You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Surigao del Sur State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

MAGPALAYA AT LUMAYA
Luz Marie A. Corvera

Ilang gabi na rin ang nagdaan simula noong ako'y sumuko sa laban.
Mga bagay na madalas ko pang iniiyakan dahil ayaw kong bumalik sa lugar kung
saan ako na lang ang naiwan.

Ilang gabi na rin na pilit kong nilalabanan ang pagsuko dahil sa mga nabigong
pangako. Pangakong dati ay mahigpit kong kinakapitan at ngayo'y unti-unti na ring
pinapakawalan.

Dahil kailangan kong harapin lagi ang umaga na wala ka na sa aking tabi. Kailangan
kong tanggapin na hindi na ako ang tahanan mo sa bawat gabi.

Mahirap magpalaya, ngunit sa bawat kapit ko sa ating alaala'y kinukulong ko ang


sarili sa lungkot— ligaya'y pinagdadamot.

Kaya't isang gabi pa, isang gabi na lang— titigil na 'ko sa pagluha at
magpapaubaya. Tuluyan na 'kong bibitiw upang magpalaya at lumaya.

You might also like