You are on page 1of 24

September 9 2020

Lesson:
Maikling kasasayan at kahulugan ng retorika

MASINING NA PAGPAPAHAYAG = RETORIKA


Aristotle (385 BC-323 BC)
- Sining ng epektibong pagpapahayag at panghihimok (persuasion)
- Sining ng pamumuno (leadership)

Pinagulan
- Pinaniniwalaang nagsiula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa
syracuse, isang maliit na isla sa sicily noong 5th century BC.
- Nang bumagsak ang sistemang diktaturyla ng nasabing lugar, nagbigay ito ng
pagkakataon upang ilahad ang kanilang mga saloobin at mga apila sa mga
pagbabagong naganap sa kanilang lipunan

Corax
- Taga-sicily
- Ang nagsabing ang maayos at sistematikong paraan ng pagpapahayag ng
katuwriran ang magiging daan upang makuha ang simpatya ng mga nakikinig
- SOCRATES= LISTENING
- RETORIKA=EMOSYON NOT LOGIC it is useless

Retorika sa klasikal na panahon


- Pasalita ang retorika sa klasikal na panahon
- Sumentro ang retrorika sa larangan ng politka sa panahong ito
- Sa Greece, sinasanay ang mga mag-aaral sa retorika lalo na ang mga lider.
- Retorika dahil nagagamit ito sa pagcocontrol ng mga tao

Sophist
- Ang tawag sa mga dalubhasa sa pananalita. Ang nagbigay pakahulugan sa retorika
bilang isang pagtatamo ng kapangyarihang pulitikal sa pamamagitan lamang ng
pagpahalaga sa paksang pinaglalaban at estilo ng pagsasalita

Protagoras
- Sinasabing ang kauna-unahang sophist
- Nagsasagawa ng mga pag-aaral kung paano papalakasing ang mahinang argumeto

Isocrates
- Ang dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo. Nagpalawak ng sining ng retorika
upang maging isang pag-aaral ng kultura at isang pilosopiya na may layuning praktikal.
- “[Ang retorika] ay taglay sa kalikasang ng tao, ito ang nag-aangat sa atin maging higit sa
pagiging hayop at upang mamuhay ng sibilisado.

Retorika sa gitnang panahon (medyibal) [Galing pa rin kina aristotle at cicero]

Nakasumpong sa praktika na aplikasyon sa “Tatlong artes”


1. Paggawa ng sulat
2. Pagsesermon
3. Paglikha ng tula

Retorika sa modernong panahon


- Lalong ginagamit ito sa modernong panahon. Dulot na rin ng internet ngunit hindi na
gaanong napag-aaralan
1. Ginagamit sa mga patalastas
2. Pagbebenta
3. Pagsusulat ng tula
4. Taumpati ng mga pulitiko
5. Pag-post sa social media
6. Pagpost sa youtube at iba pa

Sampol
Kahit walang kasense sense madaming pa ding naniniwala so basically mocha uson

Mga kakaibang salita na ginagamit ni mayor isko moreno, trending sa social media

Mayor isko Moreno


- Salitang kanto na ginagamit ni isko
- ISKONARY
- Wakali = kaliwa
- Logtu=tulog
- Netmari=mainit
- Nanka=kanan
- Etneb=bente
- Takwarens=kwarenta
- Yadba=bayad
- Tolongges= expression na ginagamit sa mga tambay
- Posam=sampu
- Gedli=gilid
- Kodli=likod
- Yorme=mayor
- Spiderman= isang taong nagkakabit ng jumper sa kuryente
- Obo= “loob”- kulungan, bilangguan
- Piyait-piyait = small time
- Haciendero= informal settlers
- Tumbong= masarap na potaheng may sabaw
- Lodi=idol

Yorme
- Ang salitang yorme ay isang salita na pinasikat ng Mayor ng Maynila na si Isko Moreno.
Ang yorme ay galing sa salitang mayor. Itong salita ay karaniwang naririnig sa maynila
at ito ay naging epektibo sa pakikipagusap sa mga tao, sa social media man o sa
personal dahil ito ay madalas na narininig na sinasabi ng mga tao tuwing pinaguusapan
si Yorme Isko Moreno. Sa madalas na pagrinig o pagsalita ng yorme ay nakaugalian
nang sabihin ito ng magkakaibang henerasyon dahil dito sila nagkakaintindihan o di
kaya nagakakaroon ng vibe sa isa’t isa. Ang salita rin na ito ay laging nasasabi sa mga
interview o di kaya sa mga balita tuwing kinakausap ang Mayor ng Maynila na si Isko
Moreno dahil sa kagustuhan nitong tawagin siyang Yorme. Sa dinami-dami ng mga
manunuood na sumusubaybay sa kanyang gawain nasanay na rin ang mga tao na
tawagin siyang yorme bilang katuwaan kahit na magkakaibang henerasyon pa ang mga
nagsasabi nito.

Mga Sining sa Retorika


A) Kooperatibong Sining
- Napagbubuklod ang tagapagsalita at nakikinig o ng manunulat at mambabasa
B) Isang Pantaong Sining
- Wika ang natatanging gamit ng tao sa pakikipagugnayan
C) Temporal na Sining
- Nakabatay sa panahon ng retorika. Nagbabago ang lenggwahe ayon sa kalagayan ng
panahon-ngayon

Mga Salita ng taon


2010- Jejemon
2012- WangWang
2014- Selfie
2016- Fotobam
2018-Tokhang

D) Limitadong Sining
- Anumang bagay ay ay hangganan din. Ang bagay, ugnayan, at iba pa
E) May Kabiguang Sining
- Ang wika ay Komplikado at nabibigo sa ilang mga pagkakataon
F) Nagsusupling na Sining (Ang Kaalaman)
- Nagsusupling na kaalaman ang retorika sapagkat napaparami nito ang isang ideya

Nakakatulong sa akin ang kooperatibong sining. Makakatulong ito sa akin bilang isang Diplomat
sa kinabukasan dahil rito makikipag-usap ako sa aking mga kasamahan o di kaya sa mga
respresentatibo ng iba’t ibang mundo na nais makipag-ugnayan sa ating bansa.
Kalikasan at simulain ng retorika: Sining, Gampanin, Saklaw: Ang Gampain at saklaw ng
retorika. Ang tatlong mabisang paraan ng paghihimok

SAKLAW NG RETORIKA GAMPANIN NG RETORIKA

1. Sa Sining 1. Nagbibigay-daan sa komunikasyon


2. Sa Wika 2. Nagdidistrak
3. Sa Pilosopiya 3. Nagpapalawak ng Pananaw
4. Sa Lipunan 4. Nagbibigay- ngalan
5. Nagbibigay-kapangyarihan

Saklaw ng retorika
1. Sa Sining
- Isang artistikong mapanlikha ang gumagamit ng mga simbolo upang bigyang buhay ang
isang ideya
2. Sa Wika
- Sapagkat ito ang midyum ng Retorika at hindi naihihiwalay ang gramatika ng wika sa
retorika
3. Sa Pilosopiya
- Nagiging poitikal at makatwiran ang isang tao sa pagpapahayag ng kanyang ideya
4. Sa Lipunan
- Maging Konsern sa lipunang ginagalawan at may tungkuling makisangkot

Gampanin ng Retorika
1. Nagbibigay-daan sa komunikasyon
- Ano man ang naiisip at nadarama, maaring ipahayag sa pamamagitan ng pagsalita at/o
pasulat
2. Nagdidistrak
- Dahil sa pakikinig natin sa iba, nakalilimot tayo sa ating gawain at kinukuha nito ang
ating atensiyon. Pinag-iisip tayo sa paksa, Pinagkokonsentreyt tayo sa bagay na
binabanggit. Tinatangka nitong makontrol tayo.
3. Nagpapalawak ng Pananaw
- Sa pagbabasa o pakikinig, maaaring may makuha o matutuhang kaalaman
4. Nagbibigay-ngalan
- Nabibigyang-pangalan o leybel ang mga bagay upang magkaroon ng katiyakan.
5. Nagbibigay-kapangyarihan
- Dahil sa Retorika, napakaraming tao, bagay at pangyayari na nagiging prominente at
kakilala. At nagkakaroon ng kontrol sa isipan ng ibang tao.

Papaano magiging higit na epektibo?


Argumento
- Ito ay mga pahayag, katwiran, katunayan na ang intensiyon ay sumuporta o magbuo ng
isang punto

Ang tatlong paraan para sa epektibong panghihimok (ang mabisang paraan ng


panghihimok)

The Art of Rhetoric


Sabi ni Aristotle: May tatlong paraan ang isang nagsasalita o manunulat upang maging epektibo
sa kanyang mga tagapakinig.

Sa mga paraan ng panghihimok, mayroong tatlong uri:


1. Ang unang uri ay nakadepende sa personal na katangian ng nagsasalita
2. Ang pangalawang uri ay ang paglalagay sa mga tagapakinig sa isang tiyak na pag-
unawa
3. Ang pangatlo ay ang mga pruweba, ang mga hayag na pruweba, na makikita sa
pagsasalita (pagsusulat) mismo.

1. Ethos
- Ang ethos ay apila (appeal*) sa diwa ng nagsasalita/ nagsusulat.
- Sa panghihimok, kinakailangang mabuo ng nagsasalita/nagsusulat ang kanyang
otoridad at kredibilidad sa kanyang mga sinasabi.
*kaakit-akit na katangian

Para kay Aristotle:


- Ang ethos ay ang pagiging maalam sa sinasabi at sa character.

Para kay Cicero (at Aristotle):


- Sa introduksyon, nararapat lamang na mabuo muna ng tagapagsalita o manunulat
ang kanyang kredibilidad.

Para kay Isocrates:


- Ang Ethos ay nandyan na sa isang tao bago pa may lumabas sa kanyang bibig.

2. Pathos
- Ang Pathos ay apila (appeal*) sa emosyon ng nagsasalita/ nagsusulat sa kanyang
mga tagapkinig.
- May tunggalian palagi sa isang tao. Ito ang kanyang emosyon at rasyonalidad.
EMOSYON - matinding damdamin
RASYONAL - ayon sa katwiran

3. Logos
- Ang logos ay ang apila sa katwiran*
*Katwiran- pag-iisip na may lohika; paggamit ng isip
Para kay Aristotle:
- Ito ang superior na kaakit-akit na panghihimok.
- Na ang lahat ng argumento ay nararapat lamang na manalo o matalo sa
pamamagitan lamang ng katwiran.
- Kaya lamang, hindi lahat ng tagapakinig ay may kakayahang umunawa o sumabay
sa mga argumntong ayon sa prinsipyong lohikal at sayantipik. Kaya’t nararapat pa
rin ang Ethos at Pathos.

HELLO BEA
Nagustuhan ko ang paksang gampanin ng retorika. Mahalaga at makakatulong ito sa akin
bilang isang mag-aaral sapagkat nakikita rito na ang retorika ay nananaig sa atin sa araw-araw.
Sa pagkakaroon ng diskusyon sa kapwa mag-aaral ay napapaihayag natin ang ating saloobin.
Ngunit dahil sa pakikipagdiskusyon maaring madistrak tayo sa ating ginagawa dahil iniisip natin
at iniintindi ang sinasabi ng bawat isa. Pero mayroon naman tayong natututunan sa ating mga
pakikipagtalastasan sa ating mga kakaklase. Sa mga nalaman nating mga impormasyon mas
nagkakaroon tayo ng pagkakataon na matiyak ang mga paksa na ito kaya’t naman nabibigyan
natin ng kapangyarihan ang retorika sa ating mga isip. Ngunit dahil rito, dapat tayo ay mas
maging maalam para hindi ito nagagamit sa maling paraan.

Kanon ng Retorika

Kanon
- Masaklaw ng batas, tuntunin, o batayan

5 Kanon ng Retorika
- Ang limang Kanon ng Retorika ay naglalaman ng sistema at gabay sa pagbubuo ng
masining at epektibong talumpati at/o pagsusulat
- Ito ay isinasaayos at inorganisa ni Cicero sa kanyang treatise na, De Inventione noong
50 BC
- Noong 95 AD, ang Romanong rhetorician na si Quintilian naman ay ginalugad pa ang 5
Kanon sa kanyang Institutio Oratoria. Ito ang ginagamit sa mga pag-aaral ng Retorika
hanggang Panahong Medieval.

5 Kanon ng Retorika
1. Inventio (Kanon ng Imbensyon)
- Ito ang proseso ng pag-unlad at pagpapakinis ng mga argumento.
2. Dispositio (Kanon ng Pagsasaayos)
- Ito ang proseso ng pagsasaayos at organisasyon ng mga argumento sa pagkakaroon ng
impact.
3. Elocutio (Kanon ng Estilo)
- Ang Proseso ng pagkatukoy kung paano ihaharap ang iyong argumento gamit ang mga
tayutay (figures of speech) at iba pang mga technique sa retorika.
4. Memoria (Alala)
- Ang proseso ng pagkatuto at pagkabisado ng talumpati upang maipahayag ito ng
walang ginagamit na kodigo. Ang prosesong ito ay hindi lamang pagkakabisado ng
aktwal na gagamiting talumpati, kasama rito ang pag-iimpok sa alaala ng mga bantog na
quotation, mga pampanitikang reference, at iba pang mga facts na madaling
mauunawaan ng marami at importante sa mga biglaang pagsasalita na marami ang
makikinig.
5. Actio (Kanon ng Deliberi)
- Ang proseso ng paghahatid ng sasabihin, ang akto ng pagbigkas, kumpas ng kamay, at
tono ng boses.

Kanon ng imbensyon
- Kasama rito ang “pagdiskubre sa tinataglay na paraan ng paghihimok”.
- Sa yugto ng Imbensyon, ito ay pag-brainstorm kung ano ang sasabihin at paano
magbubuo ng epektibong argumento
Sa yugto ng Imbensyon, Importante ang:
1. Kilalanin muna kaagad ang mga tagapakinig.
2. Sa pagkilala sa mga tagapakinig, kailangan kasabay nito ang mga ebidensya sa
binubuong argumennto.
3. Sa ebidensya, kailangan kasabay na nito kung saan magpopokus sa 3 Paraan ng
Paghihimok.
4. Konteksto o ang tinatawag na timing

Kanon ng Pagsasaayos
- Sa klasikal na mga rhetoricians, hinahati nito ang pagsasaayos ng isang talumpati sa
anim (6) na magkakaibang bahagi. Ito ay:
○ Introduksyon (exordium)
- Dalawang aspekto ng epektibong introduksyon
1. Pagpapakilala ng paksa
2. Pagbubuo ng Kredibilidad
○ Pahayag ng katotohanan (narratio)
- Ito ay mga impormasyon na ang layunin ay makapagbigay ng tamang impormasyon sa
mga tagapakinig upang mas madaling maunawaan ang konteksto ng iyong argumento.
- Mas epektibo ito kung gagawa ng maiiksing kuwento, o naratibo
○ Dibisyon (partitio)
- Para kay Quintilian, mahalaga ito sa transisyon patungong argumento. Ang buod ng
argumentong sasabihin.
- Nagsisilbi itong mapa ng mga tagapakinig para sa mga aasahan nilang sasabihin.
Halimbawa, “May limang punto lang akong sasabihin ngayong araw”
○ Patunay (confirmatio)
- Ito ang katawan o main body ng talumpati o ng sanaysay
- Binubuo rito ang mga lohikal na argumento na mauunawaan at masusundan ng mga
tagapakinig.
○ Pagbulaanan (refutatio)
- Pagpapakita ng ilang kahinaan ng argumentong inihain.
- Dalawang dahilan ng pagbubulaanan
1. Paghahanda sa mga kontra-argumentong maaaring itanong sa iyo
2. Epektibo ito sa pagbubuo ng Ethos sapagkat walang may gusto sa know-it-all na
nagsasalita. Dagdag pa, sa pagpapakita na may kahinaan ang argumento, mas
nakakakuha ito ng simpatya at tiwala sa mga tagapakinig.
○ Kongklusyon (peroratio)
- Pagbubuod ng mga argumento, hangga’t posible, dapat ay may kumakapit sa alala.
- Para kay Quintilian, dito kinakailangan ng epektibong pathos-appeal sa emosyon- ng
tagapakinig upang maging higit na madaling tandaan.

Kanon ng Estilo
- Importante ang mga paraan sa pagsasalita. Ngunit, importante rin kung paano ito
sasabihin.
- Mahalaga ito upang makuha ang atensyon ng mga tagapakinig.
5 Birtud (Virtue) ng Estilo
1. Katumpakan
- pagsasalita ayon sa normal na gramatika ng mga tagapakinig
2. Kalinawan
- Ang malinaw na pagsasalita ay upang madaling maunawaan ng tagapakinig
3. Ebidensya
- Tumutukoy ito gamit ang narration
4. Kaangkupan
- Ang pagpili ng mga tamang salita para sa paksa at tagapakinig at pangyayari.
- Halimbawa, “etneb,etneb lang”, ni Mayor Isko noong clearing operations sa Maynila
5. Palamuti
- upang maging interesante sa mga tagapakinig na pakinggan ang nagsasalita. Kasama
ditoo ang tunog at mga tayutay.

Kanon ng Alala
- Hindi lang ito tumutukoy sa pagkabisado ng sasabihin, kundi sa mga pag-iimbak ng mga
facts, statements, mga rhetorical techniques na maaring maidagdag sa pagsasalita.

Kanon ng Deliberi
- Ang proseso ng paghahatid ng talumpati, ang akto ng pagbikas, ng kumpas ng kamay,
at tono ng boses.
Ilang paraan sa pagpapahusay ng deliberi
1. Sanayin ang sarili sa gamit ng pause
2. Bantayan ang body language.
3. Pag-iba-ibahin ang tono ng boses
4. Hayaang maging natural ang mga kumpas ng kamay
5. Itugma ang bilis ng pagsasalita sa emosyon ng mga sinasabi
6. Tingnan ang mga tagapakinig sa mata.

Nagustuhan ko sa Kanon ng Retorika ang paksang Kanon ng Deliberi. Mahalaga ito sa akin
bilang mag-aaral ng Consular and Diplomatic Affairs sapagkat makakatulong ito sa akin upang
mas maayos kong maipahayag ang aking talumpati. Tuwing nagdedeliber ako ng talumpati
kadalasan ay akoy’y kinakabahan dahil hindi ako tiyak na tama ang aking mga ginagawa (sa
pagsalita, kumpas at maging ang aking pustura). Kaya naman ang paksang ito ay
makakatulong sa akin para hindi ako gaano kabahan at magkamali sa paghahatid ng aking
talumpati dahil alam ko ang maayos at matiwasay na pagsasalita tuwing may talumpati akong
ibibigkas.

Mga lohikal na fallacy


- para sa sibil at epektibong pakikipagdebate o pakikipag-usap, ang mga mamamayan ay
hindi lamang dapat pag-aralan kung paano ang tamang proseso ng pakikipag-
argumento, nararapat ding pag-aralan ng bawat isa kung paanong hindi dapat makipag-
argumento sa ilan. Nararapat na pag-aralan kung paano iwasan ang mga patibong ng
mga mali-maling pakikipag-argumento. Ito ay ang pagkilala sa mga fallacy.

Fallacy
- pagkakamali na nagpapahina sa argumento.

Lohikal na Fallacy
- Nagiging importante sa kasalukuyan ang pag-aaral nito:
1. Hindi na lang pormal ang debate sa kasalukuyan.
2. Nangyayari ito lalo na sa mga social media, kung saan marami ang
nakakabasa/nakikinig
3. Maging sa mga advertisement.
2 Uri ng Lohikal na Fallacy
1. Pormal
- ang Pormal na fallacy sa silohismo (syllogism) ay nangyayari kapag ang estuktura ng
argumento mismo ay may mali.
- Ang Premise* at konklusyon ng argumento ay maaaring tama, ngunit ang argumento ay
nananatili pa ring fallacious dahil ang konklusyon ay hindi nakaayon sa premise.
*premise- sa lohika, proposisyon na sumusuhay o tumutuong sa konklusyon; Basehan ng
sinasabi o hinihinuha sa paglilitis.

Silohiso (syllogism)
- isang uri ng argumento na nakabatay ang konklusyon sa dalawang panukalang*
pahayag, nilalaman ng pangunahing panukala ang panaguri** ng konklusyon
samantalang nilalamman ng ikalawang panukala ang simuno ng konklusyon.
*panukala- proposal
**panaguri- bahagi ng pangungusap na binubuo ng mga salita na nagpapahayag
hinggil sa simuno ng isang pangungusap; Predicate ito sa Ingles
Halimbawa:
- Ang lahat ng tao ay mortal. Si Kiba ay mortal. Samakatuwid, si Kiba ay tao.
- Sapagkat maaring ang tinutukoy na si kiba ay hindi tao, kundi isang pusa
2. Impormal
- Ang Impormal na Fallacy ay mga argumento na fallacious sa mga kadahilang mali ang
estruktura ng argumento
- Sa kasaukuyan, ito ang madalas nating makikita lalo na sa mga debate o pagtatalo sa
comment section sa Internet.
Halimbawa:
1. Red herring
- ang pagtatangkang baguhin ang paksa ng argumento upang malihis ang atensyon sa
orgial na pinag-uusapan
Halimbawa, sa isyu ng Extra-Judicial Killings:
- “ E, pano yung mga na-rape ng adik, wala ka bang malasakit sa kanila?”
2. Ad Hominem
- Ito ay pag-atake sa isang tao kaysa sa pag-atake sa kanyang argumento. Ang layunin
niyo ay i-discredit sa taong nagtataguyod ng argumento.
Halimbawa:
- Person A: Nararapat lamang na pag-aralan ng mga estudyante ang retorika!
- Person B: Pangit ka kasi!! Adik!!
3. Argumentum ad populum
- Ang pagtatapos sa argumento bilang tama at totoo sapagkat maraming tao ang nag-isip
na ito ay totoo.
Halimbawa:
- Marami akong likes at shares! Paano mo masasabing mali ako?
4. Apila sa Otoridad
- Ang patingin sa argumento na tama sapagkat ang taong may otoridad ang naggigiit na
ito ay tama at totoo.
5. Apila sa Emosyon
- Ito ay ang pag-apila sa emosyon kaysa sa katwiran. Ginagamit ng nagsasalita ang
emosyon kagaya ng takot, awa, at papuri upang mahimok o makumbinsi ang mga
tagapakinig na ang sinasabi niya at tama
Halimbawa:
- Kawawa naman siya, pagod na pagod na siya.
6. Apila sa Motibo
- Inayaawan ang isang konklusyon sa pamamagitan ng pakuwestiyon sa motibo ng isang
tao o grupo na napapanukala ng isang bagay.
7. Apila sa Tradisyon
- Tinitingnan ang isang argumento bilang totoo at tama sapagkita ito ay matagal nang
tinitingnan bilang totoo at tama.
8. Strawman
- Ang Argumentong nakabatay sa misrepresentasyon ng posisyon ng ka-debate upang
mas madali sa kanyang kalaban na atakihin ito. Sa pamamagitan ito ng
misrepresentasyon, pag-fabricate o exaggeration ng argumento ng iba.
Halimbawa:
- Person A: Dapat patas ang batas sa lahat.
- Person B: Gusto mo kasi lahat ng mga kriminal at adik e malaya
9. Slippery Slope
- Ito ay nangyayari kapag ang isang tao ay ginigiit na ang isang maliit na hakbang ay
pagtutuloy sa mga malalaking pangyayari na magreresulta ng mga marahas na
pagbabago.
10. Cherry Picking
- Isang uri ito ng fallacy na ang isang tao ay ginagamit lamang ang mga data na
makapagpapatunay sa isang posisyon, habang ang karamihan sa mga pinagkunan ng
ebidensya at data ay hindi na binibigyan ng pansin.

Ang paggamit ng mga impormal na fallacy upang makapaghimok


Mali bang gamitin ang mga fallacy?
- oo pero maari ring hindi.
Sapagkat:
- Sa kabuuan, ang Retorika ay tungkol sa epektibong panghihimok, at hindi tungkol sa
pagbubuo ng mga perpekto at lohikal na mga argumento
- Sa madaling salita, Sa retorika, wala namang tama o mali. Basta ang importante, kung
epektibo ba itong nakakapanghimok o hindi.
- Dito papasok ang kahalagahan ng lalong higit na pag-aaral ng Retorika- spagkat
tutulungan tayo maging kritikal sa mga bagay-bagay na ating
nababasa/napapanood/napakikinggan.

Kaugnayan ng Gramatika sa Retorika

Ano nga ba ang kaugnayan ng gramatika sa retorika?


I. Kaayusan ng salita sa pagbuo ng iba’t ibang pangungusap at organisasyon ng
mga ideya
- Ayon kay Cruz at Bisa (1998), bagaman ang retorika ay nakapokus sa mabisa at
magandang pagpapahayag, hindi rin ito inihihiwalay sa mga batayang kaalamang
pambalarila o pangwika. Dito nakasalalay ang wastong paggamit ng pananalita o
pagpapakinis ng mga pahayag upang maging kaakit-akit ang mga ito sa mga
mambabasa o tagapakinig.
- Sa aklat ni bernales, et al (2002). Binibigyang-kahulugan ang balarila nang ganito:
Balarila o gramatika ang tawag sa agham na tumatalakay sa mga salita at sa kanilang
pagkaugnay-ugnay. Mahalagang alam ng tagapagsalita o manunulat ang mga tuntuning
nakapaloob dito.
- Sa madaling salita, hindi maaaring paghiwalayin ang gramatika at retorika sapagkat ang
gramatika ang may tungkulin sa wastong paggamit ng salita at sa kaibahan ng tama sa
maling pangungusap upang maging wasto at malinaw ang pahayag, samantalang ang
retorika naman ang may tungkulin sa pagpapaganda ng pahayag upang maging
masining at kaakit-akit ang pagsasalita at pagsusulat.

II. Pagpili ng mabisang pananalita sa pagbuo ng kahulugang nilalayon


- Ayon kay na Bernales et all (2002), ang pagiging malinaw sa pagpapahayag ay
nakasalalay sa mga salitang pipiliin at gagamitin upang maging angkop ito sa kaisapan
at sitwasyong ipapahayag.
- Ayon kay na Cruz at Bisa (1998), higit na mabisa at masining ang pagpapahayag kung
isasaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Higit na natural na estruktura
2. Wastong gamit ng mga salita
3. Paraan ng paghahanay ng mga salita sa isang pahayag

III. Aplikasayon ng rhetorical devices o transisyonal na pananalita


- Ilan sa mga aplikasyon ng rhetorical devices na ginagamit ay ang mmga sumusunod:
1. Dyornal (Journal)
2. Talaarawan (Diary)

Tayutay
- ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang kahulugan ng mga salita upang
gumana ang guni-guni at gawing lalong mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Ayon kay Bisa:
1. Kasangkapan sa paglikha ng tunog o musika
2. Kasangkapan sa pagpapasidhi ng guniguni at damdamin.

Kasangkapan sa paglikha ng tunog o musika

Aliterasyon o Pag-uulit
- Ang pagpapahayag na ito ay nagpapaganda sa pagpapahayag na pasalita
- Isang uri ng tayutay na gumagamit ng pag-uulit ng unang ponema, titik o tunog upang
magbigay ng kakaibang punto o istilo. (Paggamit ng mga salitang magkasintunog ang
mga unang pantig).
Halimbawa:
- Bumabalik at bumabagabag sa aking budhi ang bulong ng kaliluhang pinasimulan ko.
- Pilit siyang dumilit ngunit parang bakal ang bigay ng talukap ng kanyang mga mata

Asonans
- Pag-uulit ng tunog-patinig
- Isang kahig, isang tuka
- Gabi-gabi, Puno’t dulo
- Hirap at ginhawa
Halimbawa:
- Patuloy ang buhay
- Magaan sa paghakbang ang mga paa patungo sa piniling kapalaran

Konsonans
- Salitang may pag-ulit ng tunog-katinig sa pinal na pusisyon
- Urong-sulong
- Noon at Ngayon
- Kanin at Asin
Halimbawa:
- kanyang namalayan ang pagpatak ng ulan sa bubungan.

Onomatopeya o Paghihimig
- Pamamagitan ng tunog o himig ng salita
- Dagundong ng kulog
- Sagitsit na pagprito sa kawali
Halimbawa:
- Dumadagundong at humahaginit ang malakas na ihip ng hanging sumisipol at
humihigop sa lahat ng maraanan nito.

Onomatopeya o Paghahambing
Halimbawa:
- Nangingiyaw ang pusa sa nginig sa lamig
- Nakailang kariring din ang kabilang kawad bago ito sagutin

Ang pag-uulit ng buong salita ayon kay Alejandro

Anapora
- Pag-uulit ng isang salita o grupo ng mga salita sa unang bahagi ng pahayag upang
bigyang-diin ang isang imahe o konsepto
Halimbawa:
- Para sa akin, ito ang papunta sa lungsod ng kalungkutan. Para sa akin, ito ay ang sakit
na walang hanggan. Para sa akin, ito ay kabilang sa mga nawala.

Epipora
- Ang huling bahagi ng pahayag taludtod ay inuulit.
Halimbawa:
- Ang konstitusuon ay para sa mamamayan, gawa ng mamamayan at mula sa
mamamayan.

Anadiplosis o Paugnay
- Ito’y inuulit ng huling salita o alin mang mahalagang salita sa taludtud upang gawing
unang salita sa susunod na taludtud na may dagdag na kaisipan.
Halimbawa:
- Tumiim na sinta’y kung aking pawiin. Pawiin ko’y tantong kamatayan ko rin

Kasangkapan sa pagpapasidhi ng guniguni at damdamin

Pagtutulad o Simili
- Paghahambing ng dalawang, bagay, tao, pangyayari o kaisipan
- Katulad ng, tulad ng, parang, para ng, kapara ng, animo’y, anaki’y, kawangis ng, kagaya
ng, gaya ng, atbp
Halimbawa:
- Mistula siyang plakang sira kung nagsasalita
- Parang repike ng kampana ang bibig ni Milagring
- Tulad niya’y isang bulaklak na humahalimuyak
- Tila talang nagniningning si Aram sa gabing malalim

Pagwawangis o Metapora
- Ang layunin ay maghambing ngunit hindi na ginagamitan ng mga salitang parang, tulad,
atbp.
- Ang paraan ng paghahambing ay tiyakan.
Halimbawa:
- Ang irog ni Kim ay tigre sa bagsik
- Tinik sa lalamunan ko ang katahimikan mo.
- Siya’y isang mangingisda sa dagat ng buhay.
- Ang uhay ay gulong na patuloy na umiikot.

Pagbibigay-katauhan o personifikasyon
- Pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa mga karaniwang bagay (walang
buhay)
- Naipapahayag ito gamit ang pandiwa
- Naisasakatuparan ang mga ito sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng
kilos tulad ng pandiwa at pangalang pandiwa.
Halimbawa:
*Pandiwa
1. Kaytuling tumakbo ng panahon
2. Kung gabi ako’y dinadalaw ng kalungkutan
3. Tumatakbo ang oras at naiiwan na tayo.
*Pangngalan
1. Ang pusod ng dagat ay sinisid ng mga kapatid na badjao upang mabuhay
2. Sigaw ng budhi ang hindi nagpapatahimik sa kanya

Pagmamalabis o Hyperbole
- Paglalarawan ng isang kalagayan
- Maaaring pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan, katayuan, pangyayari,
kaisipan, o damdamin
Halimbawa:
1. Dugo ang iluluha mo kapag siya ang iluluklok na lider.
2. Nadurog ang kanyang puso sa tindi ng dalamhati
3. Muntik na akong matupok sa taas ng lagnat ko.
4. Namuti ang mata ng mga maralitang taga-lungsod at karatid probinsya na mabigyan ng
ayuda.
5. Abot langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan.
6. Bumaha ng luha sa mga baryo sa Mindanao na naging biktima ng miitarisasyon.

Pagpapalit-tawag o Metonymy
- “Meto” - Pagpapalit o paghahalili
- Paggamit ng isang salita na panumbas ng kahulugan ng hindi tinutukoy na salita, pero
ang pinapalitan ay may kaugnayan sa pinalitan.
Halimbawa:
1. Hindi na natin siya kayang pag-aralin sapagkat hindi na kaya ng ating bulsa. (Salapi)
2. Ginamit ni Rizal na panulat sa kanyang paghingi ng mga reporma. (Mapayapang
paraan)

Pagpapalit-saklaw o Sinekdoki
- Nagpapalit din ito ng tawas sa bagay o taong tinutukoy
- Pagbabanggit sa bahagi biang pagtukoy sa kabuuan o kaya’y kumakatawan sa isang
pangkat ang nag-iisang tao
Halimbawa:
*Bahagi sa halip ng kabuuan
1. Maraming balikat ang nagpasan para maitayo ang gusaling iyan
2. Sinasabing higit na maiinam ang tatlo o higit pang ulo kaysa sa isa
*Nag-iisang tao na kumakatawan sa isang pangkat ng mga tao
1. Bisig ng bansa ang mga manggawa.

Paglumanay o Eupenismo
- Salitang nagpapaganda ng pangit na pahayag o nagpapalumanay sa bawal o marahas
na kahulugan (Katimpian)
- Hinalay, hindi ni-rape
- Nagdadalang-tao, hindi buntis.
Halimbawa:
1. Ang bunso niyang anak ay sumakabilang-buhay na.
2. Pinagsamatalahan ang anak nina Joseph at Lucy.

Retorikal na tanong
- Gumagamit ng tanong upang gawing mabisa at makapangyarihan ang isang
karaniwang na pahayag ngunit hindi nangngailangan ng kasagutan.
- Naglalayon lamang ng bigyang-diin ang kasagutan.
Halimbawa:
1. Ang tao bang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay inaasahan mong
magtagumpay?
2. May pangulo bang bababa sa kanyang kinalalagyan.

Pagtatambis o Oksimoron
- Paggamit ng dalawang magkasalungat na salita o pahayag upang pangibabawin ang
isang tanging katangian.
Halimbawa:
1. Siya’y isang mabuting kaaway.
2. Ang buhay niya’y puno ng pait at tamis
3. Sa hirap at ginhawa lagi tayong magsasama
4. Paroo’t parito, papanhik-panaog, lalakad-hihinto,tatayo-uupo
5. Ang bayan ko ay lakas sa hina ang humigit-kumulang na laya.
6. O,ang babae kapag minamahal, May kursunada’y aayaw ayaw, Kapag panay ang dalaw
ay nayayamot, Humag mong dalawin, dadabog- babog

Pag-uyam (Parikala) o Ironiya


- Tinatawag ding Sarcasm
- Paghihiwatig ng paglibak o pangkutya
- Mauunawaan ang tunay na kahulugan nito ayon sa paraan ng pagsasalita ng taong
nangungusap.
Hallimbawa:
- Ang galing niyang sumayaw! Panay ang tapak sa mga paa ng kapareha
- Bilib ako sa tibay ng sikmura mo. Ang hindi ko masikura nalunok mo.

Paralelismo
- Paggamit ng inihahanay na kaisipan sa magkahawig ng istruktura
Halimbawa:
1. Kailangan nating ang bahay na tirahan, ang damit na kasuotan, at ang pagkaing
panlaman sa tiyan.

Pagsalungat o epigram
- Tinatawag ding Exymoron
- Natatangi sa kaiklian at katalinghagaan. Magkasalungat sa kahulugan ang mga
salitang pinag-uugnay nito.
Halimbawa:
1. Madalas mangyaring ang kagandaha’y nasa kapangitan
2. Ikaw ang puno at dulo ng aking kahirapan sa buhay.

Pagtatawag o Apostrophe
- Ang karaniwang bgay ay kinakausap na parang tao o kinakausap ang isang tao na
parang naroon at kaharap gayong wala naman doon
Halimbawa:
1. Tukso, layuan mo ako
2. Mga bituing kumukuti-kutitap, matupag sana ang aking mga pangarap!

Pagtatanggi o Litotes
- Gumagamit ng salitang “hindi” upang magbigay ng kahulugang di-pagsang-ayon,
pagsalungat sa sinasabi ng salitang sumusunod.
Halimbawa:
1. Hindi ako bulag para makita ang katotohanan
2. Hindi sa ayaw kong sumama sa iyo ngunit mag mga gawain akong dapat na tapusin

*Paghahalintulad o Analohiya
- Tuwirang paghahambing sa mga kaugnayan or relasyon
Halimbawa:
1. Para silang langis at tubig na hindi puwedeng pagsamahin.
2. Aso’t pusa ang relasyon ng magkasintahang iyan.

Idyomatikong Pahayag o Sawikain


- Ito ay isang uri ng matalinhagang pahayag na hindi tuwirang nagbibigay ng kahulugan.
- Hindi lantaran o hindi mo kaagad makikita ang kahulugan hanggat’t hindi mo
nauunawaan ang nais ipakahulugan nito.
Halimbawa:

Bahag ang buntot Duwag

Alog na ang baba Matanda na

Kapilas ng buhay Asawa

Agaw-buhay Naghihingalo

Basag ang pula loko-loko

Buwayang lubog taksil sa kapwa

Butas ang bulsa Walang pera


Makapal ang bulsa Maraming pera

Pantay na ang mga paa Patay na

Maitim ang budhi masamang tao

Halang ang bituka Salbahe, desperado, hindi natatakot pumatay

Balat-kalabaw Di agad tinatablan ng hiya

Kasabihan
- Ito ay mga paalala at minsan ay panunukso sa kaasalan ng tao. Payak lang ang
kahulugan ng mga ganitong pahayag. Makikita kaagad sa mga salitang ginagamit ang
nais ipabatid.
Halimbawa:
- Pili nang pili, nauwi sa bungi
- Kung ano ang bukambibig, siyang laman ng dibdib.
- Sa taong nakauunawa, sapat na ang isang salita

Saliwikain
- Naisusulat ito sa paraang patula na puno ng aral sa buhay. Malalalim ang
pagpapakahulugan sa ganitong mga pahayag.
Halimbawa:
- Sa paghahangad ng kagitna, Isang salop ang nawala
*(Kahulugan) Sa pagnanais mong makakuha ng marami, hindi mo namalayan na mas malaki
ang mawawala sa iyo.
- Kung hindi ukol, hindi bubukol
*(Kahulugan) Kung hindi nakalaan sa iyo, hindi ito mapapasiyo
- Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili
*(Kahulugan) Ang taong mahilig makinig sa sinasabi ng iba, wala siyang tiwala sa sarili
- Kapag maaga ang lusong, ay maaga ang ahon
*(kahulugan) Kung maaga mong sinimulan ang isang bagay, maaga mo rin itong matatapos
- Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga
*(kahulugan) Ang hindi marunong magtipid, bukas ay wala ng magagamit.

Batayang Uri ng Diskors: Masining na Pagpapahayag/Masipag

Komunikasyon
- Maaring Pasalita o Pasulat
Batayang uri ng Diskors

Deskriptib
- Paglalarawan ang layunin ay bumuo ng isang hugis o anyo
- Karaniwan/Ohektibo
- Masining/Suhektibo
Hakbang sa Paglalarawan
- Pagpili ng paksa
- Pagbuo ng pangunahing larawan
- Pagpili ng sariling pananaw
- Pagkakaroon ng kaisahan
- Pagpapasya sa aspektong isasama sa larawan

Naratib
- pagpapahayag na nag-uugnay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

SARILING KARANASAN
- likhang isip
- Napakinggan
- Nakita/nabasa

Pagsasalaysay
KATANGIAN
- Maikisi ang pamagat
- Makabuluhan ang paksa
- Nakagaganyak ang simula
- Maayos ang pagkakasunod-sunod
- Magandang wakas

Ekspositori
- Pagpili ng paksa
- Pagbuo ng pangunahing larawan
- Pagpili ng sariling pananaw
- Pagkakaroon ng kaisahan
- Pagpapasya sa aspektong isasama sa larawan

Exspositori
- pagpapaliwanag na obhektibo/walang pagkampi at may sapat na detalye ukol sa
paksang tinatalakay
BAHAGI
- simula
- Katawan
- Wakas

Mga pamamaraan
- pagbibigay depinisyon pag-iisa-isa, pagkakasunod-sunod, paghahambing at kontras
- Sanhi at bunga
- Problema at solusyon

Mga Uri
- Pagbibigay panuto
- Pagtatala
- Balita
- Pitak
- Pagsusuring basa
- Sanaysay

ARGUMENTATIBO
- pagpapahayag ng paninindigan o opinyon
- Simula
- Gitna
- Wakas

Debate
- Masinig na paraan ng pagbibigay ng gantihan pangangatuwiran
- Pormal
- Impormal
Lagom
Diskors
- Deskriptib
- Narativ
- Exspositori
- Argumentativ

Panunuring Pampanitikan

Panitikan
- Mga akda* na katangi-tangi sa masining at malikhaing pagtatanghal ng mga idea at
damdaming unibersal at pangmahabang panahon, gaya ng tula, katha, dula at
sanaysay.
- Ang kabuuang awas** ng mga tiyak na wika, panahon, at iba pa.
*anumang nililikha ng isang manunulat
**kolektibong kaisahan o identidad ng mga bagay

Mga batayang uri ng panitikan


1. Tuluyan o prosa
a. Maikling kwento
b. Nobela
2. Tula
3. Dula

Dahilan at kahalagahan ng pagbabasa ng panitikan


Dalawang dahilan sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan:
1. Kasiyahan
- Ito ang pinakaimportanteng pagsubok sa isang kuwento, tula o dula:
- “Nagbibigay ba ito ng kasiyahan?”
- Kung hindi, aayawan na natin ito. Ngunit kailangan nating itanong:
- “Kasiyahan kanino?”
- Sa kabuuan, ang pinakamahusay at pinakamagandang akdang pampanitikan sa
kasaysayan ng buong mundo ay hindi makapagbibigay ng kasiyahan sa isang
taong hindi nakababasa (maliban na lamang kung may magbabasa para sa
kanya)
- Maaari ring ang isang dinadakila at tinitingalang kuwento ay hindi makakapagbigay ng
kaligayan sa isang tao. Maaaring maburyong tayo, antukin at tamarin at ibaba na
lamang ang binabasa. Bakit?
- Maaaring kuang ang ating kasanayan (skills) sa pagbabasa ng isang akda (dahil
masyadong teknikal ang estilo, luma o kakaiba ang wika, o tayo ay hindi pamilyar
sa paksa)
- Maaaring dahil kulang pa tayo sa mga nararanasan upang maka-relate sa isang
akda. (Ang maka-relate sa isang kuwento ang dahilan ng pagbabasa, kung hindi
tayo maka-relate, anumang kuwento ay walang kahulugan sa atin)
- Maaaring hindi pa gaanong umuunlad ang ating imahinasyon, simpatya,
compassion (dahil hindi pa tayo gaanong ganap na tao?)
- Makikita natin ngayon na ang isang akda’y maaari nating mahusgahan (maganda man
ito o pangit para sa atin) ngunit makikita rin natin na maaari rin tayong husgahan ng
isang akdang pampanitikan kung sino at ano tayo bilang tao.
2. Kabatiran
- Sa pagbabasa rin, naitinatanong natin sa ating mga sarili:
- “Anong kabatiran ang nagkaroon ako? May natutunan ba akong bago tungkol sa
mundong ito, tungkol sa mga kapwa ko, o tungkol sa aking sarili?”
- Ang mga kuwento, lalo ang mga fiction, ay maaaring mga akdang hindi totoo
ngunit nakapagsasabi ng mga katotohanan - hindi factual na katotohanan kundi
mga katotohanan sa ating buhay, sa senses, sa ating mga emosyon, sa ating
imahinasyon at sa ating isipan. Ang mga akdang nakapagbibigay nito ay ang
tinitingnan bilang mahahalagang panitikan
- Sa gayon, ang panitikan ay pinagmulan ng kasiyahan ay paraan upang
mapalawak natin ang ating pag-unawa sa mga bagay sa daigdig. Sa madaling
sallita, hindi lang nagdudulot ng kasiyahan ang pagbabasa panitikan, tinuturo rin
ng panitkan kung paano maging mahusay, tunay at ganap na tao.

Panunuring Pampanitikan
- Ito ay pagpapaliwanag ng mga akdang pampanitikan gamit ang kritikal na teorya tungkol
sa produksyon nito, layunin nito (malay man o hindi malay sa layunin), kahulugan,
disenyo’t Estilo at ang estetikong kagandahan at ideolohiya nito.

Kritikal na Teorya
- Ang kritikal na teorya ay makatutulong sa ating matutuhang tingnan ang ating mga
pananaw at makapagpalawak sa ating pag-unawa sa daigdig sa iba’t ibang uri ng
paraan - mga paraang makaiipluwensiya kung paano natin unawain at turuan ang
kapwa, kung paano natin unawain ang telebisyon, mula balita hanggang mga komedya,
musika at iba pang sining na produkysong tao; kung ano tayo bilang mga mamimili o
botante man; kung paano tayo magre-react sa mga pulitikal, pangrelihiyon, at
panlipununang isyu.

Dalawang batayang konsepto ng kritikal na teorya


1. Pagbabasa batay sa agos
- Sa paraang ito ng pagbabasa, binabasa at inuunawa natin ang isang akda sa mga literal
at mga hayag na kahulugan ng isang akda. Binabasa natin ito batay sa kung paano
gusto ng awtor basahin ang kanyang sinulat
2. Pagbabasa kontra sa agos
- Sa paraang ito ng pagbabasa, sinusuri nito ang mga elemento sa akda kung saan hindi
malay (unaware) ang akda

Halimbawa:
CINDERELLA
1. Pagbabasa Batay sa Agos:
- Romantikong pag-iibigan at anumang pangarap at maaaring matupad
2. Pagbabasa Kontra sa Agos:
- Maaari nating makita ang misogyny na umiiral sa lipunang ginagalawan ni Cinderella
A. Isang lalaki na ang tinitingnan sa mga kababaihan ay pisikal na anyp. Pinapakita
rin sa kuwento ang pisikal na anyo ng kababaihan bilang isang commodity
(kalakal) na maaaring gamitin upang makamit ang panlipunang mobilidad,
kayamanan
B. Maaari rin nating makita na ang tauhan ay api at inaabuso at ang paraan lamang
niya sa paglaya sa abusong domestiko ay sa pamamagitan ng lalaki

BEAUTY AND THE BEAST


1. Pagbabasa batay sa agos
- Maaaring tingnan na ang kagandahan ay nakabatay sa kagandahang loob na taglay ng
tao
2. Pagbabasa kontra sa agos
- Maaari ring tingnan na hindi pantay ang mga tao sa lipunan, na kahit ikaw ay “beast”,
basta’t mayaman ay maaaring makuha ang lahat.

Panunuring Pampanitikan
Tatlong batayang paraan ng pagbasang kritikal
1. Formalismo (Formalism)
- Ang pag-aaral ng mga sangkap (elements) na bumubuo sa isang naratibo
I. Tagpuan
A. Panahon, kapaligiran, atmosphere, lugar at oras ng kuwento
II. Tauhan
A. Katangian ng tauhan
B. Tatlong Dimensional character
1. Biolohikal (Biological)
- ano ang gender
2. Sosyolohikal (Sociological)
- social class
3. Sikolohikal (Psychological)
-
III. Tunggalian (Conflict)
A. Problema ng tauhan sa kwento
1. Tao laban sa kanyang sarili
2. Tao laban sa kapaligiran (lipunan o kalikasan)
3. Tao laban sa kapwa tao
IV. Banghay (Plot)
A. Paraan ng pagkukuwento
V. Resolusyon
A. Tungkol sa paraan ng pagwawakas ng naratibo
Beginning - rising action - middle - falling action - end

2. Sosyo-Istorikal (Socio-Historical)
- Ang pag-aaral ng lipunan (society) at kasaysayan sa loob at labas ng naratibo
- McJolly -
- panahon/lugar - kailan na produced?
- Florante at Laura
- Panahon/lugar - spanish era kaya iba yung pananalita

Palatandaan
- batayang pagkakakilanlan ng anuman

Panahon (sa Pilipinas)


1. Pre-kolonyal
2. Pananakop ng kastila
3. Pananakop ng Amerikano
4. Komonwelt
5. Panankop ng Hapon
6. Republika
7. Batas Militar
8. Pagkatapos ng EDSA

3. Pangkalinangan (Kultural)
- Ang pag-aaral ng mga banggaan sa representasyon ng uri, lahi at etnisidad, kasarian at
sexualidad sa naratibo

Uri
- batay ito sa yaman, sa representasyon ng salat, sapat, sagana. Bakit at paano sila
kumilos batay sa kanilang kayamanan o uri?

Lahi at Etnisidad
- representasyon ng mga ugnayan ng mayamang bansa sa mahirap na bansa,
karaniwang nakabatay sa kulay ng balat ng mga tauhan. Sa etnisidad naman, tungkol ito
sa iba’t ibang etnisidad sa loob ng bansa at kung paano ito ipinapakita sa naratibo

Sexualidad at Kasarian
- ang sexualidad ay tungkol sa sexualisasyon ng isang indibidwal. Paano ba nagiging
sexual na nilalang ang tao? Sa kasarian, pinag-aaralan ang representasyon ng
panlipunang pananaw ukol sa pagkababae at pagkalalaki

Dominanteng Pagpapahalaga
- AB/NORMAL
- Mayorya laban sa Minorya
- Heterosekswal
- Eurocentric
- Manila-centric
- Makalalaki
- Pang-walang kapansanan
- Kristiyanong Pagpapahalaga

You might also like