You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

PANREHIYONG PAGTATAYA SA IKAAPAT NA KUWARTER


FILIPINO 4
S.Y. 2022-2023

PANGALAN: ____________________________ ISKOR: __________

PANUTO: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang


bilang.

Para sa mga bilang 1-2


Suriin ang mapa ng paaralan at sagutin ang mga tanong ukol
dito.
Hilaga
Timog

Kanluran Silangan

Silid ng Kompyuter

Tanggapan
Silid-
Palaruan Kinder ng Kantina
Punongguro
aklatan
Baitang VI
Baitang III

Stage
Hardin ng Baitang IV-VI
Hardin ng Baitang I-III

Baitang V
Baitang II

Baitang IV
Baitang I

Waiting Area Waiting Area


A B

Gate
_____1. Hinihintay mo ang iyong kaibigan sa waiting area A.
Dumating ang isang magulang at tinanong ka kung saan
makikita ang Tanggapan ng Punongguro. Paano mo ito ituturo sa
kaniya?
A. Maglakad po kayo ng pasilangan. Pagkatapos, kumanan
po kayo. Matatanaw na po ninyo mula roon ang hinanap
po ninyo.
B. Mula po rito, lumakad kayo ng pahilaga. Sa dulo,
mararating ninyo ang silid-aralan ng Kinder. Kumanan
po kayo. Kasunod pong silid ay ang Tanggapan na ng
Punongguro.
C. Mula po rito, lumakad po kayo ng deretso hanggang
marating ang silid-aralan ng Baitang III. Kumanan po
kayo tapos kumaliwa saka kumanan uli.
D. Lumakad po kayo nang deretso patungong timog. Kapag
narating po ninyo ang dulo, kumaliwa po kayo.
Pagkatapos maglakad ng pakanan at pakaliwa po uli.

_____2. Ikaw ay nasa Baitang II at napagtanungan ka ni Mang


Berto kung nasaan ang hardin ng Baitang IV. Lilinisan kasi niya
ito bilang paghahanda sa nalalapit na kompetisyon ng mga
hardin. Paano mo ituturo ang kinaroroonan nito?
A. Mula rito, kumanan po kayo. Pagkatapos, kumaliwa.
Dumeretso ng lakad. Makikita na po ninyo ang hardin.
B. Mula po rito, humakbang kayo ng sampu. Kumanan po
kayo. Maglakad nang kaunti na lamang patungong
silangan.
C. Sundan lamang po ninyo ang daan na ito. Dumeretso
lamang po kayo. Pagkatapos, kumaliwa po kayo.
Pagkatapos, kumanan po at maglakad hanggang sa dulo
po. Mula roon matatanaw na po ninyo ang hardin ng
Baitang IV.
D. Mula po rito, maglakad po kayo patungong silangan
hanggang sa marating po ninyo ang silid-aralan ng
Baitang V. Pagkatapos, kumanan po kayo at lagpasan
ang silid-aralan ng Baitang IV. Lumakad ng pakaliwa.
Nasa likod ng Baitang IV ang hardin.
Para sa mga bilang 3-4
Basahin ang patalastas at sagutin ang mga tanong ukol dito.

PATALASTAS: Magkakaroon ng pagpupulong ang mga


mag-aaral mula Ikaapat hanggang Ikaanim na
Baitang. Ito ay gaganapin sa silid-aralan ng Ikaanim
na Baitang, Ika-23 ng Hunyo, 2023, Biyernes, sa
ganap na ika-4 ng hapon. Tatalakayin sa pagpupulong
ang mga gawain sa nalalapit na 25th Founding
Anniversary ng ating paaralan.

_____3. Tungkol saan ang patalastas?


A. sa gagawing Feeding Program ng paaralan
B. sa magaganap na pagpupulong tungkol sa Clean-up Drive
C. sa gagawing pagpupulong tungkol sa 25th Founding
Anniversary ng paaralan
D. pagpupulong tungkol sa pagpapaganda at pagsasaayos
ng school garden ng paaralan

_____4. Sino-sino ang inaasahang dadalo sa pagpupulong?


A. mga magulang
B. mga magulang at mag-aaral
C. ang lahat ng mag-aaral ng paaralan
D. mga mag-aaral mula Ikaapat hanggang Ikaanim na
Baitang

Para sa mga bilang 5-6


Pag-aralan ang dalawang patalastas at sagutin ang mga tanong.

Patalastas 1 Patalastas 2

Magsasagawa ang Ano: District Science Fair


paaralan ng Festival of Talents Sino: Mga mag-aaral mula
sa darating na Huwebes, Ika- Ikatlo hanggang Ikaanim na
29 ng Hunyo, 2023 sa ganap Baitang
na ika-8 ng umaga. Ito ay Kailan: Hunyo 29, 2023
gaganapin sa ating auditorium. Oras: Ika-8 ng umaga
Ang lahat ng mag-aaral ay Saan: Mababang Paaralan ng
inaasahang makiisa sa Ramon Magsaysay
pagdiriwang.
_____5. Tungkol saan ang ikalawang patalastas?
A. Festival of Talents
B. School Science Fair
C. District Science Fair
D. District Festival of Talents

_____6. Saan nagkapareho ang dalawang patalastas?


A. oras ng pagsasagawa
B. petsa ng pagsasagawa
C. lugar na paggaganapan
D. petsa at oras ng pagsasagawa

Para sa mga bilang 7-8


Piliin ang angkop na pangungusap mula sa ibinigay na
sitwasyon.

_____7. Nabalitaan mong parating na ang iyong Tatay mula sa


pagtatrabaho sa ibang bansa.
A. Sa wakas makakasama na natin si Tatay?
B. Sa wakas, makakasama na natin si Tatay.
C. Sa wakas, makakasama na natin si Tatay?
D. Sa wakas, makakasama na natin si Tatay!

_____8. Hindi ka sigurado kung naiwan mo ang iyong pitaka sa


bilihan ng mga laruan.
A. Nakita mo ang pitaka ko?
B. May nakita ka bang pitaka!
C. Nakita mo ba ang pitaka ko.
D. May nakita po ba kayong pitaka?

Para sa mga bilang 9-10


Ibigay ang paksa ng sumusunod na teksto.

_____9. Ang kariton ay isang uri ng sasakyan na hindi


gumagamit ng makina at gasolina. Ito ay karaniwang gawa sa
kahoy. Ito ay nilalagyan ng gulong at umaandar sa pamamagitan
ng paghila ng kalabaw, baka, o kabayo. Kung maliit lamang ang
kariton, ito ay maaaring hilahin ng tao. Ginagamit ang kariton na
panghakot ng kagamitan o ng mga kalakal tulad ng mga gulay at
prutas.
A. Ang kariton na may gulong
B. Ang kariton na hinihila ng tao
C. Ang kariton na isang uri ng sasakyan
D. Ang kariton na panghakot ng kagamitan

_____10. Si Jacky ay bunsong anak nina Mang Nilo at Aling


Kamya. Maituturing siyang isang huwarang anak ng mag-asawa.
Mula sa paggising sa umaga, inaayos na niya ang kaniyang
pinaghigaan. Tumutulong din siya sa paghahanda ng kanilang
mga paninda sa palengke. Maaasahan din siya sa mga gawaing-
bahay tulad ng pagwawalis, pagpupunas, at pagtutupi ng mga
damit. Kapag walang pasok, sinasamahan niya ang mga
magulang sa pagtitinda sa palengke. Sa kabila ng kaniyang
musmos na isip, batid na niya ang kahalagahan ng pagtulong sa
magulang sa kaniyang simpleng mga paraan.
A. Ang mag-asawang Mang Nilo at Aling Kamya
B. Ang matalinong anak nina Mang Nilo at Aling Kamya
C. Ang huwarang anak nina Mang Nilo at Aling Kamya na si
Jackie
D. Ang anak nina Mang Nilo at Aling Kamya na ubod nang
ganda at talino

Para sa mga bilang 11-12


Bigyang-kahulugan ang mga salitang may salungguhit.

_____11. Si Jacky ay isang huwarang anak.


A. kaakit-akit
B. matibay ang loob
C. matulungin at magalang
D. magandang ehemplo o halimbawa sa ibang tao

_____12. Sa kabila ng musmos na isip, batid na niya ang


kahalagahan ng pagtulong sa magulang.
A. isang bata na sobrang talino
B. isang bata na mahilig maglaro
C. isang bata na mura pa ang kaisipan
D. isang bata na matulungin sa magulang
Para sa mga bilang 13-14
Basahin ang naging panayam ng mga mag-aaral kay G. Gomez,
ang punongguro ng Mababang Paaralan ng Conception.

Marvin: Magandang umaga po G. Gomez.


Punongguro: Magandang umaga rin sa inyo mga bata.
Sofia: Kami po ay naririto dahil nais naming malaman
ang sekreto ng inyong paaralan kung bakit
patuloy ang pagtaas ng bilang ng inyong mga
mag-aaral.
Punongguro: Kami nga rin ay nagulat dahil sa loob ng tatlong
taon halos sandaang mag-aaral taon-taon ang
dumaragdag sa aming enrolment. Ang nakikita
kong dahilan ay ang aming pasilidad. Halos
kompleto kasi kami rito. Mayroon kaming
computer room, auditorium, playground,
conference room, at malaki ang aming library!
Sandro: Wow! Lahat pala ng kailangan ng mag-aaral para
matuto ay narito sa inyong paaralan.
Punongguro: Mahuhusay din ang mga batang inilalabas namin
para sa kompetisyon dahil lahat sila ay umaabot
sa national level.
Marvin: Ang galing! Kaya naman pala gusto nila na mag-
aral dito.
Punongguro: Ang mga guro rito ay Master’s Degree holder.
Maliban dito, kalinisan ng paaralan at kaligtasan
ng mga bata, iyan din sa palagay ko ang malakas
na hatak namin sa mga magulang.
Sofia: Labis po kaming namangha sa mga nalaman
namin. Maraming salamat po sa pagpapaunlak
sa aming panayam.

_____13. Aling pangungusap ang nasa payak na kayarian?


A. Maraming salamat po sa pagpapaunlak sa aming
panayam.
B. Mahuhusay din ang mga batang inilalabas namin para sa
kompetisyon dahil lahat sila ay umaabot sa national
level.
C. Kami nga rin ay nagulat dahil sa loob ng tatlong taon
halos sandaang mag-aaral taon-taon ang dumaragdag sa
aming enrolment.
D. Kami po ay naririto dahil nais naming malaman ang
sekreto ng inyong paaralan kung bakit patuloy ang
pagtaas ng bilang ng inyong mga mag-aaral.

_____14. Aling pangungusap ang nasa tambalang kayarian?


A. Ang nakikita kong dahilan ay ang aming pasilidad.
B. Mahuhusay din ang mga batang inilalabas namin para sa
kompetisyon.
C. Lahat pala ng kailangan ng mag-aaral para matuto ay
narito sa inyong paaralan.
D. Mayroon kaming computer room, auditorium, playground,
conference room, at malaki ang aming library.

Para sa mga bilang 15-16


Suriin ang editorial cartoon upang masagot ang mga tanong.

_____15. Ano ang nais ipabatid ng editorial cartoon?


A. Madali po ang maging pulis.
B. Ang pagpupulis po ay napakadelikadong trabaho.
C. Ang pagpupulis po ay dumaraan sa masusing proseso.
D. Kung nais mo pong maging pulis, ikaw dapat ay
matalino.

_____16. Dapat bang piliing mabuti ng ahensya ang mga


nagnanais maging pulis?
A. Opo, upang gumanda ang takbo ng ating ekonomiya.
B. Opo, upang matakot lahat ng mamamayan sa mga
pulis.
C. Opo, upang matutong gumawa nang mabuti ang mga
tao sa kaniyang kapuwa.
D. Opo, upang maiwasan ang katiwalaan at manatili ang
tiwala at respeto sa ating kapulisan.

Para sa bilang 17-18


Piliin ang angkop na editorial cartoon batay sa sumusunod na
sitwasyon.

_____17. Nais mong ipakita ang kahalagahan ng pagbaba ng


halaga ng palay at ang kasiyahang dulot nito sa mamamayan.

A. C.

B. D.

_____18. Nais mong masolusyunan ang mga problemang


kinahaharap ng ating bansa.

A. C.

B. D.

Para sa mga bilang 19-20


Basahin ang maikling diyalogo ng magkaibigan tungkol sa
nalalapit na Father’s Day at sagutin ang mga tanong ukol dito.

Carol: Malapit na ang Father’s Day!


Ruben: Oo nga. May naisip ka na bang gawin?
Carol: Gusto ko siyang lutuan ng pinakbet. Alam mo bang
paborito niya iyon? Sigurado akong mabubusog siya
sa aking napakasarap na pinakbet.
Ruben: Wow! Ako naman, gagawan ko si Tatay ng kard. Hindi
lang basta kard ha! Iyong kapag binuksan niya ay
tutugtog ang paborito niyang Top of the World. Paborito
niya iyon kantahin eh!

_____19. Aling pangungusap ang nagpapahayag ng matinding


damdamin?
A. Malapit na ang Father’s Day!
B. Gagawan ko si Tatay ng kard.
C. May naisip ka na bang gawin?
D. Gusto ko siyang lutuan ng pinakbet.

_____20. Aling pangungusap ang nagsasalaysay?


A. Hindi lang basta kard ha!
B. Paborito niya iyon kantahin eh!
C. Alam mo bang paborito niya iyon?
D. Sigurado akong mabubusog siya sa aking napakasarap
na pinakbet.

Para sa mga bilang 21-26


Basahin ang pagpupulong na naganap sa barangay tungkol sa
suliranin sa basura at sagutin ang mga tanong ukol dito.

Kapitan Marcial: Magandang umaga po sa lahat. Nagpatawag


ako ng pulong ngayon dahil sa lumalalang problema
natin sa basura. Marami pa rin sa atin ang hindi
marunong magtapon ng basura sa tamang lalagyan.

Maricel: Kaya nga po Kapitan. Palagi po kaming


nagpapaalala ng wastong pagtatapon ng basura ngunit
patuloy pa rin ang karamihan sa pagtatapon kung
saan-saan.
Kanor: Kapag patuloy po ang ating maling gawain,
tayo rin ang maaapektuhan, ang ating pamilya maging
ang ating kabuhayan.

Kapitan Marcial: Magtulungan po tayo. Sundin po natin ang


paalala ng barangay officials. I-report po natin ang
mga taong patuloy na nagtatapon ng basura kung
saan-saan. Huwag po tayong magsasawa na sila ay
paalalahanan. Sama-sama po nating solusyunan ang
problema sa basura. Panatilihin po sana nating
malinis ang ating barangay.

Mga opisyal: Tama po iyan Kapitan. Ang kalinisan ng


ating barangay ay nakasalalay sa atin.

_____21. Bakit nagpatawag ng pagpupulong ang kapitan ng


barangay?
A. dahil sa pagtaas ng bilihin
B. dahil sa pagbaha sa kanilang barangay
C. dahil sa lumalalang problema sa basura
D. dahil sa dumaraming magnanakaw sa barangay

_____22. Sino ang lubos na maaapektuhan kung patuloy ang


pagtapon ng basura kung saan-saan?
A. ang mga bata
B. ang mga lalaki
C. ang mga babae
D. ang mga mamamayan

_____23. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa


pagpapanatili ng kalinisan ng ating paligid?
A. Itatapon ko ang basura sa tamang lalagyan
B. Susunod ako sa mga batang nagtatapon ng basura kung
saan-saan.
C. Isusumbong ko sa aking guro ang mga batang
nagkakalat para sila ay pagalitan.
D. Sasabihin ko sa aking mga kamag-aral na okey lang
magtapon ng basura kahit saan lugar basta walang
nakakakita
_____24. Sang-ayon ka ba sa sinabi ng kapitan nang i-report ang
mga taong patuloy na nagtatapon ng basura kung saan-saan?
Bakit?
A. Opo, upang makulong sila at mabawasan ang
masasamang tao sa lipunan.
B. Hindi po, dahil kawawa naman sila at ang kanilang
pamilya kung makukulong po sila.
C. Hindi po, dahil sila ay kasapi ng ating pamayanan at
dapat lamang sa sila’y ating pahalagahan.
D. Opo, upang matigil na sila sa maling gawain at sila’y
mapaalalahanan sa masamang epektong dulot ng
maruming kapaligiran.

_____25. Bilang kasapi ng inyong barangay, paano mo


mahihikayat ang mga taong makiisa sa pagpapanatili ng
kalinisan sa inyong lugar?
A. Makikiisa ako sa mga gawaing pangkalinisan.
B. Hihikayatin ko silang itapon na lamang sa ilog ang mga
basura.
C. Gagayahin ko ang mga taong patuloy na nagtatapon ng
basura kung saan-saan.
D. Uutusan ko ang mga batang pulutin ang mga kalat sa
paligid dahil sila ang mas bata.

_____26. Mahalaga bang isaalang-alang natin ang kalusugan ng


ating kababayan?
A. Hindi po, dahil problema lamang sila ng ating lipunan.
B. Opo, dahil kung wala sila, walang tatangkilik ng ating
mga produkto
C. Opo, dahil sila ang kayamanan at kaagapay natin sa
pagpapaunlad ng ating bayan.
D. Hindi po, dahil responsibilidad nilang alagaan ang
kanilang mga sarili.

Para sa mga bilang 27-32


Basahin ang isang iskrip ng radio broadcasting at sagutin ang
mga tanong ukol dito.

Host 1: Magandang umaga po sa lahat. Ako po si Mario


Antares
Host 2: At ako naman si Cristina Lopez
Host 1 at 2: Kami ang inyong makakasama sa umagang
ito dito sa programang “Pinoy Ako!”
Host 1: Kahanga-hanga ang ipinakitang katapatan ng
isang traysikel drayber.
Host 2: Ibinalik lang naman niya ang isang bag na
naglalaman ng halos dalawang daang libong piso
na naiwan ng kaniyang pasahero.
Host 1: Labis ang pasasalamat ng may-ari na si Gng.
Consuelo dahil naisauli sa kaniya ang pera.
Aniya, kapapadala lamang ito ng kaniyang anak
na nagtatrabaho sa Singapore upang pampatayo
ng maliit na negosyo.
Host 2: Noong mga araw na iyon, nangangailangan ng
malaking halaga ang drayber upang pambayad sa
tuition fee ng anak. Ngunit nang makita ang pera,
hindi siya nag-alinlangan na ibalik ito sa may-ari.
Aniya, higit ang pangangailangan ng may-ari ng
pera kaya nararapat lamang niya itong isauli.
Host 1: Humanga ang ginang sa ipinakitang katapatan
ng drayber. Dahil dito, siya na ang sumagot sa
tuition fee ng anak ng drayber.

_____27. Ano ang tinatalakay sa balita?


A. Ang katapatan ng isang traysikel drayber
B. Ang pagiging Pilipino, sa isip, sa salita, at sa gawa
C. Ang ipinakitang kasipagan ng mga traysikel drayber
D. Ang pagsisikap ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang
bansa

_____28. Ano ang ginawa ni Gng. Consuelo bilang kabayaran sa


ipinakitang katapatan ng traysikel drayber?
A. Binigyan niya ito ng bagong traysikel.
B. Binilihan niya ito ng damit at sapatos.
C. Sinagot niya ang tuition fee ng anak nito.
D. Pinakain niya ito sa mamahaling restawran.

_____29. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop kung


dudugtungan mo ang nasabing iskrip?
A. Pinagsisihan ng traysikel drayber ang ibinalik na pera sa
ginang. Aniya, higit na kailangan ito ng kaniyang
pamilya.
B. Kung kayo ay may mapupulot na malaking halaga,
ipaalam ito agad sa pinakamalapit na himpilan upang
mabigyan kayo ng parangal.
C. Hindi pa kontento ang drayber sa ibinigay na pang-
tuition fee ng anak. Humingi pa ito ng karagdagang
tulong para sa kaniyang pamilya.
D. Lubos ang pasasalamat ng traysikel drayber dahil sa
tulong na kaniyang natanggap. Sadyang totoo ang
kasabihan, kapag gumawa ka nang mabuti, kabutihan
din ang babalik sa iyo. Mabuhay ka Manong Drayber!

_____30. Alin sa sumusunod na iskrip ang pangungusap na


pahanga?
A. Dahil dito, siya na ang sumagot sa tuition fee ng anak ng
drayber.
B. Kahanga-hanga ang ipinakitang katapatan ng isang
traysikel drayber.
C. Nang makita ang pera, hindi siya nag-alinlangan na
ibalik ito sa may-ari.
D. Noong mga araw na iyon, nangangailangan ng malaking
halaga ang drayber upang pambayad sa tuition fee ng
anak.

_____31. Anong pangungusap na sambitla ang angkop na


idagdag sa iskrip?
A. Wow! Iba talaga ang mga Pilipino.
B. Kahanga-hanga ang ginawa ng traysikel drayber!
C. Maaga pa lamang ay namasada na ang traysikel drayber.
D. Salamat naman at naibalik ang bag na naglalaman ng
pera sa may-ari.

_____32. Ibigay ang buod ng nabasang iskrip.


A. Ang mga Pilipino ay sadyang matulungin.
B. Nagpasalamat ang ginang dahil naibalik sa kaniya ang
perang padala ng anak.
C. Hinangaan ang isang traysikel drayber dahil sa kaniyang
katapatan. Bilang pasasalamat sa drayber, sinagot ng
may-ari ang tuition fee ng kaniyang anak.
D. Naiwan ng ginang sa traysikel ang bag na naglalaman ng
malaking halaga. Hinanap niya ang drayber at ito’y agad
na naibalik sa kaniya. Nagpasalamat ang ginang.
_____33. Host 1: Sa balitang weather weather lang, bagyong
Betty lumabas na ng Philippine Area of Responsibility
(PAR) at wala itong gaanong naging epekto sa ating
bansa.
Host 2: Bago pa man kasi ito dumating sa ating bansa,
agarang paghahanda na ang ginawa ng gobyerno
upang hindi ito makapaminsala sa mga tao at sa ating
kabuhayan.
Host 1: Ngunit, may aasahan pa rin tayong pag-ulan,
kaya patuloy pa rin ang ating pag-iingat.
Host 2: Samantala, isang panibagong low pressure area
ang nabubuo sa labas ng bansa at posibleng pumasok
sa PAR sa araw ng Martes.
Host 1: Sa ngayon mababa ang tsansa nitong maging
bagyo. Patuloy na umantabay sa updates ukol sa
potensiyal ng sama ng panahong ito.

Ano ang buod ng iskrip sa binasang teleradyo?


A. Malaki ang pinsala ng bagyong Betty sa ating bansa.
B. Marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa bagyong
Betty.
C. May paparating na bagyo at mas malakas ito kaya pinag-
iingat ang mga tao.
D. Umalis na ang bagyong Betty ngunit may paparating na
posibleng maging bagyo. Patuloy na pinag-iingat ang mga
tao sa maaaring dulot nitong sama ng panahon.

_____34. Alin sa sumusunod na pangungusap ang sumasang-


ayon sa paksa?
Linawin: Dapat o hindi dapat ang pagbubukas ng
klase sa mga paaralan sa buwan ng Hunyo?
A. Hindi dapat ibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng klase
dahil ito ay panahon ng tag-ulan.
B. Maraming araw ang masasayang kapag natuloy sa
Hunyo ang pagbubukas ng klase dahil sa masamang
panahong mararanasan.
C. Dapat na ibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng klase
upang makaiwas sa sobrang init ng panahon tuwing
buwan ng Abril at Mayo.
D. Malaki ang tsansa ng pagdating ng mga bagyo sa ating
bansa sa buwan ng Hunyo kaya hindi dapat matuloy ang
pagbubukas ng klase sa buwang ito.
_____35. Ang lahat ay nagsasaad ng pagsalungat sa isyu maliban
sa isa.
Linawin: Mayroon o wala bang Kalayaan sa
pagsasalita sa ating bansa?
A. Maaaring sampahan ng kasong libelo o paninirang puri
ang isang tao.
B. Hindi maaaring magsabi ng kahit na ano sa kapuwa
kung makasisira ito sa kaniyang reputasyon
C. Walang Kalayaan sa pananalita kung kailangan pang
humingi ng pahintulot sa pamahalaan para magpulong.
D. Ayon sa Artikulo 19 ng ating Saligang Batas, ang bawat
tao ay may karapatang maipahayag ang kaniyang sariling
kuro-kuro o reaksyon tungkol sa isang bagay nang
walang nakikialam.

_____36. Sa pagsasagawa ng debate, ano ang dapat tandaan?


A. Magkomento at umatake nang personal
B. Huwag bigyan ng pagkakataon ang kabilang panig na
magsalita.
C. Sabihin ang katotohanan at magsalita nang malinaw,
may tiwala, at may paggalang.
D. Lakasan ang boses kapag nagsasalita upang
makumbinsi at maniwala sa iyo ang mga tagapakinig.

Para sa mga bilang 37-38


Pag-aralan ang dalawang debate at sagutin ang mga tanong ukol
dito.
Debate 1 Debate 2

Sumasang-ayon: Malaki ang Sumasang-ayon: Dapat


maitutulong ng pagmimina sa magkaroon ng extra-curricular
pag-unlad ng ating ekonomiya. activities ang paaralan upang
Dahil sa pagmimina, higit na malinang ang talento
maraming tao po ang ng mga bata.
nagkakaroon ng trabaho. Wala
ng pamilyang magugutom na Sumasalungat: (pasigaw)Hindi
siyang palaging daing ng ating dapat na magkaroon ng extra-
mga kababayan. curricular activities ang
paaralan dahil sagabal lamang
Sumasalungat: Ngunit sisirain ang mga ito.
naman po nito ang ating
kalikasan. Kaya ang Sumasang-ayon: Tumigil ka.
pagmimina ay akin pong Hindi lamang pinatatalas ang
tinututulan. Maraming paraan isip ng mga mag-aaral.
upang magkaroon ng trabaho Gayundin ang kanilang
ang mga tao ng hindi pisikal, emosyonal, ispirituwal
nakasisira sa ating kalikasan. na aspeto.

_____37. Alin sa dalawang debate ang nagpakita ng paggalang sa


katunggaling panig?
A. ang unang debate
B. ang ikalawang debate
C. pareho nakapagbigay ng malinaw na paliwanag
D. wala sa kanila ang nakapagbigay ng malinaw na
paliwanag sa isyu

_____38. Alin sa dalawa ang sumunod sa mga alituntunin sa


pagsasagawa ng debate? Bakit?
A. Ang ikalawa, dahil malakas ang pagsasalita nito.
B. Ang una, dahil payak lamang ang pagkakalahad ng
argumento at hindi nagpakita ng ebidensya.
C. Ang ikalawa, dahil tama lamang na magsalita ng
marahas upang maging kapani-paniwala sa mga
tagapakinig.
D. Ang unang debate, dahil ipinahayag ng bawat panig
ang katotohanan at nagpakita sila ng paggalang
habang nagsasalita.

_____39. Pag-aralan ang dayagram at sagutin ang tanong ukol


dito.

Pagtawag ng Pagsasabi ng
Ate, Kuya “po” at “opo”

Pagiging
Magalang

Pagmamano Pagbati

Ano ang ipinakikita ng dayagram?


A. Sanhi ng pagiging magalang
B. Epekto ng pagiging magalang sa kapuwa
C. Iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng pagiging magalang
D. Ang iba’t ibang kaugaliang Pilipino na dapat panatilihin
at pahalagahan

_____40. Ang Zambales ay nasa kanlurang bahagi ng Gitnang


Luzon. Ito ay may lawak na 3 714.83 kilometro kuwadrado (km2).
Nasa hilaga nito ang lalawigan ng Pangasinan, nasa silangan
naman ang Tarlac at Pampanga. Bataan sa timog at West
Philippine Sea sa bahaging kanluran nito. Ang Lungsod ng
Olongapo ang nag-iisang lungsod sa lalawigan. Labintatlong
munisipalidad ang bumubuo sa Zambales. Ito ang Subic,
Castillejos, San Marcelino, San Antonio, San Narciso, San Felipe,
Cabangan, Botolan, Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, at Sta.
Cruz.

Anong lalawigan ang nasa silangan ng Zambales?


A. Pampanga C. Bataan at Tarlac
B. Pangasinan D. Tarlac at Pampanga

You might also like