You are on page 1of 2

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1:

President Rodrigo Roa Duterte

HANAY A HANAY B
Matapang Paggalang o pagrespeto sa mga kababaihan

Mahusay na lider Pagrespeto sa buhay ng mga nilalang lalo na sa


mga inosente

Mapursige Bawasan ang pagmumura

Matulungin Bigyan pansin ang mga mahihirap lalo na yung


mga taong nasa maliliit na isla.

May isang salita Mas pagbutihin pa ang pagiging mahusay na lider.

Pananaw:
Para sa akin, ang natatanging lider ay ang ating Pangulo na si Rodrigo Roa Duterte. Oo, marami ang
bumabatikos sa kaniya ngunit hindi maikakaila na marami na siyang nagawa para sa ating bansa hindi
tulad ng nakaraang pangulo. Bilang isa sa mga nakaranas ng pinakamalakas na bagyo, ang Super
Bagyong Yolanda, masasabi kong tunay siyang may malasakit dahil isa siya sa mga tumulong agad dito
sa amin. Tumulong siya kahit walang media na kumukuha ng video o larawan niya. Tumulong siya ngunit
hindi niya ginamit ang kanyang pangalan bagkus ay ginamit niya ang “From the people of Davao” para sa
mga relief goods na ipamimigay.

Sa tingin ko, ang katangiang kailangan niya pang taglayin ay ang pagrespeto sa mga kababaihan at sa
buhay ng iba pang nilalang higit lalo na sa mga inosente.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4:

Sa pamilya: Inilipat ko ang istasyon sa telebisyon sapagkat wala namang nananood sa


istasyong iyan. Hindi ba, ma?

Sa barkada: Palagi na lamang akong nahuhuli sa pag-uwi sapagkat mayroon pa kaming


pinupuntahan ng aking mga barkada.

Sa paaralan: Kinakailangang pahalagahan at sagutan natin ang mga papel na ito


sapagkat ito ay pinagpaguran ng ating mga butihing guro.

Sa social media: Nararapat lamang na hindi tayo maging katulad ng iba na kung ano-ano
lamang ang ibinabahagi sa social media sapagkat ang iba rito ay hindi
totoong balita.

Sa edukasyon: Kung walang tiyaga, walang nilaga. Ito ay kasabihang maiuugnay natin sa
pag-aaral dahil kinakailangang magsakripisyo muna tayo at maging
masipag bago makamit ang inaasam na diploma.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 5:

Ako ay humahanga sa aking mga guro. Sila ang nagsisilbing sandalan ko bilang isang
mag-aaral. Kapag ako ay mayroong mga tanong, sila ay nariyan upang gumabay sa
akin. Kapag ako ay mayroong pinagdadaanan, sila ay umiintindi. Ang aking mga guro
ang aking ikalawang magulang. Sila ang gumagabay sa akin tuwing ako ay
napapariwara ng landas. Kapag ako ay may pag-aalinlangan, sila ay nagbibigay ng
payo upang ako ay magkaroon ng kumpyansa sa aking sarili. Sa tuwing ako ay
nadadapa, sila ay dumadamay sa akin. Sa tuwing ako naman ay nagtatagumpay, sila
ang bumabati sa akin nang may buong kagalakan sa kanilang puso.

You might also like