You are on page 1of 7

Buklat: Kuwentong Pilipino

Ads

Home Mga Alamat Mga Alamat ng Prutas Ang Alamat ng Kasoy

Ang Alamat ng Kasoy

Jim Lloyd 2 years ago Mga Alamat, Mga Alamat ng Prutas

Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang buto
sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang
handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman.

Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni ng mga
Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayang kasayaw ng mga Kuneho
ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra ang Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong
ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging ang Papaya.

Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto
ng kasoy ang lungkut na lungkot.

“Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi
naman nakikita ang katuwaan.”

Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto.

“Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?”


“Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop at
halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang
nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng
paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito.”

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa
isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto.”

Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga


hayop at halaman.

Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa
tuwa ng Elepanteay kumembut-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa pagimbay ang mahagway
na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng bahay-bahayan.

Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon
ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.

Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at
kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit
ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.

Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaliglig sa lamig ang Buto.

“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka sa ingay ng kulog.


Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A…Ayoko na sa labas.”

Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa ay pinamalagi
ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito.
Iyan ang Alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.

KUWENTONG ALAMAT

Mga Alamat ng Hayop

Mga Alamat ng Prutas

Mga Alamat ng Pook o Lugar

Mga Alamat ng Halaman

Mga Alamat ng Gulay

Iba Pang Kuwentong Alamat

Lahat ng Mga Kuwentong Alamat

Share This:

ads

Mga Alamat ng Prutas

Next

Ang Lobo at Ang Ubas (Pabula)

Previous

Mga Bugtong (Part 1)

CommentsBLOGGER

No Comments:

Post a Comment
SOCIAL WIDGET

1.7k

Likes

1.2k

Followers

152

Followers

325

Subscribes

SEARCH THIS BLOG

FACEBOOK

MAGBASA PA!

Mga Alamat(78)

Maikling Kuwento(22)

Kuwentong May Aral(17)

Pabula(15)

Kuwentong Pambata(10)

Kuwentong Bayan(9)

Sanaysay(9)

Video Stories In Tagalog(9)

Inspirational Short Stories(7)

Tagalog Fairy Tales(4)

Kuwento Ng Pag-Ibig(2)
Bugtong(1)

Fairy Tales(1)

Katutubong Kuwento(1)

Malungkot Na Kuwento(1)

Mga Epiko(1)

Mitolohiya(1)

Talahulugan(1)

Tugma(1)

Tula(1)

POPULAR

RECENT

COMMENTS

Ang Alamat ng Rosas

Ang Alamat ng Rosas

Ang Alamat ng Paru-Paro

Ang Alamat ng Paru-Paro

Ang Alamat ng Lansones

Ang Alamat ng Lansones

Ang Alamat ng Paniki


Ang Alamat ng Paniki

Ang Alamat ng Saging

Ang Alamat ng Saging

Ang Alamat ng Anay

Ang Alamat ng Anay

Ang Alamat ng Mangga

Ang Alamat ng Mangga

Ang Alamat ng Papaya

Ang Alamat ng Papaya

K-12 TOOLS

K-12 Templates

Periodical Test

Summative Test

BLOG ARCHIVE

POPULAR POSTS

Ang Alamat ng Rosas

Ang Alamat ng Rosas

Ang Alamat ng Paru-Paro

Ang Alamat ng Paru-Paro

Ang Alamat ng Lansones

Ang Alamat ng Lansones

Ang Alamat ng Paniki

Ang Alamat ng Paniki

RANDOM POSTS
randomposts

MOST RECENT

recentposts

Created By SoraTemplates | Distributed By MyBloggerThemes

You might also like