You are on page 1of 8

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 6 IKAPITONG LINGGO

Kwarter 2

ANG LIHAM NI RITA

Balikan Natin

A. Panuto: Tingnan ang mga larawan sa bawat bilang. Bumuo ng pangungusap gamit
ang pang-
abay at pang-uri na nasa bilang.

1. Magalang
Pang-uri:
____________________________________________________
Pang-abay:

_______________________________________________

2. Masarap Pang-uri:
____________________________________________________
Pang-abay:

_______________________________________________

3. Magaling Pang-uri:
____________________________________________________
Pang-abay:

_______________________________________________

B. Panuto: Tukuyin kung alin sa dalawang salitang may salungguhit ang ginamit bilang
pang-uri o pang-abay. Isulat ang sagot sa patlang.

____________1. Masipag na mag-aaral si Leandro.

____________2. Masipag maglinis ng bahay ang aking ate.

____________3. Mahusay sumulat ng mga nobela si Dr. Jose P. Rizal.

____________4. Mahusay na bata ang aking anak.

1
Unawain Natin
Panuto: Basahin at unawain ang isang kuwento

Ang Liham ni Rita

Matutunghayan natin ngayon ang isang liham na ipinadala ni

Rita sa tagapangasiwa ng isang kompanya. Si Rita ay panganay sa
magkakapatid. Siya ay masipag sa kanyang pag-aaral kaya
nakapagtapos siya sa isang mataas na paaralan. Gustuhin man niya
na maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo mas pinili niya
na maghanap ng trabaho.
Nais niyang mag-aplay sa trabaho upang makatulong sa kanyang
pamilya. Mababasa natin ngayon ang liham ni Rita. Nakadetalye dito ang
nais niyang sabihin sa pag-aaplay ng trabaho. Basahin natin ang liham.

123 Aguirre St. BF Homes

Sucat, Parańaque City
Agosto 27, 2021

Gng. Angela R. Valdez

Tagapangasiwa, Gloria’s Mini- Mart
Sucat, Parańaque

Ginang:

Nabasa ko po sa karatula na nangangailangan kayo ng bagger. Nais ko pong magprisinta

sa posisyong ito kung iyong mamarapatin. Nagtapos po ako ng hayskul noong nakaraang
Marso. Bagaman wala pa po akong karanasan sa ganitong gawain, ang aking pagiging
panganay sa pamilya ay nagmulat sa akin sa iba’t ibang tungkulin. Ako po ay masipag sa
mga gawain na iniatas sa akin at ito ay natatapos ko sa oras na kinakailangan.
Ikalulugod ko pong makasama sa mga kakapanayamin. Salamat po.

Lubos na gumagalang,

Rita R. Castro

Ilapat Natin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa pamamagitan ng pagkuha ng datos sa mga
liham na nasa itaas.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2
2. Ano ang nais pag-aplayan ni Rita?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Ano ang pangalan ng tagapangasiwa at ng kompanya na nais pag-aplayan ni
Rita?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

4. Bakit nais niyang mag-aplay ng trabaho?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

5. Kung ikaw si Rita, nais mo rin bang mag-aplay ng trabaho? Bakit?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Suriin Natin
TANDAAN NATIN:

1. Ang pagtatala ng datos mula sa binasang teksto ay higit na makatutulong upang mas
lubusan nating maunawaan ang tekstong binasa.
2. Pagsulat ng sulating pormal at di pormal na sulatin.
✓ Pormal na sulatin- ang paksa ay may kalaliman. Ang mga salita na ginagamit ay
pinipili at may masining na pagpapahayag.
✓ Di Pormal na sulatin- malayang pagsulat sapagkat payak at kadalasang simple
ang paglalahad ng mga kaisipan.

Mga Bahagi ng Liham

Ang liham ay isang paraan ng mabuting pakikipag-ugnayan sa komunikasyon. Mahalaga

ito upang mapanatili ang komunikasyon sa bawat isa.
✓ Pamuhatan-dito isinusulat ang tirahan ng sumulat at petsa ng pagkakasulat.
✓ Patunguhan- binubuo ng pangalan at katungkulan ng susulatan, tanggapan o
opisina.
✓ Bating Panimula- maikli at magalang na pagbati.
✓ Katawan ng Liham - dito nakasaad ang nilalaman o nais ipabatid ng sumulat.
✓ Bating Pangwakas- nagsasaad ng relasyon ng taong sumulat sa sinulatan o
minsan naman ang panghuling bati ng sumulat.
✓ Lagda- nagsasaad ng pangalan ng sumulat at pirma sa ibabaw nito.

3
Halimbawa:

Lotlot’s Corner Lorins Supermarket

(Pamuhatan)
San Pablo, Laguna
Enero 10, 2021

G. Juan M. Sancho
St. Peter’s Special Products (Patunguhan)
Kalibo, Aklan

Magandang Araw! (Bating Panimula)

Ako ay bumili sa inyong tindahan ng gatas noong Enero 8, (Katawan ng

2021. Pagkauwi sa bahay ay napansin ko na ito pala ay expired na.
Liham)
Nais ko itong ibalik dahil maaari kaming magkasakit kung ito ay
aming gagamitin. Inaasahan ko ang agad ninyong kasagutan sa
aking hinaing. Maraming salamat po.

Gumagalang, (Bating Pangwakas)

Cherry G. Santos (Lagda)

Mga Liham Pangangalakal

Ang liham pangangalakal ay isang instrumento sa pagpaparating ng mahahalagang

impormasyon sa kinauukulan. Narito ang mga halimbawa ng liham pangangalakal.

✓ Liham na Pagpapakilala –isinusulat upang irekomenda ang isang tao sa trabaho

o isang bagay o produktong iniendorso.
✓ Liham na Pag-aaplay sa Trabaho- isinusulat ito ng taong naghahanap ng
trabaho.
✓ Liham ng Pamimili- isinusulat sa pagbili ng panindang ipinapadala sa koreo o e-
mail.
✓ Liham na Nagrereklamo- isinusulat upang maglahad ng reklamo o hinaing.
✓ Liham na Nagtatanong- isinusulat upang humingi ng impormasyon tungkol sa
paninda o serbisyo.

Panuto
Ang panuto ay tagubilin, gabay, direksyon sa paggawa ng mga gawain. Ito ay nagbibigay
ng mga hakbang ng hindi bababa sa isa o dalawa.
Halimbawa:
Salungguhitan ang pandiwa sa pangungusap.
✓ Siya ay bumili ng sapatos sa mall.

Bilugan ang salitang sapatos sa pangungusap.

✓ Ang kanyang sapatos ay makinis.

4
Tayain Natin

Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin ang uri ng liham ng pangangalakal na susulatin sa mga

sumusunod na pagkakataon. Bilugan ang tamang sagot.

1. Ngayong bakasyon ay napag-isipan ng ate ni Romnick na magtrabaho bilang

crew member sa isang kilalang kainan. Anong liham ang susulatin niya?
a. Liham ng Pag-aaplay sa Trabaho c. Liham na Nagrereklamo
b. Liham na Nagtatanong d. Liham na Pagpapakilala

2. Sa dinadaanan nina Maya at Mara ay napansin nila ang isang bukas na manhole.
Alam nila ang panganib nito sa mga naglalakad lalo na kung gabi. Naisipan nilang
sulatan ang meyor ng bayan. Anong liham ang susulatin nila?
a. Liham na Pagpapakilala c. Liham ng Pamimili
b. Liham na Nagrereklamo d. Liham ng Pag-aaplay sa Trabaho

3. Naisip ng meyor ng bayan na bumili ng isang makinang makatutulong sa mga

magsasaka upang mapadali ang gawain sa bukid. Nakita niya sa isang katalogo
ang modelo na gusto niyang bilhin. Anong uri ng liham ang susulatin niya?
a. Liham ng Pag-aaplay sa Trabaho c. Liham na Pagpapakilala
b. Liham na Pamimili d. Liham na Nagrereklamo

4. Nais bumili ni Margaret ng bagong damit upang gamitin sa kanyang nalalapit na

kaarawan ngunit hindi niya alam ang presyo nito dahil nakita lamang niya ito sa
online. Ano kayang liham ang maaari niyang isulat?
a. Liham ng Pag-aaplay sa Trabaho c. Liham na Nagtatanong
b. Liham na Pagpapakilala d. Liham na Nagrereklamo

5. Gustong-gusto ni Ivy na magtrabaho sa isang computer shop upang matuto rin

siyang gumamit ng computer dahil dito nais siyang irekomenda ng kanyang
kaibigan na si Mikay upang makapasok din sa kompanya na kanyang
pinapasukan. Anong liham kaya ang isusulat ni Mikay?
a. Liham na Pagpapakilala c. Liham ng Pamimili
b. Liham na Nagrereklamo d. Liham ng Pag-aaplay sa Trabaho
Pagsasanay 2
Panuto: Sumulat ng panuto/direksyon batay sa mga ibinigay na ilustrasyon sa
bawat bilang.

NANAY
1.

2.

5
3.
Naglinis
ng bahay

4.
MAHAL

5. Ako ay magalang.

Pagsasanay 3
Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba upang maisulat ang mga datos sa
ibabang bahagi.

Ang panuruang taon na ito ay tinatawag na new normal education kaya

ang Kagawaran ng Edukasyon ay puspusan sa pagbibigay ng kalidad na
edukasyon sa bawat mag-aaral. Ngunit sa kagustuhan man ng bawat isa na
makasunod sa blended learning na pinaghalong online learning at modular
approach mayroon pa ring mga hadlang na makakaapekto sa pag-aaral ng mga
mag-aaral. Ito ay ang mga sumusunod: kawalan ng gadgets/kagamitan,
kakulangan sa badyet para sa load/data, hindi maayos na koneksyon sa
internet, may suliraning pangkalusugan, nahihirapang mag- aral mag-isa,
kawalan ng lugar para sa pag-aaral at ilang mga bagay na magiging sagabal
sa pag-aaral tulad ng social media. Ang new normal din na ito ay nakatutulong sa
atin upang mas maging malapit tayo sa Diyos lalong lalo na sa ating pamilya
dahil sa pamamalagi natin sa ating mga bahay. Kaya dapat magtulungan tayo
at makiisa sa lahat ng tagubilin ng ating pamahalaan.

Isulat ang datos ng mga hadlang na makakaapekto sa pag-aaral ng mga

mag-aaral,mula sa binasang teksto. Isa-isahin ito.

1. ________________________________________________________

________________________________________________________

2. ________________________________________________________

________________________________________________________

3. ________________________________________________________

________________________________________________________

4. ________________________________________________________

________________________________________________________

5. ________________________________________________________

________________________________________________________

6
Likhain Natin

Ang Pag-aaplay sa Trabaho

Mithiin Makasusulat ng liham na pag-aaplay sa trabaho

(Goal)

Katayuan Ikaw ay isang mag-aaral na nakatapos sa isang mataas na Paaralan.

(Role)

Tagapamasid Guro sa Filipino bilang tagapangasiwa

(Audience)

Sitwasyon Nais mong mag-aplay bilang isang kiddie crew sa darating na

(Situation) bakasyon.

Produkto Naipamamalas ang kahusayan at kaayusan sa pagsulat ng liham.

(Product)

Pamantayan Ang inyong pagganap ay masusukat sa pamamagitan ng sumusunod

sa na pamantayan:
Pagmamarka
(Standards) ✓ Nilalaman
✓ Kahusayan sa pagbabalangkas ng liham
✓ Bahagi ng Liham
✓ Kalinisan
✓ Mekaniks sa Pagsulat

Panuto:

Magsulat ng Liham ng pag- aaplay sa trabaho ayon sa hinihinging sitwasyon. Mag-

aaplay ka bilang kiddie crew sa isang fast food chain sa darating na bakasyon. Isulat mo
ang katangian mo upang maging kuwalipikado ka at matanggap ka sa trabahong iyong
nais pag-aplayan. Gamitin ang pormat na ibinigay sa susunod na pahina.

Rubriks:
BATAYAN SA PAGMAMARKA
NILALAMAN KAHUSAYAN SA BAHAGI NG KALINISAN MEKANIKS SA
(5 PUNTOS) PAGBABALANG LIHAM (5 PUNTOS) PAGSULAT
KAS NG LIHAM (5 PUNTOS) (5 PUNTOS)
(5 PUNTOS)
Naibigay lahat ng Maayos, tiyak, at Kumpleto at Natatangi ang Wasto at walang
mahahalagang malinaw ang tuwirang makikita kalinisan at mali sa mekaniks:
detalye na pagkakabalangkas ang iba’t ibang kaayusan ng a. malalaki at
kailangan sa ng liham bahagi ng liham isinulat na liham maliliit na letra
pagsulat ng liham pangangalakal pangangalakal pangangalakal. b. bantas baybay
pangangalakal. ng salita

7
___________________________________

__________________________________,

_____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________,

_____________________________

You might also like