You are on page 1of 3

Magandang araw sa inyong lahat kami ang sa araw na ito

Kabanata 8:Si kabesang tales

Narrator(Macoy)

Bago namin simulan ang aming performance para sa araw na ito ay nais ko munang ipakalilala sa inyo
ang mga tauhan sa kabanata na ito

(Magpapakilala isa isa ang mga tauhan sa kuwento bago mag simula)

Kabesang Tales(Erwin)

"Ako si Kabesang at wala kayong karapatan na angkinin ang aking lupain at wala kayong karapatan
ipagkait ito sakin" Ako ang anak ni Tandang selo at ang amain ni Juli naghahangad ng karapatan sa lupain
na inaangkin ng mga mapang abusong prayle

Tandang selo(Apan)

"Ipagpalagay mo na lamang na ika'y natalo sa sugal o kaya'y kinain ng buwaya" Ako naman si tandang
selo amain ni kabesang tales ingkong ni huli at tagapagpayo ni kabesang tales

Juli(jekjek or denice)

"Mas gugusutuhin ko pang mamatay kaysa mapagsamantalahan ng isang makapangyarihan" Ako si


Juliana De Dios o mas kilalang Juli, ako ang bunsong anak ni kabesang tales. Mga tao'y sinasabi ako ang
pinakamagandang dilag sa Tiana. Tapat at marunong akong maghintay sa aking katipang si Basilio ng
makulong si Basilio ay humingi ako ng tulong kay Padre camorra, ngunit ito ay sinubukan akong pag
samantalahan o gahasain pero tumalon ako sa tore ng simbahan kung dahil dito ay naging sanhi ng aking
kamatayan

Narrator:
Si kabesang tales ang nag iisang anak ni Tandang selo.Ang matandang mangangahoy na kumupkop kay
basilio sa gubat noong bata pa ito. Sa paniwalang walang nag mamayari sa isang lupain ay sinaka ito ni
kabesang tales. Ngunit ng mag aani ang kaniyang panananim. Siya ay siningil ng mga prayle ng 20
hanggang 30 pisong buwis nais tumutol ni kabesang tales ngumit pinigilan siya ng ama

Tandang selo(Apan)

Tiisin mo na! Ipagpalagay mo na lamang na ang 30 pisong iyon ay natalo sa sugal o kaya'y nahulog sa
tubig at kinain ng buwaya

Narrator:

Natupad ang pangarap ni kabesang tales na makapagpatayo ng bahay na yari si Tabla. Pinagkaisahan
siyang gawing kabesang de baranggay ng kaniyang nga kanayon. Lubhang magastos ang tungkuling ito
dahil kinailangan niyang bumili ng magagarang damit at naubos ang kanyang oras sa pagpunta sa
kabisara

Tandang selo

Manalo ka man sa kaso. Anak. Tiyak na maghihirap ka. Ni isang saplot ay walang matitira sayo.

Kabesang tales

Lahat tayo. Ama. Ay babalik sa alabok at ipinanganak na walang saplot

Narrator

Nilakad ni kabesang tales kung kani kanino sa pamahalaan ang karapatan nya sa lupa.
Pinagsamantalahan naman ng mga ito ang kaniyang kamangmangan. Napiling maging sundalo ang
kaniyang anak na si Tano ngunit hinyaan niya ito sa halip na magbayad ng kapalit

Tandang selo
Mag babayad ako sa mga abogado. Kung mananalo ako sa usapin ay maibabalik ko si Tano. Ngunit kung
ako'y matatalo ay hindi ko na kailangan ng anak

Narrators:

Isang araw dinukot ng mga tulisan si Kabesang Tales at ipanapatubos sa halagang 500 piso. Halos
mabaliw sina Tandang Selo at Juli. Hindi nila alam ang gagawin. May 200 piso si Juli ngunit hindi iyon
makakasapat. Siya ay nagdasal nang nagdasal ngunit walang milagrong naganap. Kaya't nagpasya siyang
manilibihan sa isang mayamang kababaryo

Tandang Selo

Kung aalis ka babalik na ko sa gubat

Juli

Kailangan natin maibalik ang aking ama at kapay tayo ay nananalo sa usapin ay matutubos ako sa pagka
alila. Malalaman rin niyang mas pinili ko pang ako ang masanla kaysa masanla ang agnos na ibinigay niya
saakin

Narrator

Ang tinutukoy ni Juli sa kaniyang huling pahayag ay si basilio. Si basilio ang nagbigay ng agnos kay Juli at
dto nagtatapos ang aming performance sa kabanata 8 maraming salamat sa pakikinig at panonood
ngayon ay sumunod naman tayo sa susunod na kabanata

You might also like