You are on page 1of 1

Nakabibinging Paningin, Nakabubulag na Pandinig

Tumatakbong Presidente 1: Ang mundo ay isang malaking kompetisyon. ‘Di-tiyak kung kailan aatake ang isang kalaban at uusbong
ang isang problema. Pansin na pansin ng bawat isa na tayo ay sumusunod na lamang sa daloy ng mga nangyayari. Kahit pa ito ay
kaduda-duda ito ay mananaig sapagkat ang tumaliwas ay maiiwan habang ang iba ay umaangat na. Hindi naman na ligid sa
kaaalaman nating lahat na tayo ay minsang nanaig sa labanan. Sa pagdaong ng panahon tayo ay kumawala na sa hawla ng mga
kalaban ngunit bakit tila tayong mga Pilipino ang siyang kumakalaban sa isa’t isa. Walang pagbabago kung ang bawat isa ay hindi
nagkakaintindihan. Tanaw niyo rin na ang tao ay gumiginhawa kapag nakaalpas mula sa ating bansa patungo sa ibang bansa. Isa
lamang ito sa mga indikasyon na ang Problema ay nasa bansa at hindi lamang sa mga naninirahan dito. Ang bansa ay nagiging
tagilo na. Kayo ay minsan nang nagtiwala sa isang tao. Ang pag-aakalang ginhawa ay siya palang dagliang pagbulusok. Kailanman
ay hindi nahihirapan ang mga taong ito, ang mga naniwala ang siyang nagdurusa habang sila ay walang humpay na gumagawa ng
ikalalaglag ng ekonomiya. Isa ako ngayon sa katulad nilang nagnanais na manguna sa bansang ito at ang pagbabago ay makakamit
ng bawat tao. Walang mayaman at mahirap sa bansang nagsisikap at may pangarap na umunlad upang ang kinabuksan ay
bumukadkad.
Tumatakbong Presidente 2: Huwag na huwag kayong mahuhulog sa matatamis na salita kung mapait ang kanilang kasaysayan
sapagkat nagmumukha na lamang tayong mangmang sa sarili nating bayan. Huwag na huwag din kayong babase sa katagang “
KUNG KINAYA NIYA KAYA KO RIN” mas kumapit kayo sa katagang “GAGAWA AKO NG SARILI KONG PARAAN
UPANG TAYO AY BUHATIN’’. Ang aking plataporma ay bukas sa madla. Ang mga kalaban ko ay walang masabing hindi
maganda sapagkat malinis ang aking pagtakbo at walang bahid ng kahit anong makalawang na pagkukunwari. Ang pagbabago ay
nasa ating kamay na, ang pagmartsa ng bawat isa ay planado na. Hindi ko itinatanggi na tayo ay isang kahig isang tuka gayundin
ang paglunok sa katotohanan upang ang kasinungalingan ang manaig at dahil sa pinangakong pagbabago. Tayo ay Pilipino at hindi
isang preso kung kaya’t huwag nating ikulong ang ating sarili sa kalayaan nating guminhawa. Nakabibinging paningin, nakabubulag
na ingay ang siyang bumabalot sa sambayanan. Nangangahulugang hindi maintindihan ngunit patuloy pa ring isinasagawa. Gaya ng
nakikita ang mga kamalian subalit parang walang naririnig. Pagtingin na lamang at kunwari aaksyon ngunit binging hindi dinidinig
ang mga paraang makatutulong sa pagpapaganda ng nakikita. Nakabubulag na pandinig ay laganap din. Iyak ng masa, kalam ng
sikmura ay pilit hindi binibigyang pansin na tinatakpan pa ang dalawang mata. Ang katagang aking binanggit ay nangangahulugan
ding kahit anong pilit ng isang taong hindi pansinin ang mga sitwasyon, ang daing ng mga ito ay hindi titigil. Kung ang mga bagay
na ito ay inyong napapansin handa akong linisin ang aking tenga nang husto upang ang bawat usapin ay maririnig. Bubuksan ko ang
pinto ng aking mga mata at tatanawin mula sa taas ang bawat isa hindi bilang isang amo kung hindi isang pundasyon ng bawat
mamamayang Pilipino.

Pagsasalahat: Tayo ang susi sa inaasam nating kasaganahan. Susi sa pagbukas ng lagusan sa bagong Pilipinas. Ako ay inyong
mahalin at paniwalaan dahil ang kasalukuyan ay hindi kayang bumalik pa sa nagdaan at ang hinaharap ay naghihintay na marating
natin nang puno ng kapayapaan at malayo sa dating bansa na lubog sa katiwalian at kahirapan.

You might also like