You are on page 1of 2

1.

Sumulat ng isang napapanahong paksa gamit ang sining sa pagpapahayag, pakikinggan


ko ang husay ninyo sa pagsasalita i-attach sa Edmodo, ang issue ay maaaring sariling pili.

Mga Bagong Bayani ng Panahon

Hindi lingid sa taing kaalaman na noon pa man ay mayroon na tayong mga kinikilalang
bayani ng bansa. Halimbawa na riyan ay an gating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Nakilala dahil sa kanyang angking kagalingan, hindi sa pakikipaglaban gamit ang mga
delikadong sandata kundi sa kaniyang sariling sandatang papel at panulat. Siya ay tinaguriang
pinakatanyag na tgapagtaguyod ng pagbabago sa bansang Pilipinas noong kasagsagan ng
panankop ng mga kastila.
Kagaya ni Dr. Jose Rizal, buong tapang na hinaharap ng ating mga dakilang “frontliner”
ang pagsubok na kinakaharap natin ngayon. Mga doktor at nurse na siyang gumagabay at
nagbibigay ng sapat na gamut na inumin upang gumaling ang mga kababayan nating positibo sa
COVID-19 virus. Mga sundalo’t molitar na nagpapanatili at nagbabantay sa lansangan kung may
lalabag man sa kautusang “bawal lumabas”. Ang ating Pangulong Duterte na walang humpay na
tumutulong at gumagawa ng paraan para maayos ang kalagayn ngayon ng ating bansa. Mga
nanay, tatay, ate, kuya, tito at tita natin na sa kabila ng pandemya ay patuloy pa ring
naghahanapbuhay. Sa ating mga guro at ganoon na rin sa ating mga mag aaral, na kahit hirap sa
sitwasyon ng pag aaral ay patuloy pa ring sumasabay sa agos ng alon. Sa panahon natin ngayon
marami ang maituturing na mga bagong bayani. Mga bagong bayaning hindi kailangang
magtaglay ng mga sandatang nakamamatay. Ang iba ay mga nagtatago lamang sa ilalim ng
batsang nakapatong sa kaniyang ulo, batsang naglalaman ng mga iba’t ibang gulay na pambenta.
Bayaning nakasaky sa kanyang sapin sap aa, naglalako ng mga iba’t ibang paninsa sa gitna ng
tirik na araw at mapiligrong panahon.
Batid natin na kahit na anong hirap at piligro man iyan, basta makatutulong sa pamilya,
sige lang ng sige. Parang ang Panginoon lang iyan, basta para sa ating mga anak niya,
pagagalingin niya ang mundo at ibbalik sa normal ang lahat sa nalalpit na tamang panahon.
Mayroong dahilan ang lahat ng ito, kung kaya’t huwag manatiling nangangamba bagkus kuilos
tayo at maging isang bagong bayani ng panahon. Maraming salamat sa pakikinig.

2. Sumulat ng isang napapanahong paksa gamit ang sining sa pagpapahayag, pakikinggan


ko ang husay ninyo sa pagsasalita i-attach sa Edmodo, ang issue ay maaaring sariling pili.

Mga Bagong Bayani ng Panahon


Hindi lingid sa ating kaalaman na noon pa man ay mayroon na tayong mga kinikilalang
bayani ng bansa. Halimbawa na riyan ay ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Nakilala dahil sa kanyang angking kagalingan, hindi sa pakikipaglaban gamit ang mga
delikadong sandata kundi sa kaniyang sariling sandatang papel at panulat. Siya ay tinaguriang
pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa bansang Pilipinas noong kasagsagan ng
pananakop ng mga kastila.
Kagaya ni Dr. Jose Rizal, buong tapang na hinaharap ng ating mga dakilang “frontliner”
ang pagsubok na kinakaharap natin ngayon. Mga doktor at nurse na siyang gumagabay at
nagbibigay ng sapat na gamot na inumin upang gumaling ang mga kababayan nating positibo sa
COVID-19 virus. Mga sundalo’t militar na nagpapanatili at nagbabantay sa lansangan kung may
lalabag man sa kautusang “bawal lumabas”. Ang ating Pangulong Duterte na walang humpay na
tumutulong at gumagawa ng paraan para maayos ang kalagayn ngayon ng ating bansa. Mga
nanay, tatay, ate, kuya, tito at tita natin na sa kabila ng pandemya ay patuloy pa ring
naghahanapbuhay. Sa ating mga guro at ganoon na rin sa ating mga mag aaral, na kahit hirap sa
sitwasyon ng pag aaral ay patuloy pa ring sumasabay sa agos ng alon. Sa panahon natin ngayon,
marami ang maituturing na mga bagong bayani. Mga bagong bayaning hindi kailangang
magtaglay ng mga sandatang nakamamatay. Ang iba ay mga nagtatago lamang sa ilalim ng
batsang nakapatong sa kaniyang ulo, batsang naglalaman ng mga iba’t ibang gulay na pambenta.
Bayaning nakasakay sa kanyang sapin sa paa, naglalako ng mga iba’t ibang paninda sa gitna ng
tirik na araw at mapiligrong panahon.
Batid natin na kahit na anong hirap at piligro man iyan, basta makatutulong sa pamilya,
sige lang ng sige. Parang ang Panginoon lang iyan, basta para sa ating mga anak niya,
pagagalingin niya ang mundo at ibabalik sa normal ang lahat sa nalalapit na tamang panahon.
Mayroong dahilan ang lahat ng ito, kung kaya’t huwag manatiling nangangamba bagkus kumilos
tayo at maging isang bagong bayani ng panahon. Maraming salamat po sa pakikinig.

You might also like