You are on page 1of 20

MASIPAG

Ikalawang Linggo
Mga Paksa
Kalikasan at mga Simulain ng Retorika:
A. Bilang Sining
B. Gampanin at
C. Saklaw
Balik-aral sa nakaraang aralin:
Ang retorika ay hango sa salitang Griyego na Rhetor=
guro o mahusay magtalumpati.
Mga Kahulugan: Isang pag-aaral sa masining na paggamit
ng wika upang maimpluwensiyahan ang kaisipan at
damdamin ng ibang tao; nauukol sa sining ng maganda at
kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat; siyensiya o agham
ng paghimok o pangsang-ayon (Socrates)
Balik-aral sa nakaraang aralin:

Sa bansang Syracuse ng Sicily nagsimula ang paggamit


ng retorika.
Si Corax ang unang guro
Sophist- tawag sa taong may mahusay at matalinong
paraan ng pagmamatuwid.
A. Layunin:
Nabibigyang-katuturan ang retorika sa mas
malalim na pagpapakahulugan.
Napahalagahan ang mga natalakay na paksain
sa linggong ito.
Nakabuo ng mga gawaing magpapatibay sa
pagkaunawa sa araling natapos.
B. Panimula
Malaking gampanin ng wika sa pakikipag-ugnayan
ng tao sa kanyang kapwa. Sa tahanan, sinisimulan
ang paggamit ng wika. Ang mabuti sa hindi ay
malamang naituturo ng mga magulang. Kaya ang
batang lumalaki ay napagtitibay niya ang binanggit
ng kanyang mga magulang.
B. Panimula
May mga lisya sa paggamit ng wika. Ang lisyang ito
ay natutukoy sa pananalita na sinasangkutan pa rin
ng paggawa.

Sa linggong ito, matutunghayan natin ang mga


paksaing makadaragdag ng inyong pag-unawa at sa
huli ay magamit ang mga ito.
C. Talakay: Isa-isahin ang nilalaman
ng ating talakay sa linggong ito.

I. Retorika Bilang Sining


katulad ng ibang anyo ng sining tulad ng pag-awit,
pagpinta at iba pa, ang retorika ay matatawag ding sining.
Sining sapagkat lumilikha ang nagsasalita/sumusulat ng mga
salitang tiyak na mauunawaan at makukuha ang interes sa
napakinggan o nabasa.

Tunghayan ang mga uri ng sining ng retorika.


a. Isang Kooperatibong Sining - Ang
Sining na ito ay pagsasalita o paglikha
hindi lamang sa sarili kundi nang sama-
sama upang makabuo ng pagkaka-isa o
pagkakabuklod-buklod ang tagapagsalita
sa nakikinig, sa nagsulat at bumasa.
b. Isang Pantaong Sining - Ang wika ay
natatanging gamit ng tao, maging pasulat
o pasalita kaya sa kanyang kapwa ito
magiging kapaki-pakinabang.
c. Isang Temporal na sining - Nakabatay sa
panahon ang retorika. ang gumagamit nito ay
nagsasalita /nagsusulat sa wika ng NGAYON
at hindi ng bukas o kahapon.
Naiimpluwensiyahan ang pamamaraan ng
pagsulat maging ng pagsasalita sapagkat
umaayon ito sa kung ano ang panahon.
e. May Kabiguang Sining - Hindi lahat ay
may kakayahan sa paggamit ng wika. Dala
marahil ng kakulangan sa kaalaman at
kasanayan. Isama rin dito na likas na
komplikado ang wika. Bunga nito, nagiging
frustrating kung hindi naiparating ang nais
na mensahe.
f. Nagsusupling na Sining - Nagsusupling na
kaalaman ang retorika. Isang tiyak na
halimbawa: ang isang awit ay nalikha upang
awitin. Nagsupling ang awit sa pamamagitan ng
pagbigkas lamang ito upang maging tula. Kung
minsan naman, ang dating awit ay ginamit
upang bigyang-suri sa nilalaman at ang ritmo.
II. Gampanin ng Retorika

a. Nagbibigay-daan sa Komunikasyon -
Ang ating naiisip at nadarama ay maaaring
ipahayag upang maunawaan at magkaroon ng
ugnayan ang tao.
II. Gampanin ng Retorika

b. Nagdidistrak - Nagkakaroon ng pagdistrak


dahil sa mga nababasa at naririnig. Malilito
kung minsan kung ano ang nararapat at hindi
sa napakinggan o nabasa.
II. Gampanin ng Retorika

c. Nagpapalawak ng Pananaw - May benipisyo


ang ating naririnig o nababasa. may kakayahan
ang ating isip na mag-filter kung hindi akma sa
ating gawi at sa nakararami. lalong mabuti
kung nadagdagan pa ang ating natutuhan.
II. Gampanin ng Retorika

d. Nagbibigay-ngalan - Isa ito sa napakalaki at


praktikal na gampanin ng ating buhay. Kung
walang ngalan ang isang tao, paano mo siya
tatawagin. Ano ang itatawag sa mga bagay na
nasa ating paligid. Idagdag pa rito ang
pagbibigay ng ibang katawagan.
II. Gampanin ng Retorika

e. Nagbibigay-kapangyarihan - Maraming tao ang


naging bantog at prominente. Ang mga pulitiko na
nahalal, hindi ba tayo ay napasusunod sa kanilang
mga nagawang batas. Ang mga ideolohiya at
matatalinong kaisipan, ito ay nagkapagbibigay ng
kapangyarihan sa atin upang umakto ayon sa ating
lakas na paniniwala.
Saklaw ng Retorika. Unawaing mabuti ang ilustrasyon
upang masusing makita ang saklaw ng retorika sa
mga larang:

Wika
iba pang
Sining
Larangan Retorika

Lipunan Pilosofiya

You might also like