag. Mula sa Kwentong Alibughang Anak

A. pagtitiyaga D. pagmamalaki
B. pagsisisi E. kasiyahan
C. pagtitiwala F. pagdadamdam

1. “Ako ama ay hindi sumuway sa mga utos mo, pinagsilbihan kita. Ngayong dumating ang iyong suwail na anak ay
ipinaghanda mo pa siya nang marangya”.

2. Ipinaghanda ng ama ang pagbabalik ng kanyang bunsong anak.

3. Hindi iniwan ang ama at patuloy na nagtrabaho sa bukid.

4. “Ako’y ‘di karapat dapat bilang iyong anak. Ama, gawin mo na lang akong alipin”.

5. “Ama, ibigay mo na sa akin ang aking mana.”

MODYUL 5
A. Tukuyin kung anong ASPEKTO ng PANDIWA ang mga sumusunod na salita.
A.Naganap B. Nagaganap C. Magaganap
1.pumasok
2. papayagan
3. pinaglalaruan
4. maiisip
5. kinagat

B. Tukuyin kung anong POKUS ng PANDIWA ang isinasaad sa bawat pangungusap.


Pumili ng sagot sa pagpipiliian.
A. Sanhi.
B. Aktor o tagaganap
C. Kagamitan o instrument
D. Ganapan
E. Tagatanggap
F. Layon
G. Direksyon
6. Ang menudo ay niluto ni Ate Alice.
7. Ang kawali ay pinaglutuan ni Ate Alice ng menudo.
8. Si Nanay ay ipinagluto ni Ate Alice ng menudo.
9. Ang sandok ay ipinangkuha ni Ate Alice ng menudo sa kawali.
10.Ang pagluto ni Ate Alice ay ikinasaya ni Nanay.

Modyul 6
Tukuying kung A. PAMARAAN. PAMANAHON C. PANLUNAN
11. Hinihintay sila ni Mang Rudy sa tabi ng van.
12. Masayang nakipaglaro ang dalawa sa ibang mga bisita.
13. Ang mga bata ay magiliw na kumanta para kay Jessica.
14. Taos-pusong nagpasalamat ang magkapatid kay Jessica.
15. Susunduin ni Mang Rudy ang magkapatid pagkatapos ng pagdiriwang.
Tukuyin kung ang grupo na mga salitang may salungguhit ay sanhi at bunga
A. Sanhi B. Bunga
16.. Hindi naplantsa ni Janet ang kanyang uniporme dahil nawalan sila ng kuryente.
17.. Pumutok ang gulong ng bisikleta ni Justin kaya napatigil siya sa daan.
18.. Pagka’t malakas ang sikat ng araw, agad natuyo ang mga damit sa sampayan.
19.. Hindi pumasok sa opisina si Manuel pagka’t mataas ang kanyang lagnat
20. Sapagka’t nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi nakapagsuklay si Ana.

You might also like