You are on page 1of 2

Ang

Talumpati

Ang pagtatalumpati ay isang pagpapahayag sa harap ng mga taong handang makinig.
Layunin nito na magpahatid ng mahalagang ideya tungkol sa isang paksa upang makaakit. May
apat na bahagi ang talumpati:
(a) panimula – bahaging naghahanda sa kaisipan ng mga nakikinig upang maakit ang kanilang
kawilihan
(b) paglalahad – bahaging nagpapaliwanag, ito ang katawan ng talumpati
(c) paninindigan – bahaging naglalaman ng mga katunayan o ebidensiya ng nagtatalumpati at
(d) pamimitawan – pangwakas na bahagi ng talumpati.

Mahalagang Bagay na Kailangan sa Mabisang Pagtatalumpati

1. Lubos na kaalaman sa paksa – Mapauunlad ang kaalaman sa pamamagitan ng
pagmamasid na may kasamang pagpapakahulugan sa napapansin at nakikita. Ang
pagbabasa na may kasamang masusing pagpapahalaga ay pag-aaral na rin.
Samakatuwid, ang pagmamasid, pagbabasa, at pag-aaral ay kailangan upang magkaroon
ng lubos na kaalaman sa paksa.
2. Angkop at malawak na talasalitaan – Iangkop ang talasalitaan sa nakikinig o bumabasa.
Kailangan ang malawak na talasalitaan para sa maayos at malinaw na pagpapahayag.
3. Matatag na damdamin – Madaling mapapansin ang nagsasalitang may matatag na
damdamin: maayos at matatag tumayo; matuwid kung tumingin sa nakikinig; buo at
may katamtamang lakas ng tinig; maliksi ang pag-iisip; maayos ang pagkakaugnay ng
kanyang sinasabi.
4. Kasanayan – Natural lamang ang kabahan sa simula ng pagsasalita, ngunit habang
lumalaon ay nawawala ito. Pumili ng isang paksang madaling talakayin. Pag-aralang
mabuti ang paksa at ang wastong pagkakasunu-sunod ng mga kaisipin.

Makatutulong nang malaki sa mabisang pagtatalumpati ang kasanayan sa wastong
pagsasalita.

1

Dapat Asalin sa Harap ng Madla

Nababatay ang wastong asal sa harap ng madla sa alituntunin ng empatiya (empathy).
Kapag tayo’y taimtim na nakikinig sa isang nagsasalita at ang paningin natin ay sa kanya
nakapako, hindi natin namamalayang gumaganting-galaw tayo sa inaasak o ikinikilos ng
nagsasalita. Kapag siya’y walang kilos, tayo’y inaantok, kapag labis ang galaw, tayo nama’y di
mapakali. Ang nerbiyosong tagapagsalita ay nagkakaroon ng nerbiyosong tagapakinig.

Isaalang-alang ang mga sumusunod sa pagharap sa madla:
1. Ang tindig – Maging kagalang-galang sa pagtayo, yaong nag-aanyaya ng pagpipitagan,
ngunit hindi tindig-militar. Bahagyang paghiwalayin ang dalawang paa; nauuna nang
bahagya ang isa sa ikalawa nang sa gayon, ang bigatng katawan ay nakapatong sa isang
paa at pagpapalitin sa bawat pagpapalit ng paksa.
2. Ang galaw – Kailangang natural at maluwag ang galaw. Pag-akyat ng entablado,
ipakitang may tiwala sa sarili. Hagisan ng tingin ang madla bago simulant ang
pagsasalita. Pagkatapos magsalita, tumigil sandal. Bigyan ng panahong “namnamin” ng
madla ang huling sinabi. Saka manaog at lumakad nang matatag patungong upuan.
3. Ang mukha – Habang nagsasalita, tumingin sa mata o mukha ng madla, hindi sa bintana,
sa sahig, o sa kisame. Iayon sa damdamin ng talumpati ang anyo ng mukha.
4. Ang kumpas – Gumamit ng kumpas upang bigyan-diin ang ipinahayag.
5. Ang tinig – Iba’t ibang pagpapakahulugan ang maibibigay sa isang pahayag dahil sa tinig.
Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng bilis, diin, intonasyon, hinto, at uri
ng tinig. Bihirang maging likas sa tao ang magandang tinig sa pagsasalita. Naaangkin ito
sa tulong ng matiyagang pag-aaral at pagsasanay.

Sanggunian:
Retorika Para sa Antas Tersyaryo
Suaco et. al. (2004)

You might also like