You are on page 1of 12

FILIPINO

Ang Pagtatalumpati

Ang Masining na panghihikayat o


pagpapabatid sa harap ng isang pangkat o
awdyens ay ang pagtatalumpati. Ang
talumpati ay binibuo ng mga sumusunod na
bahagi:
Panimula ito ang bahagi ng nagkokondisyo o
naghahanda sa tagapakinig.
Paglalahad ang bahagi kung saan isinasagawa ng
tagapagsalita ang pagpapaliwanag.
Paninindigan ang pagpapatunay sa mga inilahad
ay sa bahaging ito ipinapahayag.
Pamimitawan ang pagwawakas o pagpapaalam.

Mahalagang taglayin ng isang


mananalumpati ang mga sumusunod na
katangian:

Kabatiran sa paksa
Malawak na vokabularyo
Malakas na loob at matibay na dibdib
Kasanayan sa mahusay na pagsasalita
Kahandaan sa pagsasalita o harap ng madla

LAYUNIN NG TALUMPATI

Magturo
Magpabatid
Manghikayat
Manlibang
Pumuri
Pumuna
Bumatikos

MGA URI NG
PAGTATALUMPATI
May hahanda (Prepared) Naihanda na at naisaulo ang
talumpati o piyesa. Nalapatan na ng angkop na tinig, tindig
at kumpas ang bawat pahayag na nangangailangan nito.
Biglaan (Improptu) Nagaganap ito ng walang
paghahanda o mabilisan. Ang tagapagsalita ay walang
nakahandang piyesa na babasahin o isinaulo. Ang mga
pahayag ay batay sa nagaganap o tema ng okasyon.
Maluwag (Extemporaneous) Karaniwang ginaganap sa
mga palatuntunang pampaaralan kung saan may tiyak
nang tema o paksa. Subalit ang tagapagsalita ay papipiliin
ng isang paksang lilinangin matapos ang ilang panahon ng
pagmumuni. Ang ganitong uri ay kadalasang ginagawang
patimpalak sa mga palatuntunan.

MGA ANYO NG TALUMPATI


Nanghihikayat layunin nitong pumanig
sa kanyang konviksyon ang madla. Ang
mga sermon ng pari at pahayag ng
abogado/ tagapagtanggol/ taga-usig.
Nanlilibang ginaganap ito sa mga
okaysyong pampamilya o
pangmagkakaibigan, sa isang organisyon o
samahang nagdaraos ng isang salo-salo.
Pinupukaw ang kagiliwan ng awdyens.

Pumupuri mayroon itong limang uri:


Eulogy o Elehiya kinikilala nito ang mga magagandang
puntos ng isang namayapa, katulad ng mga iniaalay sa isang
bayani.
Pagmumungkahi sa panahon ng paghahatol o
pagbobotohan ng mga kasapi ng pumunuan ng organisasyon
o samahan. Ang taong iminungkahi sa isang posisyon ay
ginagawaran ng mga pamuring pananalita.
Pamamaalam iniaalay ang ganitong anyo sa mga kasapi o
miyembrong magreretiro, lilipat ng ibang lugar o
panunungkulan.
Paghahandog binibigkas ito ng mga puno o pangulo ng
samahan ukol sa taong magpapaalam sa samahan o
organisasyon.
Pagtatalaga ang mga pagpapasinaya ng isang gusali o
istruktura ay kinagaganapan ng ganitong talumpati.

MAHAHALAGANG PAALALA SA
PAGTATALUMPATI

Tindig
Gawin maginhawa at maluwag.
Maging anyong kagalang-galang at may lakas
ng loob.
Panatilihin ang katuwiran ng katawan.
x Iwasan ang tayong military, tindig-marino at
pagkatiping-tipi.
x Huwag mamaywang habang naglalakad at
nagsasalita.
x Iwasang ipasok ang kamay sa bulsang damit na
pang ibaba.

Galaw
Kumilos upang maganyak ang tagapakinig.
Kung kinakailangan ay pakilusin ang katawan at
mga bahagi nito.
Sa pag kilos ay isaalang-alang ang sapat na
panahong matimo sa isipan ng tagapakinig ang
sinasabi
x Huwag manatili sa iisang posisyong sa kabuuan
ng pagtatalumpati.
x Huwag maupoo tumayo sa iisang lugar sa
pagtatalumpati.

Kumpas
Tandaang ito ang magbibigay-diin sa mga
ipinahahayag.
Mayroon itong dalawang uri: kinaugalian ang mga
sumusunod:
Paggamit ng hintuturo sa pagturo ng bagay.
Nakatihaya o nakalahad na palad bilang simbolo ng
pagtanggap.
Nakataob at anyong patulak ay pangtanggi.
Mga mapuwersang kumpas tulad ng pagpapadyak,
pagdagok ng nakakuyom na palad.

Ang mga mapaglarawang kumpas ay


kinabibilangan ng
Kumpas na tumutukoy sa laki, taas, haba,
ikli at kinalalagyan ng isang bagay
Pagtango
Pag-iling
Pagkindat
Pang-ngiti

Tindig
Ang pangunahing sangkap ng talumpati
Pinapahahalagahan ang wastong paggamit ng
labi, dila, panga, ngipin at wastong paghinga.
Gamit ang diin, tulin, taas, baba at uri ay
mapag iba ang kalidad nito
Sikaping matamo ang sapat na lakas upang
marinig ng lahat
x Iwasan ang paghihigpit ng lalamunan at
paninigas ng leeg.

You might also like