You are on page 1of 3

KABANATA 4 KABESANG TALES

Narrator: Si Kabesang Tales ang nag-iisang anak ni tandang selo, ang matandang
mangangahoy na kumupkop kay basilio sa gubat noong bata pa ito. Sa paniwalang walang
nagmamay-ari sa isang lupain ay sinaka ito ni kabesang tales. Ngunit nang mag-ani ang
kanyang pananim siya ay siningil ng mga prayle ng 20 hanggang 30 pisong buwis. Nais tumutol
ni kabesang tales ngunit pinigilan siya ng ama niya.

Tandang selo: Tiisin mo na ipagpalagay mo nalang na ang 30 pisong iyon ay natalo sa sugal o
kaya’y nahulog sa tubig at sinakmal ng buwaya

Narrator: Natupad ang pangarap ni kabesang tales na makapagpatayo ng bahay na yari sa


tabla. Pinagkaisahan siyang gawin cabeza de barangay ng kanyang mga kanayon. Lubhang
magastos ang tungkuling ito dahil kinailangan niyang bumili ng magagarang damit at naubos
ang kanyang oras sa pagpunta sa kabisera.

Tandang selo: Manalo ka man sa kaso, Anak, tiyak na maghihirap ka. Ni isang saplot ay walang
matitira sa iyo.

Kabesang tales: Lahat tayo, ama, ay babalik sa alabok at ipinanganak na walang saplot.

Narrator: Inilakad ni Kabesang tales kung kani-kanino sa pamahalaan ang karapatan niya sa
lupa. Pinagsamantalahan naman ng mga ito ang kanyang kamangmangan. Napili maging
sundalo ang kanyang anak na si tano ngunit hinayaan niya ito sa halip na magbayad ng kapalit.

Kabesang tales: Magbabayad ako sa mga abogado. Kung mananalo ako sa usapin ay
mapababalik ko si tano, ngunit kung ako’y matatalo ay hindi ko na kailangan ng anak.

Narrator: Isang araw, dinukot ng mga tulisan Kabesang tales at ipinatutubos sa halagang 500
piso. Halos mabaliw sila tata selo at juli. Hindi nila alam ang gagawin. May 200 piso si juli ngunit
hindi iyon makasasapat. Siya ay nagdasal nang nagdasal ngunit walang milagrong naganap.
Kaya’t nagpasya siyang manilbihan sa isang mayamang kababaryo.

Tandang selo: Kung aalis ka, babalik nako sa gubat.

Juli: kaylangan makabalik ang aking ama at kapag nanalo tayo sa usapin ay matutubos ako sa
pagkaalila.

Juli: Malalaman din niyang pinili ko pang ako ang masanla kaysa masanla ang agnos na bigay
niya sa akin.
KABANATA 8 MALIGAYANG PASKO

Narrator: Nang magising si juli’y namumugto pa ang kanyang mga mata. Ang unang pumasok
sa isip niya’y baka sakaling naghimala na makapagpadala ang birhen ng 250 pisong pantubos
sa kanyang ama, ngunit walang nangyaring himala.

Narrator: Nang mag-uumaga na, nakita ni juli ang kanyang ingkong na nakaupo sa isang sulok.
Kinuha niya ang kanyang tampipi at nakangiting lumapit sa matanda upang humalik sa kamay
nito.

Juli: Pagdating po ni ama, pakisabi na ako’y napasok na rin sa kolehiyo.

Juli: Ang panginoon ko’y marunong magsalita ng wikang kastila at ito ang pinakamurang
kolehiyo na mapapasukan ko.

Narrator: Habang nasa daan napahinto si juli at nanangis

Narrator: Mag-isang naiwan si tandang selo sa bahay. Pinanood niya ang mga taong nakabihis
ng maganda upang magsimba at mamasko.

Narrator: Nang may mga kamag-anak na dumalaw kay tandang selo, nagulumihanan siya nang
hindi siya makabigkas ni isang salita. Walang maibukang pangungusap sa kanyang mga labi
kundi’y mga impit na ungol lamang.

Narrator: Nagkagulo ang mga panauhing kamag-anak dahil sa nangyari kay tandang selo.

Kamag-anak: Napipi Na!

Hermana penchang: Pinadadalhan tayo ng diyos ng gayong mga parusa dahil tayo ay
makasalanan o may kamag-anak na makasalanan na dapat sana’y tinuruan natin ng kabanalan
subalit hindi natin ginawa.
KABANATA 30 SI JULI

Hermana Penchang: Sinabi ko na sakanya! Ganyan talaga kasasapitan nya kapag pumasok sa
simbahan at nakitang marumi ang bendita ay hindi na ito magkukuus. Mabuti nga sa kanya,
parusa iyan ng diyos! Tila ba nanghahawa ng sakit ang agua bendita. Mabuti na lamang at
napa-alis ako na dito si juli. Ayokong maka-away ko ng mga prayle. Kaya pinilit ko syang
humanap ng perang ipambabayad sa akin. Sapilitang pambayad utang nya sa sa akin.

Narrtor: Sa bahay nina juli

Juli: Ano ho? Kaawa-awang basilio wala akong magawa sa kinahihinatnan nya ngayon. Isama
nang namatay na pala si kapitan tiyago! [iiyak]

Hermana Bali: Walang mangyayari na himala kung iiyak ka lamang juli.

Juli: Ngunit iisang paraan lamang ang alam ko. Kahit kanino tayo humingi ng tulong, kay padre
camorra parin ako itinuturong lumapit.

Hermana Bali: Edi subukan na natin. Hindi ka naman siguro pagnanasaan nun dahil
sasamahan kita.

Juli: Ngunit natatakot po ako. Hindi kaya ng aking budhi ang kapalit na hinihingi ni padre
camorra.

Hermana Bali: Edi hahayaan mo na lamang na mamatay tuluyan si basilio? Nasa huli ang
pagsisisi juli.

Juli: Halika napo.

Narrator: Pagpasok sa kumbento. Magtatakbo palabas si hermana bali na sumisigaw na tila


parang baliw. Si juli ay tumalon sa lupa at namatay.

You might also like