You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

North Eastern Mindanao State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

EDUKASYONG PANTAY: PARA NGA BA SA LAHAT?

INTRODUKSYON

Sa pag-irog ng mundo, marami na sa mga tumataas na ang bahagdan ng


mga taong nakakapag-aral dahil sa pagdami ng mga paaralan at sa patuloy pang
pagpapatayo sa mga liblib na lugar. Pinaniniwalaan kasing isang mataas at matibay
na edukasyon ang isang sandigan upang mabago ang takbo ng buhay ng isang
lipunan at nang makamit ang isang masaganang ekonomiya. Edukasyong hindi
nalilimitahan ng aklat at ng mga bagay na matutunan sa isang paaralan kundi isang
sapat at praktikal na edukasyon na nakabatay sa pang-araw-araw na pamumuhay
ng isang indibidwal sa isang lipunang kanyang ginagalawan.
Ayon sa global data, kakikitaan ng pag-angat sa bahagdan ng mga
natututong indibidwal ang Pilipinas, saad nito “As more people get a better
education, the Philippines’ literacy rate has improved. Between 2010-2021, the
literacy rate was highest in the year 2021 and lowest in the year 2018. The literacy
rate reached 99.27% in 2021. Between 2010 to 2021, the literacy rate of the
Philippines increased by 1.4%.” Batid nating hindi maikakaila ang pagsulong ng mga
mamamayang mas nabibiyayaan ng edukasyon sa paniniwalang ito ang magiging
susi sa kahirapan.
Sa ulat na ito tungkol sa kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas ay katutuwaan
ng iilan ngunit marami pa ring mga pag-aaral ang magsasabing pataas man ang
bahagdan ng mga natututong tao, ngunit hindi ang pantay na oportunidad sa mga
ito. Kaugnay dito, natalakay ni Stephen Machin sa kanyang pag-aaral na Social
Disadvantage and Education Experiences ang tungkol sa mga karanasan ng mga
kabataan patungkol sa pagkamit nila ng edukasyon na hindi lahat nabibigyan ng
pantay at maayos na edukasyon. Dagdag nito, ayon sa pag-aaral nina Lavy at
Schlosser (2005) na, bagama't nagkaroon ng malaking bilang ng mga interbensyon
sa pag-target sa mga mahihirap na mag-aaral sa mga nakaraang taon, ang
ebidensya ng kanilang pagiging epektibo ay nananatiling kakaunti.
Bagama’t may pag-unlad na nagaganap ay hindi maitatagong marami pa rin
ang napagkakaitan ng edukasyong masaganang natatamasa ng iilan. Marahil dahil
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

sa Kultura, sa heograpikal na lokasyon, sa estado ng pamumuhay at marami pang


ibang aspeto na humihila sa karapatan at pagkakapantay na maaaring matamasa ng
isang mag-aaral. Ganunpaman, sinisikap ng pamahalaan at ng iba pang
departamentong kaugnay sa edukasyon na mapabuti at mas mabigyang pansin ang
mga kakulangang ito.

REAKSYON
“To see is to believe.” Isa ako sa mga naniniwalang may nagaganap nap ag-
angat sa edukasyong natatamasa ang Pilipinas dahil isa ako sa iilang produkto na
nakapagtapos sa kabila ng kahirapang aking nararanasan. Ilan sa mga aspeto kung
bakit nahihirapang makamtan ang isang pantay na edukasyon ay una, ang pinansyal
na aspeto. Ayon nga sa pag-aaral ni Samuelson (1997) na mayroong dalawang uri
ng kahirapan. Una ay ang kahirapang dulot ng walang makakapaghanap-buhay o
katuwang sa paghahanapbuhay dahil may kapansanan, nag-iisa sa buhay, at
walanng asawa o byuda at ang pangalawa naman ay ang mga taong nasa lower
class na hindi nakikita ang halaga sa paghihirap upang makakita ng pera o hindi
mahalga ang pagtatrabaho upang kumita ng pera. Sa bahaging ito, pasok ang
estado naming sa unang depinisyon ni Samuelson na bagaman may
naghahanapbuhay ay hindi magiging sapat dahil iisa lamang ang kumikita. Sa
paksang ito, maiuugnay natin na hindi lahat nakakamtan ang isang maayos na
edukasyon dahil sa kakulangang pinansyal. Kahirapang humahadlang sa pagkamit
ng pangarap.
Kaugnay sa talakayang edukasyon tungkol sa kalagayang sosyal ay ang
kultura ng isang mag-aaral. Ilang sa mga mag-aaral ay nakararanas ng
deskriminasyon na sa kasawiang-palad ay isa sa mga nagtutulak sa pagtigil ng pag-
aaral dahil sa nararanasang pagiging kakaiba nito sa lipunan. Kaya’t gumagawa ng
paraan ang ating pamahalaan upang masulosyonan ang problemang ito. Nabanggit
nga sa dyornal na binuo nina Eduado, Gabriel et.al (2021) ang tungkol sa ginawa ng
United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong
December 1960 na isang kumbensyon tungkol sa pagsugpo ng diskriminasyon sa
Edukasyon upang mabawasan at mawala ito sa mga paaralan.
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

Dagdag pa sa mga nagiging sagabal sa pagkamit ng isang mataas at kalidad


na edukasyon ay ang lokasyon ng mga mamamayan. Bagamat marami ng paaralan
ang Pilipinas na ipinapatayo at maraming aplikante ang nag-aabang na mabiyayaan
ng item ng pagiging guro ay hindi pa rin nawawala ang minsanang pagtanggi kapag
nalaman nitong malayo at may kahirapan ang pagpunta sa lugar na pagtuturuan.
May iilan mga mga sumusugal dahil para sa mga kabataan hindi naman
maikakailang maraming pagkakataon na rin na minsanan silang sinubok at sa
kasawiang palad ay namamatay dahil sa disgrasya. Ayon pa nga sa journal na
LIVED EXPERIENCES OF TEACHERS IN FAR-FLUNG SCHOOLS na nakaugalian
na sa Pilipinas na ang mga bagong gurong iyon ay itinalaga sa mga lugar na hindi
maganda, tulad ng mga malalayong paaralan. Ang pagnanais ng mga bagong guro
na makakuha ng trabaho ay karaniwang para sa mga kadahilanang pang-
ekonomiya. Ang mga malalayong paaralan ay mahirap abutin at kadalasan ay
mapanganib. Ang paglalakbay papunta at mula sa pinakamalapit na kalsada ay
nangangailangan ng tibay at tapang. Kaya naman mas batang mga guro ang
nakatalaga doon. Dahil sa unang propesyonal na gawain sa pagtuturo, ang isang
bagong guro ay isa nang hamon.

KONGKLUSYON
Ang pagtuturo ay hindi lamang isang trabaho kundi ito ay isang bokasyon.
Isang tawag na mahirap tanggihan lalo pa at kinabukasan ng kabataan ang
nakasalalay. Kahit pa man ang edukasyon ay nagiging bias dahil hindi lahat kayang
makamit o matamasa ang nararanasan ng ibang mag-aaral gumagawa pa rin ng
paraan ang mga instrumento sa paghahatid nito, nagkakaroon ng pag improvise,
nagiging flexible at iba pa upang maihatid lamang ang edukasyon para sa lahat.
Ngunit hindi parin kayang maikubli na marami pang mga salik ang nagiging dahilan
ng hindi pagkakapantay-pantay nito mapa sosyolohikal at ekonomikal na aspeto.
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

LISTAHAN NG MGA PINAGBABATAYAN

Eduardo, J. P., & Gabriel, A. G. (2021). Indigenous Peoples and the Right to

Education: The Dumagat Experience in the Provinces of Nueva Ecija and

Aurora, in the Philippines. SAGE Open, 11(2), 215824402110094.

https://doi.org/10.1177/21582440211009491

Education of socially and economically disadvantaged of the society

ShieldSquare Captcha. (n.d.). Www.globaldata.com.

https://www.globaldata.com/data-insights/macroeconomic/literacy-rate-in-the-

philippines/#:~:text=The%20literacy%20rate%20reached%2099.27

Lavy, V. and A. Schlosser (2005), “Targeted Remedial Education for Under-

Performing Teenagers: Costs and Benefits”, Journal of Labour Economics,

forthcoming.

Machin, S. (2006). Social Disadvantage and Education Experiences. Www.oecd-

Ilibrary.org. https://doi.org/10.1787/715165322333

‌Novelty Journals: High quality scientific journal publisher. (n.d.).

Www.noveltyjournals.com. Retrieved November 19, 2022, from

https://www.noveltyjournals.com/upload/paper/LIVED%20EXPERIENCES

%20OF%20TEACHERS-15092022-10.pdf

Poverty Rates Highest Since 1997: http://www.npr.org/templates/story/story.php?


storyId=112725009

You might also like