You are on page 1of 2

Doña Rosario National High School

3rd Summative Test in FILIPINO 9

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at itiman ang angkop na bilog sa sagutang papel.

1. Sa pabulang Ang Hatol ng Kuneho, sino ang nahulog sa napakalalim na hukay?


a. Tigre b. Tao c. Baka d. Kuneho
2. Ano ang aral na maaaring matutunan sa pabulang Ang Hatol ng Kuneho?
a. Tumanaw ng utang na loob b. Gumanti sa nagkasala sa iyo c. Kalimutan ang pangako
d. Wala sa nabanggit
3. Sa pabulang Ang Hatol ng Kuneho, sino ang nagbigay ng pinakamahusay na pasya?
a. Tigre b. Tao c. Baka d. Kuneho
4. Sa pabulang Ang Hatol ng Kuneho, ang mga sumusunod ay sang-ayon sa kagustuhan ng tigre
maliban sa...
a. puno b. tigre c. Baka d. Kuneho
5. Ano kaya ang posibleng mangyari sa tigre?
a. Magsisi b. Magalit lalo c. Matuwa d. Wala sa nabanggit
6. Sino ang sumulat ng pabulang Ang Hatol ng Kuneho?
a. Vilma Ambay b. Vilma Ambray c. Vilma Ambat d. Wala sa lahat
7. Isa sa mga sinaunang panitikan ng daigdig.
a. Alamat b. Pabula c. Sanaysay d. A at C
8. Ito ay ginagamit sa pagpapalawak ng isang paksang isusulat at pangangalap ng mga kaugnay na
karagdagang kaalaman.
a. Obserbasyon b. Pakikipanayam c. Pagbasa at pananaliksik d. Wala sa nabanggit
9. Paraan sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay bagay.
a. Obserbasyon b. Pakikipanayam c. Pagbasa at pananaliksik d. Wala sa nabanggit
10. Makakatipon ng impormasyon sa mga taong malaki ang karanasan at awtoridad sa paksang
inihahanap ng mga impormasyon.
a. Obserbasyon b. Pakikipanayam c. Pagbasa at pananaliksik d. Wala sa nabanggit
11. Sinasagot sa pamamagitan ng paglalatag ng mga tanong sa isang tiyak na paksa.
a. Pagtatanong b. Pagsulat ng journal c. Draft d. Wala sa nabanggit
12. Talaan ng mga pansariling gawain, mga naiisip, nadarama atbp.
a. Pagtatanong b. Pagsulat ng journal c. Draft d. Wala sa nabanggit
13. Kadalasang isinusulat sa journal.
a. Pagtatanong b. Pagsulat ng journal c. Draft d. Wala sa nabanggit
14. Maraming kuwento ang aming narinig tungkol sa mabagsik na tigre. Ano ang ibig sabihin ng
sinalungguhitang salita?
a. Mabangis b. Maamo c. Makupad d. Mabagal
15. Anong akdang Pampanitikan ang nagbibigay aral sa mambabasa at gumagamt ng mga hayop ang
nagbibigay buhay?
a. Tula b. Pabula c. Maikling kwento d. Epiko
16. Ang tauhan sa naturang akda ay isang puting tigre. Sinasabi na ang tigre ang pambansang hayop
sa bansang?
a. Taiwan b. Korea c. Tsina d. Japan
17. Nagsanay nang husto ang binata upang mapaghandaan ang paghaharap nila ng kalaban. Ano ang
ibig sabihin ng sinalungguhitang salita?
a. Nag-ensayo b. Nagpahinga c. Nagbakasyon d. Wala sa nabanggit
18. Siya ang tinaguriang “The President that we never have”. Isa siya sa pinakamahusay at matapat na
senador ng ating bansa.
a. Pia Cayetano b. Nikki Coseteng c. Nancy Binay d. Miriam D. Santiago
19. Ang kanyang kalaban ay walang sinasanto kaya’t dapat handa ang makakalaban nito.
a. Wala tinatakasan b. Walang awa kung manakit c. Walang pinipili d. Walang sawa
20. Si Aesop ay isang aliping ____ na naglayong punahin ang mga kamalian ng mga makapangyarihan
sa kanilang bayan sa pamamagitan ng panitikang pabula.
a. Griyego b. Aleman c. Tsino d. Pilipino
21. Wala siyang oras na inaksaya. Ginugol niya ang bawat oras sa paghahasa sa kanyang sarili. Ano
ang ibig sabihin ng salitang sinalungguhitan?
a. Winaldas b. Sinayang c. Nilaktawan d. Pinalampas
22. Sino ang nagpasimula ng Pagsulat ng Pabula?
a. Mohandas Gandhi b. Aesop c. Wilma Ambat d. Wala sa nabanggit
23. Pilit niyang pinag-igihan ang kanyang ginagawa upang matiyak ang kanyang tagumpay. Ano ang
ibig sabihin ng sinalungguhitang salita?
a. Sinipagan b. Pinagbutihan c. Pinagtiyagaan d. Wala sa nabanggit
24. Alin sa mga sumusunod ang sumasalamin sa kulturang Asyano lalo’t higit sa bansang Korea.
a. Pag-aalay sa namayapa b. Pagpapahalaga sa pamilya c. Paghahanda ng piyesta
25. Alin sa sumusunod ang kasalungat sa salitang pinagbutihan?
a. Sinipagan b. Pinag-igihan c. Pinagtiyagaan d. Isinawalang-bahala

You might also like