You are on page 1of 5

Mga Tanaga

Bayani
Siya’y isang huwaran
Bayan ang pinaglaban
Upang ating makamtan
Ang ating kalayaan

Simbahan
Tirahan ng mga banal
Dasal mo’y papakinggan
Siya’y iyong tawagin
Di ka niya bibiguin

Lihim
Patawarin mo ako
Kung di nasabi sayo.
Gustuhin ko man ito,
‘di totoo ang tayo

Kalungkutan
Darating rin ang araw
Kasamaa’y papanaw
Ibabalik ang dati
Mga ngiti sa labi

Pilipinas
Isang malaking isla
Palibot mo ay dagat
Ganda’y walang katapat
Pinupuri ng lahat
Mga Sawikain

“Ang katotohana’y kahit na ibaon,


Lilitaw sa takdang panahon”

“Mas okey na ang Prangkahan,


Kesa sa Forever na Plastikan”

“Ang taong inggit, walang ginawa kundi


manghusga at manlait”

“Minsan kailangan maghintay para


makamit ang tagumpay”

“Kung nagbibigay ma’t mahirap sa loob,


Ang pinakakain ay di mabubusog”
Proyekto
Sa
Filipino
(Panitikan ng Pilipinas)

Ipinasa kay: Sir. Nikko Tumbaga

Ipinasa ni : Leonard Repani Rodrigo


Ang Kaibahan ng mga Kabataan noon
Sa Kabataan Ngayon

Malaking bagay ang nagagawa ng impluwensiyang mayroon sa bawat henerasyon


sa pagkahubog ng mga kaugalian pinahahalagahan ng tao, lalo at higit ng mga bataan.
Anumang salik mayroon sa henerasyon na iyon ay masasalamin sa mga gawi, pananalita
at kahit sa takbo ng pananaw ng mga taong makagigisnan nito. Sa makatuwid , ang bawat
henerasyon ay may pagkakaiba: may kanya knayang kahinaan at kalakasan, may mga
tunay nag into at ang iba ay pilak.
Ang kabataan noon kung ihahambing sa ngayon ay masasabing nabuhay sa mas
simpleng mundo: Malaya mula sa impluwensya ng kasalukuyang teknolohiya . Sila ay
namulat sa mas payak na pinagkalilibangan. Ang paglalaro o paglilibang ay
pinagbubuhusan ng pisikal na pagganap at ang epekto nito ay mas dalisay na kaligayahan
na nagpapalalim ng personal na relasyon sa kapwa . Higit sa lahat ang kanilang pananaw
ukol sa pagsusumika ay naka angkla sa ibayong pagbabanat ng buto, pagtitiis ng hirap,
tagaktak ng pawis at seryosong dedikasyon patungo sa kanilang ninanais na tagumpay.

Samantala, ang mga kabataan ngayon ay may sariling paraan ng pagpapakita ng


pagpapahalaga sa mga bagay na may kabuluhan . Ibayong pagsisikap parin ang puhunan
ng matamis na tagumpay. Ngunit sa kumplikadong mundo na nakabatkayo sa
teknolohiyang ang alok ay mas magaang pamumuhay, ang balik ay madaling pakikipag-
ugnayan ngunit madalas ay paimbabaw lamang. Sa ganitong aspeto matatagpuan ang
hamon sa mga kabataang nasa Henerasyong ito. Paano nga ba mapapalalim ang
pagpapahalaga sa mga makabuluhang bahagi ng pamumuhay at pakikipagkawa-tao?
Paano nga ba manunumbalik ang sigla ng pagpapahalaga sa dignidad ng pagkatao, dangal
ng prinsipyo, pananampalataya at resperto sa kapwa?

Ang bawat henerasyon ay tunay ngang may sari-sariling pagkakaiba. Hindi


masama ang pag-unlad, ngunit sana ay hindi mawala sa atin ang pagpapakatao at ang
pananaw/kinagisnan nating nakaraan.

Sanaysay ni:
Leonard Repani Rodrigo
Ang Unggoy at ang Matinik na Saging

Masayang naglalakbay ang mga magkakapatid nga unggoy, ngunit may


biglang humabol na leon sa kanilang likuran at sila ay nagkahiwa-hiwalay. Habang
hinahanap ng pinakabatang unggoy sa kanyang mga kapatid ay bigla siyang
nakaramdam ng gutom.
“Gutom na ako, nasaan na kaya ang aking mga kapatid” patuloy syang naglakad at
napahinto “ Swerte ko naman, hinog na at tila matatamis ang bunga ng saging” ang
sabi ng unggoy sa sarili.

Inakyat ng unggoy ang saging pero siya ay nahulog dahil natinik siya sa
baging na nakapulupot sa puno ng saging, napagtanto niya na hindi niya ito
pwedeng akyatin, kaya napagdesisyonan niya itong lundagin nalang, sinubukan
nyang lundagin ang isang bungkos ng saging subalit hindi niya maabot ang bunga.
Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi parin siya umabot sa
saging.

Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang unggoy, gutom at pagod


siyang umalis palayo sa puno ng saging “ Hindi na bale , Tiyak na mapait ang bunga
ng saging na iyon” ang banggit niya sa sarili.

Aral:
Hindi lahat n gating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung
minsan ang mga sinasabi ng isang tao ay isa lamang “ Mapait na Saging” dahil
hindi natin alam ang tunay na nangyari o katotohanan

Gawa ni :
Leonard Repani Rodrigo

You might also like