You are on page 1of 5

Lando-Gloc 9-Lyrics Composer -Chito Miranda

[Chorus:]
(FRANCIS M.)
Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim
(GLOC 9)
Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y Elsa at Lando
At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami
Sinunog ng araw ang kulay ng balat at
Marami ng galon ng pawis ang kanyan naidilig sa lupa
Upang ang gutom ay di masuklian pa ng luha
Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
Ngunit kabilang sa pamilya na di alintana makikipag-kapwa
Tao sa mga tulad niyang dukha
Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinunla ng pag-ibig
[Repeat Chorus]
(GLOC 9)
Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw
Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao
Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan
Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa
Sa tagiliran isang makalawang na lanseta
Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
Kami'y mahirap lamang bakit di na siya naawa
Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal
Bakit po bakit po ang laging lumalabas
Sa 'king bibig palaboy-laboy ni walang landas
Akong sinusunod baliw sa mata ng marami
Siguro nga di ko na kilala aking sarili
Pangala'y taong grasa may patalim na gamit
At ang tanging alam ay isang malungkot na awit
At ang sabi...
[Repeat Chorus]
Wag ka nang matakot sa dilim...

Gloc 9 Upuan Composer-Gloc 9


Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko
Ganito kasi yan eh...
Verse 1:
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
Chorus:
Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko
Verse 2:
Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking ina na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo

Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo


Kaya...
Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (ooh)
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)
(Chant)
Hari Ng Tondo Gloc 9 Composer Gloc 9
Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng tondo, hari ng tondo
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo, hari ng tondo-ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
[Voice: "May gatas ka pa sa labi, gusto mo nang mag-hari dito sa Tondo?"]
Minsan sa isang lugar sa Maynila
Maraming nangyayari
Ngunit takot ang dilang
Sabihin ang lahat
Animo'y kagat-kagat
Kahit itago'y 'di mo pwedeng pigilin ang alamat na umusbong
Kahit na madami ang ulupong
At halos hindi iba ang laya sa pagkakulong
Sa kamay ng iilan
Umaabusong kikilan
Ang lahat ng pumalag
Walang tanong
Ay kitilan ng buhay
Hukay, luha'y magpapatunay
Na kahit hindi makulay
Kailangang magbigay-pugay
Sa kung sino mang lamang
Mga bitukang halang
At kung wala kang alam
Ay yumuko ka nalang

Hanggang sa may nagpasya


Na sumalungat sa agos
Wasakin ang mga kadena na siyang gumagapos
Sa kwento na mas astig pa sa bagong-tahi na lonta
Sabay-sabay nating awitin ang tabing na tolda
Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng tondo, hari ng tondo
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo, hari ng tondo-ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
[Voices: "Sino ang may sabi sa inyo na pumasok kayo sa teritoryo ko? Amin ang lupang ito." "Hindi, kay
Asiong!"]
Nilusong ang kanal na sa pangalan niya'y tumawag
Alang-alang sa iba, tsaka na muna ang paawat
Sa maling nagagawa na tila nagiging tama
Ang tunay na may kailangan ang siyang pinatatamasa
Lahat sila'y takot, nakakapaso ang 'yong galit
Mga bakal na may nagbabagang tinggang papalit-palit sa hangin na masangsang
Nakakapanghina ang nana at hindi mo matanggal na para bang sima ng panang
Nakakulawit subalit sa kabila ng lahat
Ay ang halimuyak lamang ng nag-iisang bulaklak
Ang siyang tanging naghahatid sa kanya sa katinuan
At hindi ipagpapalit sa kahit na sinuman
Ngunit nang dumating ang araw na gusto na niyang talikuran
Ay huli na ang lahat
At sa kamay ng kaibigan
Ipinasok ang tingga
Tumulo ang dugo sa lonta
Ngayon, alam niyo na ang kwento ni Asiong Salonga
Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng tondo, hari ng tondo
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo, hari ng tondo-ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo

Gloc 9

Si Gloc-9 ay umusbong hindi bilang rapper kungdi bilang tao mula sa Binangonan
Rizal, tagahanga ni FrancisM, naging empleyado ng fastfood chain at ng malaking
media company bilang music researcher, bago na-diskubre bilang rapper. Gumawa ng
love at dance rap, ngunit paglaoy makikilala sa paggawa ng mga kantang patungkol sa
personal na pakikipamuhay sa araw-araw ng kahirapan, sa harap ng krisis ng
tunggalian sa Pinas na kinalakhan.
Walang patumangga ang pakikilahok ni Gloc-9 sa mga usaping bayan. At sa panahong
yinakap na siya ng telebisyon at radyo, nagiging mas malinaw pa ang halaga ng
pakikilahok na ito. Ito ang hinihingi ng kasaysayan sa bawat manggagawa sa sining, at
ito ang hindi ipinagkakait ng kanyang panulat. Iisa ang pangalang katumbas ng Pinoy
rap sa panahong ito. Ang pangalang ito ay Gloc-9.
Chito Miranda

You might also like