You are on page 1of 20

ARALIN 6

TALUMPATI
 Ayon kay Jose Villa Panganiban, ang
pananalumpati ay magalang na pagsasalita
sa harap ng isang publiko hinggil sa isang
mahalaga at napapanahong paksa.
 Mga Hangarin kung bakit
nagtatalumpati ang mga tao
a. Magbigay-kabatiran – kabatiran sa mga bagay na
hindi pa alam ng publiko.

b. Magturo – ituro sa publiko ang nararapat na paraan o


paniniwala hinggil sa isang kaisipan.

c. Manghikayat – hikayatin ang publiko sa


katotohanan at kabutihan ng isang kaisipan.
 Mga Hangarin kung bakit
nagtatalumpati ang mga tao
d. Magpaganap o Magpatupad – gaya ng pagpapaboto
sa isang kandidato, pagpapaambag sa isang kawanggawa,
pagpapagawa ng bagay na Mabuti at kailangan ng iba.

e. Manlibang – hangaring dapat maging lagging


kakambal ng unang apat sapagkat ang bawat talumpati,
anuman ang hangarin ay dapat makawili.
 Tatlong Bagay ang Dapat Isaalang-alang sa
Pananalumpati
a. Mananalumpati – kailangang ihanda ng
magtatalumpati ang kanyang sarili.

b. Talumpati – dapat na matugunan ng nilalaman ng


talumpati ang layunin ng magtatalumpati.

c. Publiko – isinasaalang-alang rin ang mga manonood


o tagapakinig ng talumpati.
 Mga Dapat Tandaan Upang maging Kaakit-akit
ang pagbigkas ng Talumpati
 Upang maging kaakit-akit s amadla, Una, dapat maging
masigla ng mananalumpati. Sa ganitong paraan ay
nagkakaroon ng kawilihan ang madla na siya ay panoorin
o pakinggan.

 Ikalawa, kailangan na nagtataglay ng kasanayan sa


pagharap sa publiko at kasanayan sa pagbigkas ng
talumpati.
 Mga Dapat Tandaan Upang maging Kaakit-akit
ang pagbigkas ng Talumpati
 Ikatlo, isipin na ang gawaing ito ay karaniwang
pakikipag-usap lamang. Maging komportable at ippakita
ang hangarin sa publiko.
 Ikaapat, hindi dapat pangunahan ng kaba ang isang
magtatalumpati. Gaano man kahanda kung
mangingibabaw naman ang nerbiyos ay balewala rin.
 Ikalima, masigasig na maisakatuparan ang layunin sa
pagtatalumpati.
 Tatlong katangiang Dapat Taglayin ng Paksa ng
Talumpati
 Napapanahon-anumang paksa na makabuluhan sa
kasalukuyang pangyayari sa paligid o pangyayaring
magaganap sa hinaharap ay tiyak na pahahalagahan ng
publiko.

 Kapakipakinabang sa publiko-mas gusto ng mga


tagapakinig na mayroong maitutulong sa kanilang pang-
araw-araw na pamumuhay ang paksa ng talumpati.
 Tatlong katangiang Dapat Taglayin ng Paksa ng
Talumpati
 Katugon ng layon ng talumpati-upang hindi mabigo
ang mga makikinig, kinakailangan na makamit ng
nagtatalumpati ang kanyang layunin.
 Pagbuo ng Talumpati

 Sa simula, ipakita ang hangarin ng mananalumpati.

 Sa katawan, mahusay na talakayin ang paksa ng


talumpati.

 Sa wakas, ibuod ang talumpati.


 Mga Hakbang sa Pgsulat ng Talumpati

 Pagbuo ng tiyak na layunin


 Pagbabalangkas
 Paggawa ng panggitnang diwa
 Pag-uugnay-ugnay ng mga sangkap
 Pagsasaayos
 Mga Sangkap ng Talumpati

 Mga katunayan
 Mga kuro-kuro
 Mga damdamin
 Higit na kapani-paniwala ang talumpati kung wasto ang
pagkumpas. Bawat kumpas ay may kahulugan at tiyak na
gamit.
 Kumpas
 Ang pagkumpas ay nakatutulong sa pagbibigay-diin sa
ideyang nais ipahatid ng isang mananalumpati. Ito ay
may tatlong bahagi. PAGHAHANDA, PAGKUMPAS,
at PAGBALIK NG KAMAY.
 Mga Patnubay sa Mabisang Paggamit ng
Kumpas
1. Dapat na galling sa kalooban at natural ang pagkumpas.
2. Dapat na angkop sa mga salitang binibigkas ang
pagkumpas.
3. Iwasan ang nakatuwid lamang ang siko at bisig.
4. Palaging mauuna ang pagkumpas sa pagbigkas.
5. Ang pagkumpas ay nagsisimula sa balikat at nagtatapos
sa dulo ng daliri.
 Mga Patnubay sa Mabisang Paggamit ng
Kumpas
6. Sapat na dami lamang ng pagkumpas ang kinakailangan.
7. Iwasan ang mga di tiyak na kumpas.
8. Dapat na may hangganan ang paggalaw ng kamay. Hindi
dapat iunat ang kamay nang malayung malayo sa tagiliran
kapag kumukumpas. Ang kamay ay di dapat sumakop sa
kabilang hati ng katawan kapag kumukumpas.
 Mga Patnubay sa Mabisang Paggamit ng
Kumpas
9. Magpakita ng maayos na tindig habang kumukumpas.
10. Kapag nauuna ang kanang paa sa pagtayo, ang kanang
kamay ang gamitin sa pagkumpas, kapag nauuna ang
kaliwang paa, kaliwang kamay ang gamitin sa pagkumpas. At
kapag dalawang kamay ang ginagamit, dapat magkapantay sa
pagkakatayo ang mga paa.
URI NG KUMPAS KAHULUGAN
1. Palad na itinaas habang Dakilang damdamin
nakalahad
2. Nakataob na palad at biglang Marahas na damdamin
ibababa
3. Palad na bukas at marahang Mababang uri ng kaisipan o
ibinababa damdamin
4. Kumpas na pasuntok o ikuyom Pagkapoot o galit at
ang palad pakikipaglaban
5. Pagturong kumpas Panduduro, pagkagalit at
panghamak
URI NG KUMPAS KAHULUGAN
6. Nakabukas na palad na Matimping damdamin
magkalayo ang mga daliri at unti-
unting ikinukuyom
7. Ang palad ay bukas, paharap sa Pagtawag ng pansin sa alinmang
nagsasalita bahagi ng katawan ng nagsasalita
8. Nakaharap sa madla, nakabukas Pagtanggi, pagkabahala at
ang palad pagkatakot
9. Kumpas na pahawi o pasaklaw Pagsaklaw ng isang diwa, tao o
pook.
URI NG KUMPAS KAHULUGAN
10. Marahang pagbababa ng Pagpapahiwatig ng kabiguan o
dalawang kamay kawalan ng lakas
 Panuto: Sumulat ng isang Talumpati sa alinmang paksa.

 Pagbibigay-kabatiran ukol sa mga napapanahong


isyu.
 Pagpupuri sa nakamit na tagumpay ng kaibigan.
 Pagdakila sa taong sumakabilang-buhay.
 Pagtatapos ng pag-aaral.
 Pasasalamat sa karangalang iginawad.

You might also like