You are on page 1of 2

INDEPENDENCE

lihim ng bigas at kanin

Ang literal na kahulugan ng salitang IN-DEPENDENCE ay sinple lamang- HINDI


DEPENDENT. Kumbaga sa isang tao, hindi siya umaasa sa kahit sino upang mamuhay! Ang
"independent foreign policy" na isinusulong ng ating presidente ay nakasaad sa Saligang
Batas.

Sa pamumuno ni Duterte pina- pasabuhay niya ang matagal nang hindi magawa ng kahit
sinong nauna sa kanya sa Malacañang. Umaaklas ang pangulo sa polisiya na nakaangkla
sa pagiging "dependent" sa Amerika- lalo na sa larangan ng sandatahang lakas at
ekonomiya. Tama at nararapat lamang na isulong na ng pangulo ng bansa ang ating
Saligang Batas sa wakas!

Isa lang ito sa mga hakbang upang makamit at mapagtibay natin ang kalayaan- ngunit
mawawalang saysay ang kahalagahan ng hakbanging pagsasarili kung papalitan lang natin
mula sa pagiging dependent sa Amerika sa pagiging dependent sa China. Walang silbi!

Wala itong pinagkaiba sa isang binatilyong maglalayas sa pamamahay ng kanyang mga


magulang upang magsarili- at sa halip ay mamuhay bilang runner ng pusher ng droga sa
kabilang kanto at tatambay sa computer shop para maglaro ng Valorant aeaw- gabi. Hindi ito
kasarinlan kundi kahangalan.

Upang matutong tumindig sa sariling mga paa, kinakailangan ang tulong ng mga
mabubuting kaibigan- ngunit ito ay dapat may hangganan. Sa isang dalagita- hindi tulong
ang tawag sa ginagawa ng isang lalaki na didiskarte upang papasukin sa trabaho ang isang
nagsasariling dilag sa umaga sa pagnanais na mapasok ang kanyang hiyas sa gabi.
Pananamantala ang tawag diyan sa ginagawa ng mga sweet na papa!

Sa kabutihang palad, malaki ang tiwala ng karamihan na alam ni Duterte ang diskarteng
kanyang ginagawa. Sa ating pagsasarili- halatang alam niya ang mga peligro sa
pakikisampid sa mga masasamang kabarkada habang kinukuha niya ang respeto ng mga
tambay sa kanto upang hindi mabugbog kung umuwi sa madaling araw. Halatang alam din
niya ang hangganan ng pakikipagkaibigan upang hindi mapagsamantalahan.

Diskarte ni Tatay Digong ninyo na bumukod na mula sa pamamahay sa loob ng compound


ni Uncle Sam. At kagaya ng mga mabubuting kaanak na nagsasarili nang maayos- hindi
nararapat para sa mga anak na bastusin ang mga kamag- anak na dating nagkupkop sa
inyo. Makikipagkita pa rin kayo sa kanila tuwing may okasyon- magmamano sa mga lolo at
lola, tito at tita ang maging friends sa mga pinsan kahit man lang sa social media.

Nakasisira sa diskarte ni itay na magdudunong- dunungan ang ibang mga anak- lalo na
kung bahagi ng diskarte na iyan ay utusan ang mga kuya na makihiram muna ng ilang
kaban ng bigas kay Uncle habang nahihirapan pa tayong tumindig sa sarili natin nang
lubusan…

Huwag nating isipin na awayin si Kuya Teddy o si Kuya Delfin. Hindi nagsasarili yan. Alam ni
Tatay ang ginagawa ng mga iyan. Yang bago niyang kaibigan ay pina- pakitunguhan lamang
niya nang maayos kasi iyan ang siga sa pinaglipatan natin. Kaya tayong mga batang
magkakapatid dito ha… sumunod sa diskarte ng mga kuya- pinapakain lang ni Tatay ang
mga amuyong ng siga na kapitbahay: huwag ibigay ang kaldero ng bagong saing na kanin
sa kanila.

You might also like