You are on page 1of 8

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 6 UNA AT IKALAWANG LINGGO


Kwarter 2

AKING NASAKSIHAN

Balikan Natin

Direksyon: Suriin at tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag ang ginamit sa


bawa pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa
patlang.

A. Paghingi ng pahintulot D. Pagpapaalam


B. Pasasalamat E. Pagbati
C. Pagtanggap sa panauhin F. Paghingi ng paumanhin

_____________________ 1. Magandang umaga po sa inyong lahat.


_____________________ 2. Pasensya na po kayo sa nagawa kong mali.
_____________________ 3. Tuloy po kayo sa aming munting tahanan.
_____________________ 4. Makikiusap po sana ako na unawain ang aking pakiusap.
_____________________ 5. Marami pong salamat sa pagtuturo sa akin.

Unawain Natin

Alam mo ba kung ano ang anekdota?


Ang anekdota ay isa ring pagsasalaysay ng ilang kawili-wiling pangyayari.
Halika’t basahin natin ang isang nakawiwiling pangyayaring naganap sa kanyang
buhay noong siya ay bata pa.

TSINELAS NI JOSE RIZAL

-Hango sa Kaalaman sa Panitikan FB Page

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong
luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang
sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paruparong puti na
naghahabulan.Ang bangka ay karaniwang gawa sa inukit sa matibay na kahoy na
nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay
at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa
tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang bangka ay
ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito
kaysa gumamit ng kalabaw o ng karitela.

1
Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos
ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga
lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil
iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali
dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko
sa bangka.
“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas
na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas
ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang
katulad ko.
-Jose Rizal

Ilapat Natin

Alam kong kakayanin mong sagutan ang mga sumusunod na tanong.


Halika at bilugan ang titik ng mga salitang hinahanap sa bawat bilang.

1. Sino ang sumulat ng iyong binasa?


A. Jose Rizal C. bangkero
B. Andres Bonifacio D. mangingisda

2. Saan naganap ang pangyayari?


A. sa Batangas C. sa lawa
B. sa Laguna D. sa ibang bansa

3. Anong sasakyan ang sinasabi ni Rizal na mas mabilis pa kaysa sa kalabaw o


karitela?
A. bisikleta C. bangka
B. dyip D. kalesa

4. Ano ang nangyari sa kanyang tsinelas?


A. inanod sa tubig C. itinapon sa dagat
B. itinago ng bangkero D. binigay sa kaibigan

5. Bakit niya itinapon ang isa pa niyang tsinelas?


A. upang hindi mapakinabangan
B. upang parehong maanod ang isa pang tsinelas
C. upang mabilhan ng bagong pares ng tsinelas
D. upang mapakinabangan kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas

2
Suriin Natin
Ano ang napansin mo sa kuwentong iyong binasa? Anong uri ng akda ito?
Kung ang sagot mo ay ang Anekdota ni Jose Rizal, ikaw ay tama.

Ang anekdota ay isang maikling kuwento o pagsasalaysay ng ilang


kawili-wiling insidente o pangyayari

Sa pagbabasa ng isang anekdota, kailangang tandaan ang mga mahahalagang


salita na nakapaloob sa binasa. Unawain ding mabuti upang maintindihan nang
lubusan ang binabasang teksto.

Gawain 1
Gumupit ng isang larawang nagpapakita ng pangyayaring nasaksihan habang naka-
community quarantine. Ikuwento ito sa magulang/kapatid/guardian.
Pangyayaring nasaksihan:

Ang pagbabahagi ng isang nasaksihang pangyayari ay kinakailangang may


katotohanan upang makapagbigay ng tamang impormasyon sa posibleng sanhi at
bunga ng mga nangyayari sa ating paligid.

Ang sanhi o dahilan ay nagsasabi ng isang pangyayari.


Sumasagot ito sa tanong na: Bakit nangyari?

Ginagamit ang dahil o sapagkat kung ang dahilan ay nasa hulihan ng


pangungusap.

Ang bunga o epekto ay nagbibigay ng kasunod na pangyayari. Sumasagot ito sa


tanong na: Ano ang bunga o epekto?

Ginagamit ang kaya kung ang bunga o epekto ay nasa hulihan ng


pangungusap.

3
Ngayon naman, basahin mo ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Mabilis inanod ng tubig ang tsinelas ni Rizal kaya hindi na niya ito nahabol.
2. Nalungkot si Rizal dahil sa pagkawala ng kanyang tsinelas.

Ating suriin ang mga sanhi at bunga ng bawat pangungusap.

Sanhi o Dahilan Bunga o Epekto


Mabilis inanod ng tubig ang tsinelas kaya hindi na niya ito nahabol
dahil sa pagkawala ng kanyang tsinelas Nalungkot si Rizal

Gawain 2
Basahing mabuti ang bawat pangungusap at suriing mabuti ang sanhi at bunga.
Isulat ang mga sagot sa talahanayan sa ibaba.

1. Nagpatupad ang ating gobyerno ng community quarantine sa buong bansa dahil sa


banta ng coronavirus disease o COVID-19.
2. Maraming mamamayang Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa community
quarantine.
3. Lubhang nakakahawa ang sakit na COVID-19 kaya mabilis na tumaas ang bilang
ng natamaan nito.
4. Nagbigay ng ayuda ang pamahalaan kaya natugunan ang pangangailangan ng ilan
sa ating mga mamamayan.
5. Ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ang paglabas ng mga bata sa kanilang
bahay kaya sina Prince at Terrence ay hindi na nakakapaglaro sa labas.

Sanhi o Dahilan Bunga o Epekto


1.
2.
3.
4
5.

4
Tayain Natin
Pagsasanay 1
Direksyon: Basahin nang mabuti ang isang anekdota at sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

ANEKDOTA SA BUHAY NI MANUEL L. QUEZON

Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan dahil sa sakit,


dinalaw siya ni Padre Serapio Tamayo, O.P, isang matalik na kaibigan ng Pangulo na noon
ay Rektor ng Pamantasan ng Santo Tomas. Bago pa lamang pumapasok ang pari sa silid
ng Pangulo ay hinadlangan na siya ng nars. Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na
maghintay nang ilang saglit sapagka't ipagbibigay-alam muna niya sa maysakit ang
kanyang pagdating.
Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo na may panauhin.
Ganito ang sinabi, "Mr. President, the priest is here."
Dahil sa maling pagbigkas ng nars sa salitang "priest", inakala ng Pangulo na ang kanyang
panauhin ay isang mamamahayag. Ang pasigaw na utos ng Pangulo ay, "Sabihin mo sa
'press' na pumunta sa impyerno."
Subali't bago niya natapos ang pangungusap na ito ay nakapasok na ang pari sa
silid ng Pangulo at narinig ang pahayag na yaon.

1. Kaninong anekdota ang iyong binasa?


A. Padre Serapio Tamayo C. ang mamamahayag
B. Pangulong Manuel Quezon D. ang nars
2. Sino ang matalik na kabigan ng Pangulo?
A. Padre Serapio Tamayo C. ang doktor
B. Pangulong Manuel Quezon D. ang nars
3. Anong wika ang ginamit ng nars ng pagpapabatid sa Pangulo na may panauhin?
A. Wikang Ilokano C. Wikang Pranses
B. Wikang Tagalog D. Wikang Ingles

4. Bakit kaya nagalit ang Pangulo?


A. Dahil mali ang pagbigkas ng nars salitang “priest”.
B. Dahil ayaw ng Pangulo ang panauhin.
C. Dahil mali ang gamot na ibinigay.
D. Dahil sa akalang ang panauhin ay isang mamamahayag.
5. Paano sinabi ng Pangulo ang katagang, "Sabihin mo sa 'press' na pumunta sa
impyerno."?
A. Sinabi ito nang pabulong C. Sinabi ito nang pasigaw
B. Sinabi ito nang mahinahon D. Sinabi ito nang padabog

5
Pagsasanay 2

Direksyon: Pag-aralang mabuti ang mga pangyayari sa bawat larawan sa Hanay A.


Hanapin sa Hanay B ang tumutukoy nito. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

_____1. A. Tinutulungan ni Jia ang kanyang


nanay sa mga gawaing bahay.

B. Ang mga medical health workers ay


nakasuot ng Personal Protective
_____2. Equipment (PPE) upang hindi mahawa
ng sakit sa kanilang mga pasyente.

C. Binisita ng Pamilyang Santos si Lolo


Delfin sa probinsiya dahil ito ay may
_____3.
sakit.

_____4. D. Ako ay nagsusulat ng talaarawan gabi


gabi.

_____5. E. Ang mga tao sa amin ay nakasuot ng


facemask bilang pagsunod sa health
protocols.

Pagsasanay 3
Direksyon: Basahing mabuti ang mga nasa kahon at sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

Oras na ng tanghalian ngunit ipinagpatuloy pa rin ni Ana ang paglalaro.


Sumakit ang kaniyang tiyan dahil hindi siya kumain.

1. Alin ang bunga ng hindi niya pagkain ni Ana?


A. Oras na ng tanghalian. C. Sumakit ang kanyang tiyan.
B. Dahil hindi siya kumain D. Pinagpatuloy ni Ana ang paglalaro

6
Mahirap lamang ang mag-anak ni Mang Felipe ngunit sila ay masaya. Lagi
silang nagtutulungan sa lahat ng gawain kaya hindi nag aaway ang kanilang mga
anak.
2. Alin ang sanhi sa talata?
A. Sila ay masaya
B. Hindi nag-aaway ang mga anak nila.
C. Mahirap lamang ang mag-anak ni Mang Felipe.
D. Lagi silang nagtutulungan sa lahat ng gawain.

Araw ng Sabado at walang pasok si Katrina. Napansin niyang pagod na


pagod na ang kanyang ina sa paglilinis ng bahay kaya siya ay tumulong.
3. Piliin ang bunga sa talata.
A. Araw ng Sabado C.Naglilinis ang kanyang ina.
B. Kaya siya ay tumulong D. Napansin niyang pagod na

Nagpunta sina Marites sa parke. Isang batang babae ang nakatingin sa


kanya habang sila ay kumakain ng baon nilang pansit. Nararamdaman niya na
nagugutom ito. Naawa si Marites sa bata kaya binigyan niya ito ng pagkain.

4. Anong naging dahilan sa pagbibigay niya ng pagkain sa bata?


A. Nagpunta sina Marites sa Parke.
B. Isang batang babae ang nakatingin sa kanya
C. kumakain sila ng pansit.
D. Naawa si Marites sa batang nagugutom.

Si Manuel ay isang manlalaro ng chess. Araw-araw ay nagsasanay siya


pakatapos ng klase. Hindi rin niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral. Parati
siyang nananalo dahil sa kanyang tiyaga.

5. Ano ang bunga ng kanayng pagsasanay?


A. siya ang manlalaro ng chess.
B. palagi siyang nanalo
C. Nagsasanay sya pagkatapos ng klase.
D. Hindi niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral

7
Likhain Natin

Panuto: Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa nakawiwiling pangyayari sa iyong


buhay noong panahon ng community quarantine.
Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang iyong gabay.

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pamantayan ng Pagmamarka
__________________________________________________________________
Nilalaman 2 puntos
__________________________________________________________________
Gamit ng Wika 2 puntos
Paraan ng pagkakaayos
__________________________________________________________________
1 puntos
(bantas, malaki at maliit na titik at paraan ng pagkakasulat)
__________________________________________________________________
Kabuoan 5 puntos
__________________________________________________________________

You might also like