You are on page 1of 7

DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN 9

Batay sa MELC

Piliin ang tamang sagot sa mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
BAWAL MAGBURA.

1. Ang ekonomiks ay isang mahalagang agham panlipunan. Ano ang pinag-aaralan nito?
a. Paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman.
b. Pagpaparami ng pinagkukunang yaman.
c. Pamamahagi ng pinagkukunang yaman.
d. Paggawa ng mga produktong kailangan ng tao.
2. Kung ikaw ay isang matalinong mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
a. Isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala at tradisyon.
b. Isinasaalang-alang ang hilig at kagustuhan.
c. Isinasaalang-alang ang magiging bunga ng desisyon.
d. Isinasaalang-alang ang itsura at porma.
3. Ano ang batayang kasagutan na hinahanap sa ekonomiks?
a. Paano mapapaunlad ang isang bansa.
b. Paano magagamit ang mga pinagkukunang yaman upang mapaunlad ang buhay.
c. Paano gagamitin ang mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang mga pangangailangan.
d. Paano makakamtan ng tao ang kasaganaan.
4. Sa pag-aaral ng Ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan
natin ang kakapusan?
a. hindi tamang paggamit ng likas na yaman
b. masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-yaman
c. mapaminsalang kalamidad na nararanasan
d. walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado ang
pinagkukunang-yaman
5. Ano ang tawag sa pagtatakda ng mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang kagustuhan at
pangangailangan ng tao?
a. Distribusyon b. Alokasyon c. Pamumuhunan d. Reserbasyon
6. Kailan itinuturing na may pakinabang ang isang bagay?
a. Kung ginagamit ito sa paglikha ng bagong produkto
b. Kung mahal ang presyo nito
c. Kung laganap ito sa maraming lugar
d. Kung ginagamit ito upang matugunan ang ating pangangailangan
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa likas-yaman?
a. Yamang lupa b. Yamang tubig c. Yamang kapital d. Yamang mineral
8. Ano ang dahilan bakit magkakaiba ang halaga ng iba’t ibang uri ng bigas?
a. May mga bigas na sadyang mahirap itanim.
b. May mga bigas na galing ng ibang bansa.
c. May mga bigas na mas mataas ang halaga ng produksyon.
d. May mga bigas mas madaling masira.
9. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkonsumo?
a. Paggamit ng mga produkto. c. Pagbebenta ng mga produkto.
b. Paggawa ng mga produkto. d. Paghahanap ng produkto.
10. Mahihirapang mabuhay ang mga tao kung wala silang pagkain, damit at tirahan. Ano ang tawag sa
mga bagay na ito?
a. Luho b. Pangangailangan c. Kagustuhan d. Kagamitan
11. Kailan mo masasabing matalino ang isang mamimili?
a. Gumagamit ng credit card c. Sumusunod sa Badyet
b. Bumibili ng second hand d. Bumibili ng mura
12. Anong katangian ng mamimili ang ipinapahiwatig kapag inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa
upang makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad?
a. Marunong maghanap ng alternatibo c. Makatwiran
b. Hindi nagpapadaya d. Mapanuri
13. Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang bilhin ng mga mamimili.
a. Demand b. Elasticity c. Market Schedule d. Supply
14. Komplementaryo ang mga produktong sabay na ginagamit. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
halimbawa nito.
a. Kape at Asukal b. Asin at Paminta c. Tubig at Sabon d. Baboy at Manok
15. Kapag magpapasko, marami ang nais bumili ng hamon kahit mataas ang presyo nito. Ano ang dahilan
nito batay sa konsepto ng demand?
a. Bawal ang manok tuwing pasko.
b. Marami ang nagtitinda ng hamon tuwing magpapasko.
c. Mataas ang kita ng mga mamimili tuwing magpapasko.
d. Mas mura ang hamon tuwing magpapasko.
16. Anong grupo ang komokontrol ng supply ng isang produkto sa pamilihan?
a. Mamimili b. Nagtitinda c. Pamahalaan d. Konsyumer
17. Ang graph na naglalarawan ng ugnayan ng presyo (P) at dami ng supply (Qs).
a. Supply curve b. Demand curve c. Market curve d. Elastic Curve
18. Ang matematikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo (P) at dami ng supply (Qs).
a. Supply Schedule b. Supply Curve c. Supply Function c. Supply Graph
19. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang dami ng quantity
demanded (Qd) at quantity supplied (Qs). Ano ang kahulugan ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa
pamilihan?
a. Parehong nasisiyahan ang konsyumer at prodyuser.
b. May labis na supply sapagkat maaring magtaas ng presyo ang mga prodyuser.
c. Kaunti na lamang ang bibilhin ng konsyumer.
d. Hindi nasiyahan ang konsyumer dahil sa labis na demand.
20. Si Nita ay nagtitinda ng lanzones. Di niya madagdagan ang presyo ng lanzones dahil baka walang
bumili sa kanya. Dahil dito, nagtinda rin siya ng saging. Ano ang maaring mangyari sa kita ni Nita?
a. Tataas b. Bababa c. Walang Pagbabago d. Pabago-bago
21. Alin sa mga sumusunod ang palatandaan ng pag-iral ng ganap na kompetisyon sa isang pamilihan?
a. Isa lamang ang nagtitinda ng isang produkto.
b. Iilang kompanya lamang ang nagtitinda ng magkakatulad na produkto.
c. May malaking bilang na nagbebenta ng mga produktong pareho ang gamit ngunit ibaiba ang
kalidad.
d. Maraming maliliit na kompanya ang gumagawa at nagbebenta ng parehong produkto.
22. Alin sa mga sumusunod ang palatandaan ng pagkakaroon ng di-ganap na kompetisyon?
a. Maraming kompanya ang nagbebenta ng parehong produkto.
b. Walang pakialam ang mga mamimili kung kaninong produkto ang binibili nila.
c. Napapababaan ng presyo ang mga nagtitinda.
d. Nakokontrol ng isang kompanya ang presyo ng kalakal.
23. Nagaganap kapag hindi natutugunan ang pangangailangan ng mamimili at nagtitinda.
a. Market Failure b. Price Ceiling c. Price Control d. Price Freeze
24. Dahil sa MECQ, ipinatupad ng pamahalaan ang price freeze sa mga pangunahing bilihin. Ano ang ibig
sabihin nito?
a. Ipinagbawal ang pagbili ng mga pangunahing bilihin.
b. Ipinagbawal ang pag-angkat ng mga pangunahing bilihin.
c. Ipinagbawal ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
d. Ipinagbawal ang pagluwas ng mga pangunahing bilihin.
25. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
a. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya c. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
b. Kita at gastusin ng pamahalaan d. Transaksiyon ng mga institusyong pinansyal
26. Ang pamahalaan ay nagkakaloob ng mga produkto at serbisyong pampubliko. Alin sa mga sumusunod
ang halimbawa nito?
a. Sahod sa mga manggagawa c. Pakikipagkalakalan sa ibang bansa
b. Iskolarship sa mga mahihirap na mag-aaral d. Pangangampanya sa eleksyon
27. Perang kinokolekta ng pamahalaan na mula sa kinikita ng sambahayan at bahay-kalakal?
a. Buwis b. Kita c. Gastos d. Ipon
28. Bakit mahalagang malaman kung may pagtaas sa GDP at GNP?
a. Upang malaman kung dapat magpalit ng pangulo.
b. Upang malaman kung may laban ang ating bansa sa iba.
c. Upang malaman kung dapat mangutang ang pamahalaan
d. Upang malaman kung may dapat baguhin sa patakarang pang-ekonomiya sa bansa.
29. Alin ang naglalarawan ng positibong economic performance ng bansa?
a. Kapag maraming mamamayan ang walang trabaho.
b. Kapag maraming tao ang nagpupunta sa mga mall.
c. Kapag may pagtaas sa GDP.
d. Kapag lumalaki ang utang ng bansa.
30. Ang inflation ay tumutukoy sa pagtaas ng mga bilihin. Ano ang negatibong epekto ng nito sa
ekonomiya?
a. Pagdami ng perang nasa sirkulasyon.
b. Pagluwas ng mga kalakal sa ibang bansa.
c. Paghina ng halaga ng salapi sa pamilihan.
d. Pagbagsak ng suplay ng mga produkto.
31. Alin sa mga sumusunod ang pinakamasamang epekto ng inflation?
a. Bababa ang kayang bilhin na kalakal ng mga konsyumer.
b. Mas liliit ang kakayahan ng dolyar laban sa piso.
c. Boluntaryong pagtanggi sa pagbili ng produktong mataas ang halaga.
d. Paghingi ng dagdag na sahod ng mga manggagawa.
32. Aling ahensiya ng pamahalaan ang namamahala sa pambansang badyet?
a. Department of Education c. Department of Health
b. Department of Budget and Management d. Department of National Defense
33. Ano ang pinakamalaking pinagmumulan ng pondo ng pamahalaan?
a. Pangungutang sa ibang bansa. c. Donasyon ng mga pribadong korporasyon.
b. Koleksyon ng buwis. d. Pagbebenta ng pag-aari ng pamahalaan.
34. Anong ahensiya ng pamahalaan ang may tungkulin na panatilihin ang katatagan ng salapi sa bansa?
a. Bangko Sentral ng Pilipinas c. Philippine National Bank
b. Land Bank of the Philippines d. Pag-IBIG Fund
35. Alin ang HINDI kabilang sa dahilan kung bakit mas mainam ang mag-impok ng pera sa bangko kaysa
sa alkansiya?
a. Ligtas ang pera sa magnanakaw, sunog at kalamidad.
b. Madaling makuha ang pera kung kailangan.
c. Kumikita ang pera ng interes.
d. Maari itong mapalitan sakaling ma-holdap ang bangko.
36. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pag-iimpok ng mga konsyumer?
a. Pagpasok ng pera sa bangko c. Pagkuha ng credit card
b. Pagbili ng bagong damit d. Pagbili ng mga kalakal na installment
37. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng pagtitipid?
a. Paglalakad kung malapit lang ang pupuntahan.
b. Pagpili sa mas murang brand ng damit.
c. Madalas na panunuod ng sine.
d. Pagdadala ng baon sa halip na kumain sa restawran.
38. Alin sa mga sumusunod na salik ang HINDI maaring makatulong upang umangat ang ekonomiya ng
bansa?
a. Teknolohiya b. Karahasan c. Yamang-tao d. Likas na Yaman
39. Bilang konsyumer, alin sa mga sumusunod ang nakakatulong upang mapaunlad ang ekonomiya ng
bansa?
a. Pagbili sa mga tindahang dayuhan c. Pagbili ng mga produktong mula sa Pilipinas
b. Pagbili ng mga pekeng produkto d. Pagbili ng mga kalakal na smuggled
40. Alin sa mga sumusunod na salaysay ang pinakawasto tungkol sa pambansang kaunlaran?
a. Lahat ng Pilipino ay may mga tungkuling dapat gampanan upang makamit ang pambansang
kaunlaran.
b. Ang kaunlaran ay nakasalalay sa mga dayuhang bansa tulad ng US at China.
c. Tungkulin lamang ng pamahalaan ang pambansang kaunlarin.
d. Malabo nang makamit ng Pilipinas ang pambansang kaunlaran.
41. Aling sektor ang lumilikha ng pagkain at nagsusuplay ng hilaw na materyales sa bansa?
a. Agrikultura b. Industriya c. Paglilingkod d. Impormal na Sektor
42. Sa panahon ngayon, ang agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa taunang kita ng ekonomiya.
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan nito?
a. Pagliit ng mga lupang sakahan.
b. Patuloy na pag-angkat ng bigas mula sa China, Vietnam at Thailand.
c. Kulang ang suporta ng pamahalaan sa mga magsasaka.
d. Lahat ng nabanggit.
43. Alin sa mga sumusunod na sub-sektor ng industriya na tumutugon sa industriya ng pagpapatayo ng
gusali, pagawaan, tulay at iba pang istruktura?
a. Pagmimina b. Pagmamanupaktura c. Konstruksyon d. Utilities
44. Bakit mahalaga ang magkaroon ng makabagong teknolohiya sa mga pagawaan?
a. Mabawasan ang bilang ng mga manggagawa sa isang pagawaan.
b. Unti-unti nitong inaalis ang manual labor sa mga pagawaan.
c. Maaantala ang pagluluwas ng mga lokal na produkto sa ibang bansa.
d. Mapapataas nito ang produksyon ng mga manggagawa sa mga pagawaan.
45. Ano ang naging masamang epekto ng pandemya sa sektor ng paglilingkod?
a. Maraming kumpanya ang nagtaas ng sahod sa mga manggagawa.
b. Lumaki ang kita ng Business Process Outsourcing (BPO).
c. Maraming negosyo ang nagbawas ng trabahador at tuluyang nagsara.
d. Sumigla ang turismo sa ating bansa.
46. Ayon sa batas, kapag nakapagtrabaho ang isang manggagawa ng lampas walong (8) oras sa isang
araw ay makakatanggap ito ng karagdagang bayad. Ano ang tawag sa kabayarang ito?
a. Service Charges c. Service Incentive Leave
b. Overtime Pay d. Faternity Leave
47. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng magandang epekto ng paglaganap ng
impormal na sektor?
a. Ipinapakita nito ang pagiging maparaan ng mga Pilipino.
b. Sumasalamin ito ng pagiging mahirap ng bansa.
c. Ito ay larawan ng industriyalisadong bansa.
d. Maraming mamamayan ang umaasa sa Pilipinas.
48. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng impormal na sektor?
a. Ito ay nagbabayad ng tamang buwis
b. Ito ay walang legal o pormal na dokumento
c. Ito ay hindi nag-iisyu ng resibo
d. Ito ay hindi sakop sa pagsukat ng GNP
49. Ano ang pinakamahalagang dahilan bakit kailangan ng isang bansa ang kalakalang panlabas?
a. Bawat bansa ay nangangailangan ng tulong ng ibang bansa
b. Hindi lahat ng pangangailangan ng mga mamamayan ay kayang matugunan ng kanilang bansa
c. Ang bansa ay nagiging dalubhasa sa paggawa ng produkto at serbisyo
d. May mga kagustuhan ang tao na sadyang matutugunan lamang ng ibang bansa
50. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang naitutulong ng pagluluwas (export) sa ekonomiya ng
bansa?
a. Pinatataas nito ang produksyon ng ekonomiya
b. Nakakatulong ito sa paglilipat ng teknolohiya
c. Pinabubuti nito ang seguridad ng bansa
d. Pinatataas nito ang kalidad ng kalakal sa bansa

Prepared by:

Arnel O. Rivera
Teacher III

Checked by:

Laarni G. Govina
Key Teacher

Noted by: Approved by:

Annalyn O. Canaleta Mylene C. Cuevas


Master Teacher I Officer-in-Charge/Master Teacher VI
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN 9
Batay sa MELC

Answer Key

1. A 16. B 31. B 46. A


2. C 17. A 32. B 47. A
3. C 18. C 33. A 48. A
4. D 19. A 34. B 49. B
5. B 20. A 35. A 50. A
6. D 21. D 36. D
7. C 22. D 37. B
8. C 23. A 38. C
9. A 24. C 39. A
10. B 25. A 40. A
11. C 26. A 41. D
12. D 27. D 42. C
13. A 28. C 43. D
14. D 29. C 44. C
15. C 30. A 45. B
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN 9
Batay sa MELC

TABLE OF SPECIFICATIONS (TOS)


Number of Placement
Most Essential Learning Competencies (MELC)
Items of Items
• Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang- araw-araw na pamumuhay bilang isang
2 1-2
mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
• Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat
pamilya at ng lipunan. 2 3-4

• Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya. 2 5-6


• Natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na
2 7-8
pamumuhay
• Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo. 2 9-10
• Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang
2 11-12
mamimili.
• Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang araw-araw na
2 13-14
pamumuhay
• Matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na nakaaapekto sa
1 15
demand
• Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa suplay sa pang araw-araw na
2 16-17
pamumuhay.
• Matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na nakaaapekto sa
1 18
suplay.
• Nasusuri ang mga epekto ng shortage at surplus sa presyo at dami ng kalakal at
1 19
paglilingkod sa pamilihan
• Naipapaliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng presyo at ng
1 20
pamilihan
• Nasusuri ang iba’t ibang Istraktura ng Pamilihan 2 21-22
• Napangangatwiranan ang kinakailangang pakikialam at regulasyon ng pamahalaan sa mga
gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang istraktura ng pamilihan upang matugunan ang 2 23-24
pangangailangan ng mga mamamayan
• Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng
2 25-26
ekonomiya.
• Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita. 2 27-28
• Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon. 2 29-30
• Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal 2 31-32
• Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi. 2 33-34
• Napahahalagahan ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya. 2 35-36
• Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran. 2 37-38
• Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa
1 39
pambansang kaunlaran
• Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa
2 40-41
ekonomiya.
• Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at
1 42
paggugubat.
• Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng sektor ng industriya at mga patakarang
2 43-44
pang- ekonomiyang nakatutulong dito.
• Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng sektor ng paglilingkod at mga patakarang pang-
2 45-46
ekonomiyang nakatutulong dito.
• Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng impormal na sektor at mga patakarang
2 47-48
pangekonomiyang nakatutulong dito.
• Nasusuri ang pang-ekonomikong ugnayan at patakarang panlabas na nakakatulong sa
2 49-50
Pilipinas.
Total 50

You might also like