You are on page 1of 2

Pagbasa sa Filipino

Ikapitong Linggo
Filipino 8
Ang Alamat ng Kasoy
Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut
na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong
nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang
kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at
halaman.

Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga


Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa
awit ng mga Maya. Masayang kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga
Elepante ang mga Tamaraw, ng Zebra ang Tsonggo. Kapareha naman ni
Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging ang Papaya.

Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan.


Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot.

“Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit
at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan.”

Naulinigan ng makapangyarihang Ada ang himutok ng Buto.

“Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?”

“Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit


ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa
kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi
nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo
ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na
ito.”

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang


nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na
kulungan ang Buto.”

Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at


pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.

Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay


sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa tuwa ng Elepante ay kumembut-kembot ito
sa pag-indak. Napapasabay din sa pagimbay ang mahagway na Kawayan
kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng bahay-bahayan.
Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang
na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang
parol nila.

Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at


lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang
mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang
mga ugat sa ilalim ng lupa.

Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at


kinakaliglig sa lamig ang Buto.

“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi


ka sa ingay ng kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A…Ayoko na sa
labas.”

Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang


panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng
Kasoy ang abuhing Buto nito.

Iyan ang Alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa ½


lengthwise.

1. Bakit nalulungkot ang buto sa loob ng kasoy?


2. Sino ang nakarinig sa himutok ng buto?
3. Ano ang hiniling ng buto sa makapangyarihang Ada?
4. Bakit inibig na muli ng buto na bumalik sa loob ng kasoy?
5. Ano sa iyong palagay ang aral ng kwento?

You might also like