You are on page 1of 1

Yoro, Fenzyn Mae S.

_Modyul 5 takdang Gawain_2CED-1a

Ama ng Bansang Pilipinas, Tatay Digong Du30

Simula ng umupong Pangulo ng bansa ay puro suliranin na ang kaagad ang


kaniyang inatupag, maraming tao man ang humuhusga ay patuloy parin siya sa
pagtupad ng tungkuling sinumpaan. Tinutuligsa man ng nasa ibang party list dahil sa
nangyaring pagpatay sa mga taong adik sa druga ang tinatawag nilang extrajudicial
killing at ang riding-in-tandem ay hindi nya ito pinansin. Sa kabila ng pambabatikos sa
kanya ng ibang taong nasa gobyerno hindi niya hinahayaan ang kanyang sinasakupan,
yung mga tinatawag na abrodista o caregiver na nagkakasala upang iligtas ang sarili
dahil sa pagmamalupit ng kanilang mga amo ay kanyang napapauwi sa pamilya dito sa
Pilipinas at nabibigyan ng pagkakataong makaranas ng kaginhawaan, napipigilan niya
ang paglaganap ng mga terorista at terorismo sa ating bansa, sinisita niya ang mga
pasaway na mamamayan, kaagad na binibigyang sulosyon pag nagkakaroon ng birdflu,
fishkill at sa kasalukuyan ay ang covid-19. Kaagad niyang ipinautos ang pagkakaroon
ng mahigpit na safety protocol upang maiwasan ang pagkaka-infect ng maraming
Pilipino. Hindi niya hinahayaan na ang ating bansa ay manatiling mababa,
nagsusumikap siya na ma-level-up ang ekonomiya ng bansa.

Ang Pangulo ng ating bansa ay trending sa buong mundo, siya ay hinahangaan ng


maraming tao dahil sa didikasyon at sa kakaibang pamamalakad ng mga batas sa ating
bansa. Jologs man ang kanyang dating at galing sa ukay-ukay ang kanyang damit, kahit
hindi siya fashionista gaya ng ibang pangulo, kahit tapsilog lamang ang kanyang kainin,
wagas at unli man siya manlait at bastos man ang kaniyang bunganga, maraming
malalaswang salita man siyang banggitin at mala-telenobela man ang kanyang buhay
bilib ako sa kaniya at hindi natin maaalis na siya ang pinakamagaling na pangulong
namuno sa bansang Pilipinas aminin man natin o hindi at higit sa lahat siya ang
pinakamagaling na Pangulo mali nga lang na bansang pinamunuan.

You might also like