You are on page 1of 3

Pahaging sa Bagong Hari

Ni Rogelio G. Mangahas

Aba, bagong hari’y

tila isang multo sa gabi at araw,

dulot ay kilabot

ng anino’t tinig, ng banta’t tungayaw;

Ang idolo pala’y

ang naging diktador nitong sawing bayan —

malaon nang abo’y

minumulto pa rin pati kasaysayan.

Hari, bakit nga ba

lugod mong nalibing sa may puring pook —

labí ng idolong

isang mandarambong, sa baya’y balakyot?

Kahit na batid mong

kayraming biktima ng rehimeng buktot,

puso mo’y minanhid

ng hubris, misteryong talos lang ng bundok.

Hari, bakit ngayo’y

tila lugod mo nang tumumba sa dilim —

bata ma’t matandang

hinalang tumahak sa landas ng baliw?

Tunay bang nanlabán

kahit ang mag-amang may posas sa karsel?


Katarunga’y nahan

sa bayang wika mo’y bayang ginigiliw?

Hari! Kaytapang mong

bumulyaw, kumalas sa banyagang poon,

ngunit ngayo’y bakit

nangangayupapà sa oso at dragón?

Tulad mo nga’y multo,

sa araw at gabi’y may atungal, tahol —

ngunit ang milenyal,

hindi pasisindak sa multo’t diktador!

–Isinulat noong Nobyembre 20, 2016, Araw ni Bonifacio

Teoryang Pampanitikan

Teoryang Imahismo at Sikolohikal ang ginamit sa huling tula ni Rogelio Mangahas. Teoryang imahismo
sapagkat gumamit siya ng napakaraming imahe upang ilarawan ang Presidente ng Pilipinas na si R.
Duterte, una ay ang hari na sumasalamin sa pagiging presidente, pagiging multo sa gabi at araw kung
saan ay marami siyang binabantaan na papataying susuway, at idolo na naging diktador sapagkat ang
naaalala ng lahat ay si Duterte umano ang maaaring pinakamagaling na presidente ngunit lahat ng iyon
ay may kapalit. Teoryang Sikolohikal naman ay ang isa sa ginamit ni Rogelio sapagkat ang dami niyang
ginamit na tayutay upang bigyan ng katalinghagaan ang pagtutol niya sa extra judicial killing na umiral
sa panahon ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Bisa sa isipan sapagkat ang tulang ito ay naglalahad ng pagiging mulat ng kaisipan sa mga nangyayaring
pamumuno ni Duterte na punong-puno ng karahasan. Pinapakita sa tula na si Rogelio ay hindi
nagpapatinag sa takot, isa rin ay ang tula ay nangangailangan ng mas masidhing pokus at atensiyon
upang maintindihan ito sapagkat napakalalim na tayutay ang kaniyang ginamit dito.
Bisa sa damdamin sapagkat pinaparamdam ng tula sa mambabasa ang siklab ng pagkakagalit at lungkot
na nadarama sa pinagagawa ng di umano'y hari at walang iba ang aming presidente.

Bisa sa kaasalan naman at makikita ito sa mga linyang ito "tahol-ngunit ang milenyal, hindi pasisindak sa
multo't diktador!", na ang tinutukoy ay ang kabataan at lalo na ang mga aktibista na lumalaban at
hinaharap parin ang buong gobyerno ng walang takot.

You might also like