You are on page 1of 7

Ang

Palaka at
ang Ahas
Ang Pabula ay isang uri ng panitikan
na kung saan ang mga tauhan ay mga
hayop ang nagbibigay buhay.
Nagsasalita sila tulad ng mga taong
tauhan sa isang kwento.

Noong unang panahon, sa kagubatan


naglalaro ang batang palaka na ang
tanging gawain ay ang paglundag sa
mga halaman, nang sa di kaginsa-
ginsa'y nakakita ng isang uri ng
hayop na may kahabaan, payat, at
may makintab na balat na ang kulay
ay katulad ng isang balangaw.

Ang unang tanong ni palaka, ''Maaari


ka bang makilala? Ano ang iyong
ginagawa at lagi kang nakahiga sa
daanan?'' ''Nagpapainit lang ako sa
araw,'' anang ahas na umiikot at
inayos ang katawan sa paraang
pabilog.'' Ako ay si Batang Ahas, ikaw
anong pangalan mo?'' Ako si Batang
Palaka. Gusto mo bang makipaglaro
sa akin?'' Nagkasundo sila at ang
paglalaro ay ginawa buong umaga sa
kagubatan. Tingnan mo ang gagawin
ko, ang sabi ng batang palaka at
lumundag-lundag na nang mataas. ''
Gusto mo bang turuan kita kung
paano ito isinasagawa?'' ang tanong
ni Palaka. Tinuruan ni Palaka si Ahas
at sila'y lumundag-lundag nang
magkasabay sa kagubatan.

''Pagmasdan mo naman ang gagawin


ko'' sabi ni Batang Ahas at nagsimula
siyang gumapang sa isang mataas na
puno. Kaya itinuro ng batang ahas
kung paanong paraan padudulasin ni
Batang Palaka ang tiyan nito para
makagapang sa puno.

Dumating ang pagkakataong kapwa


bagutom ang dalawang bata, daan
para ang pagpapaalaman ay
maganap, sa pangakong muli silang
magkikita sa susunod na araw.
Nagpasalamat sa batang palaka si
Batang Ahas sa pagtuturo sa kanya
na lumundag. Pasalamat din ang
ipinahatid ng batang palaka na
pinadudulas ang tiyan at
gumagapang.
Sambit ng ina, ''Paano mo iyan
natutunan?'' ''Tinuruan ako ni
Batang Ahas. Naglaro kami buong
maghapon sa kagubatan, siya ang
aking bagong kaibigan'' sagot ni
Batang Palaka.

''Ang pamilya ng mga ahas ay


masasama! May lason ang kaniyang
ngipin, iwasan mong makipagkita at
makipaglaro sa kanya, at ayaw ko
ring makita na pinadudulas ang
iyong tiyan, nauunawaan mo ba?''
sabi ni Inang Palaka.

Samantala umuwi si Batang Ahas na


lumulundag-lundag para makita ng
kanyang ina. ''Sino ang nagturo sa
iyo niyan?'' tanong ng ina ni
Batang Ahas. ''Si Batang Palaka,
siya ang bago kong kaibigan,''
sagot ni Batang Ahas.

Nang magkita ang dalawa


kinabukasan ay nag-usap sila,
pero malayo sila sa isa't isa. Ang
sabi ni Batang Palaka, ''Hindi na
ako pwedeng makipaglaro sa iyo.''
Matahimik na pinagmasdan siya ng
batang ahas, at naalala ang sabi
ng kanyang ina kapag muli mo
siyang nakita hulihin at siya'y
kainin. Nagbuntong hininga si
Batang Ahas at malungkot na
lumayo sa kaibigang si Batang
Palaka. Paano niya malilimot ang
masasayang araw nilang dalawa sa
kagubatan, at ang pagsasamahang
walang halong pag-iimbot?

Hindi na muling naglaro ang dalawa


na magkasama pero malimit silang
magkita na nagpapainit sa araw, at
madalas na mag-isip tungkol sa
naging karanasan at kinahantungan
ng kanilang pagiging magkaibigan.

You might also like