You are on page 1of 2

GEC KAF

LESSON 3

PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO

Ang Pilipinas ay may mahigit na 100 wika at 400 wikaing matatagpuan dito,
ayon kay Dr.Ernesto Constantino. Ito ay bunga ng pagkakaroon nito ng humigit-
kumulang na 7,083 pulo. Dahil sa kalagayang ito ng bansa, nagkaroon ng sagabal sa
pagkakaroon nito ng iisang wika.

Bukod sa kalagayang kapuluan ng Pilipinas, mayroon ding suliraning


sosyolohikal at sikolohikal na bumabalot sa di pagtanggap ng mga mamamayan
ng isang lugal / rehiyon ng isang katutubong wika bilang wikang pambansa at
wikang panturo dahil sa pagtatangi nila sa kanilang sariling katutubong wika.

Ang pangarap ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang pangulo ng Malasariling


Pamahalaan noong 1935, ang naging daan upang maitatag ang pambansang wika
ng Pilipinas. Isang probisyon ng Saligang Batas ng 1935 ang nagsasaad ng ganito:

Artikulo XIV, Sek. 3

Ang Pambansang kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbang


tungo sa paglinang at paggamit ng isang panlahat na wikang pambansa
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi ipinag-uu-
tos ng batas, ang Ingles at Kastila ay mananatiling opisyal na wika.

Batay sa artikulong ito ng Saligang Batas ng Komonwelt, ang Kongreso ay


bumuo ng mga batas para sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Natatag ang
lupong tinawag na Surian ng Wikang Pambansa sa bisa ng Batas Komonwelt Blg.
184. Ito ay inatasang magsagawa ng pananaliksik kung aling wikang katutubo ang
pagbabatayan ng wikang pambansa.

Matapos ang ginawang pag-aaral ng lupon, iminungkahi nila kay


Pangulong Quezon sa bias ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na Tagalog ang
magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Dineklara ito noong Disyembre
30, 1937.

Makalipas ang dalawampu’t dalawang taon, pinalabas ng Kalihim Jose E.


Romero ng Kaga- waran ng Edukasyon noong Agosto 13, 1959 ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang wikang pambansa,
ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin.

Ang pagkakapili ng Pilipino ay udyok ng hangaring mapadali ang pagtanggap


ng mga rehiyonalistang di-Tagalog, bagamat hindi gaanong naibigan ng mga
makadalisay sa pananagalog. Sa lumalabas na pangangailangan ng diplomasyang
pangwika sa ating bansa, ang Pilipino ay tumutukoy sa wikang pambansa na batay
sa Tagalog na may bukas na pinto sa pagpasok ng lahat ng mga salita at
pariralang maaaring manggaling sa mga kapatid na katutubong wika sa Pilipinas
at sa mga ibang wikang banyagang may impluwensiya sa kaugalian at
kabuhayang-bansa ng mga Pilipino.

Pagkalipas naman ng dalawampu’t walong taon, ang wikang pambansa ng


Pilipinas ay tinawag namang Filipino. Isinasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng
Saligang Batas ng 1987 na:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilili-


nang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika
sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na


maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Fi-
lipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pag-tuturo sa sistemang pang-edukasyon.

You might also like