You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

North Eastern Mindanao State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph

GRADUATE SCHOOL

Kabataan, Kapit Lang!


ni Luz Marie A. Corvera

Sa kawala'y nakatingin, mga mata'y nangungusap,


kabataan na may tanong, at puno ng pangarap.
Bakas buhat ng kahapon, na may sakit at pahamak.
Anu-anong nasa likod, ng bukas na tinatahak?
Kabataang sumusuko, bisyo na ang nagtuturo,
mga pangarap ay nilimot, pag-asa ay naging biro.
Pagsisikap na hinulma, sa bawat gabi't umaga,
ngayo'y tila naaanod, ng bulok na alaala
Kabataang nangangarap, nanatili at nagsikap,
oatuloy na kumakayod, kahit ubod na ng hirap.
Hagdan ng bawat tagumpay, ay natatawid na pala
sapagkat may mga biyaya, `pag nagtiis nagtiyaga.
Tanong ng munting isipan, ay natural na nandiyan.
Iligpit mo lamang iyan, panahon ang sasagot d'yan.
`Yong sakit ng karanasan, sa landas na dinaanan.
O tagumpay na nakamtan, na hindi mo namamalayan
Kabataan! Kabataan, na pag-asa nitong bayan,
pangarap na inaasam, ay huwag mong bibitawan.
Magtiyaga't magsumikap, at hindi mamamalayan,
tagumpa'y iyong nakamtan, kaya't kapit kabataan!

You might also like