You are on page 1of 10

Isulat ang letrang T kung tama ang sinasaad

ng pahayag at M naman kung mali.


1. Ang mga sawikain ay tinatawag ding
idyoma.
2. Ang pamahiin ay isang halimbawa ng
karunungang-bayan.
3. Ang bugtong ay tinatawag ding pahulaan o
palaisipan.
4. Ang bugtong ay nagtataglay ng talinghaga
sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan.
5. Ang bugtong ay isang pahulaan sa
pamamagitan ng paglalarawan.
Tukuyin kung anong uri ng karunungang-
bayan ang mag sumusunod.
6. Habang maiksi ang kumot matutong
mamaluktot.
7. Naghalo ang balat sa tinalupan nang
malaman niya ang katotohanan.
8. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto dahil
may sarili ring kinang ang tanso.
9. Nagbibigay na sinasakal pa.
10. Huminto nang pawalan, lumakad nang
talian.
11. Ang taong buhol-buhol ang dila ay hindi
kagiliw-giliw.
12. Matalino man ang matsing,
napaglalamangan din.
13. Ang mag-asawang Mark at Mila ay parang
mga aso at pusa.
14. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
15. Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa
simbahan din ang tuloy.
Tukuyin kung anong elemento ng kwentong-
bayan ang inilalarawan sa mga sumusunod.
16. Tumutukoy ito sa usapan ng mga
tauhan.
a. dayalogo
b. kakalasan
c. kasukdulan
d. tagpuan
17. Sa bahaging ito unti-unting bababa ang
takbo ng kwento.
a. simula
b. wakas
c. kakalasan
d. gitna
18. Ito ay nagpapakita ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa
problema.
a. kasukdulan
b. tuggalian
c. dayalogo
d. saglit na kasiglahan
19. Ito ang pinakamadulang bahagi ng
kwento kung saan iikot ang kahihinatnan ng
tanging tauhan, kung ito ay kasawian o
tagumpay.
a. kasukdulan
b. gitna
c. pag-uusap
d. tunggalian
20. Sa bahaging ito ng kwento mskikita ang
banghay o ang maayos na pagkakasunod-
sunod ng mga tagpo o eksena.
a. wakas
b. simula
c. gitna
d. saglit na kasiglahan
21. Siya ang pangunahing tauhan sa kwentong
Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto.
22. Saan ang tagpuan ng kwentong nabanggit.
23. Anong tradisyon o kultura ng mga Ifugao
ang inilarawan sa kwento.
24. Sino ang tauhan na nanlinlang sa sultan
upang siya ang pumalit sa pwesto nito?
25. Anong parusa ang ipinataw ng masamang
sultan kay Pilandok?
26-28. Ibigay ang tatlong elemento ng
kwentong-bayan.
29-30. Ano ang dalawang sangkap ng kwento
na mababasa sa simula nito.

You might also like