You are on page 1of 11

KASANAYAN SA

PAGSASALITA
C

Group 1

Mga dapat Tandaan sa Mabuting


Pagsasalita
Kaalaman Sa Paksa
- Kailangan malawak ang karanasan sa
buhay na mapagkukunan ng ibat ibang kawiliwiling paksain. Ang taong may malalim at
malawak o mayamang karanasan at kaalaman
ay isang kawili-wiling ispiker bukod sa matalino
dahil marunong siyang tumalakay ng kahit anong
paksa sa ilalim ng araw.

Tiwala sa Sarili
- Dapat mayroong Tiwala sa sarili gawa
ng sapat niyang kabatiran sa anumang
paksa. Ang taong may tiwala sa sarili ay
Agad-agad nakukuha ang atensiyon ng
manonood, siya rin ay pranka ngunit may
konsiderasyon.

Kasanayan
- Dapat angkin ang Kahusayan at
kasanayan sa paggamit ng wika para
magsilbing mabisang kasangkapan sa
epektibong komunikasyon o Interaksiyon
at pakikipaghatirang diwa.

Ayon kina Canale at Swain ang kahusayan


sa paggamit ng wika ay:
1. Kahusayang Panggramatika (grammatical
competence)
2. Kahusayang Pansosyolingwiktika
(sociolinguistic competence)
3. Kahusayang Pandiskurso (discourse
competence)
4. Kahusayang Pang-estratehiya (strategic
competence)

Kasangkapan Sa Mabuting
Pagsasalita
1)Tindig o Tikas - ang TIKAS ay makikita sa
pagtindig, pagkilos at pagkumpas ng isang
mambibigkas.Kung komportable ang pagtindig,
maluwag ang pagsasalita.

2)Tinig ang TINIG ay mahalagang sangkop at


puhunan ng isang nagsasalita maging
mananalumpati o mambibigkas. Ito ay nagbibigay
buhay sa tula, talumpati o deklamasyon.

3) Galaw Ang kilos o Galaw ay may kinalaman


sa pagsasalita. Iwasan ang maraming pagkilos.
Iaayon ang bahagyang paggalaw ng ulo balikat
at bisig na naaayon sa hinihingi ng tula o
talumpati.
4) Kumpas - Galaw ito ng alinmang bahagi ng
katawan at ginagamit upang maihatid ang
damdamin ng tula sa madla o mailarawan ang
inilalahad nito.

Ilan sa mga pinakagamiton o


nakaugaliang kumpas ay:
Kumpas na paturo.
Kumpas na ang palad ay nakatihaya.
Dalawang kamay nakalahad at unti-unting
nakataas.
Dalawang bukas na bisig na halos pantay
balikat.
Dalawang kamay na marahang ibinababa.

Dalawang kamay na biglang ibinababa


(pabagsak).
Kumpas na ang palad ay nakalahad
lalung-lalo na kung itinataas.
Palad na nakataob lalung-lalo na kung
biglang ibinababa.
Kuyom ng Palad o pasuntok na Kumpas.
Bukas na Palad na paharap sa Pagsasalita.

Ang Pakikipagsalitaan o
Pakikipag-usap
Ang Pakikipag-usap ay isang normal na bagay.
Itoy ating ginagawa araw-araw. Anuman ang
paksa o layunin ng pakikipag-usap pormal o
impormal, kalian man ito nangyari o kaya di pa
nangyayari, matagal na o napapanahon ang
isyu ay nagaganap ang pakikipag-usap. Ang
mahalaga ay may kausap ka na pahihingahan ng
loob, may pagsasabihan ka ng niloloob at may
nakikinig sa iyo.

THE END..

You might also like