You are on page 1of 4

1.

2.
Ang Pamilya Cruz
Ang mag-asawang Manny at Annie Cruz ay biniyayaan ng dalawang anak. Si Sofie ang panganay at
si John naman ang bunso.
Marami ang natutuwa sa dalawang bata. Lumaki silang mababait. Maalalahanin at matulungin sila.
Isang araw ay nagkasakit ang kanilang nanay.
Sa halip na lumabas upang maglaro, nanatili sila sa loob ng bahay. Sa oras ng meryenda,
ipinaghanda ni Sofie ng tinapay at juice si Aling Annie. Pinainom niya ang ina ng gamot matapos
kumain.
Tinawagan din niya ang kanilang tatay upang ipaalam na maysakit ang kanilang nanay. Habang wala
pa si Mang Manny ay inalagaan din ni Sofie ang kanyang nakakabatang kapatid.
Tahimik na naglalaro ang magkapatid habang nagpapahinga ang kanilang ina. Ilang oras pa ang
lumipas ay dumating din ang kanilang tatay.
Masaya ito sa ipinakitang pagmamalasakit ng magkapatid. Kinabukasan, magaling na si Aling Annie.
Sama-sama silang nagdasal upang magpasalamat sa Diyos. Namasyal din sila matapos magsimba.

Pangalan: ____________________________________________
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagiging mahabagin at MALI
kung hindi. Isulat ito sa sagutang papel.

_______1. Si Pepito ay may tinulungan ang nanay na bumangon dahil siya ay maysakit.
______2. Ginagawa agad ni Nessa ang gawaing bahay kahit walang nagsasabi sa kanya.
_____3. Pinalo ni Mark ang kanyang batang kapatid dahil hindi niya sinunod ang kanyang utos.
_____4. Piankinggang maigi ni Mon ang hinanakit ng kanyang kapatid.
_____5. Tinulungan ni Tintin ang kanyang lola na maglakad.
_____6. Pagtatanim ng sama ng loob dahil hindi nasunod ang gusto.
_____7. Tumahimik kung nagsasalita ang mga nakakatanda.
_____8. Gumawa ng ingay kung natutulog ang amang maysakit.
_____9. Inaalagaan ni Tonton ang kanyang kapatid habang wala ang kaanyang inay.
____10. Pinapabayaan ni Deren ang kanyang lola kahit hindi niya kayang maglakad.

You might also like