You are on page 1of 1

Tumindig, Manaig, at Marinig

(Ni Aaleahya L. Meria)

Filipino at mga katutubong wika, pamamaraang tumutulong sa


pagpapahayag ng sugbo ng puso, minsa’y maihahalintulad sa isang boses.
Ang boses ng sambayanang nais pairalin ang
kapayapaan, seguridad, at pagpapatupad ng katarungang panlipunan.
Subalit, ang boses na ito’y nanatiling tahimik, o di kaya’y;
pinapanatiling tahimik?
Gayunma’y atin itong kailangan upang tayo’y marinig ng madla
sa gitna ng paghihirap na wagas na,
ito lamang ang ating hangad, ngunit tulad ng bula ito’y nawala.

Bakit? Ano ang dahilan ng pagka-wala neto?


Ngayong tayo’y naghihingalo’t kinakailangan ‘to.
Tulad na lamang ba ito ng pinuno at hustisya? Na dahilan para hindi naririnig,
ang nainis na marinig, at patuloy na naalala ng mga naantala;
mga hinagpis na dulot ng isang di patas na batas.
Ika nga nila’y
“hangga’t may tatsulok, at sila ang nasa tuktok, hindi matatapos itong gulo”
sa maiksing sabi’y,
ang mga mararangya’t may kapangyarihan ang patuloy na mananaig.
Samantalang ang mga mahihirap ay mananatiling mahirap,
o mas mahigit pa ay minsan sa maling akala sila’y pinapaslang.

Kung kaya’t tayo ay lalaban, upang mapawalang tinag ang;


maling pagpapahayag ng midya, mga pangako ng gobyerno na nagiging bato, at ang
lihis na pag-unawa ng mga may salapi sa hinagpis,
ng lugmok sa kahirapan kung kaya’t sila’y naapi.
Estudyante lang naman kayo, ano bang magagawa ng isang tulad nyo?
Hindi, hindi lamang kami “Estudyante”, kami’y mga estudyante na maituturing na pag-
asa ng bayan.

‘Di man ngayon malulutas ang suliranin,


ngunit kami, ang pag-asa ng mga taong patuloy na umaasa,
ang magsisilbing kulay sa liwanag pag matapos ang dilim.
Tayo’y sama-sama sa pag tugon sa ating pagbangon,
at titindig, upang marinig, na dapat ang mga Pilipino’y mananaig,
daan patungo sa ‘di natatapakang katarungan at, pagkakaroon ng kapayapaan sa ating
bayan.

You might also like