You are on page 1of 3

MGA TAUHAN:

Tatay Jose – mag-isang tinataguyod ang anak. Bata pa lamang ang kaniyang
anak na si Ian ay iniwan na siya ng kaniyang asawa.
Ian – nag-iisang anak ni Tatay Jose. Suwail ito sa magulang at pabaya sa
pag-aaral
Ma’am Cruz – guro ni Ian.

Si Tatay Jose, isang ulirang ama na mag-isang itinataguyod ang nag-


iisa niyang anak na si Ian. Sanggol pa lamang si Ian ay iniwan na siya ng
kaniyang ina at sumama ito sa ibang lalaki. Mahirap ang buhay ng mag-ama
sapagkat walang permanenting trabaho si Mang Jose at hindi rin ito
nakapagtapos ng pag-aaral. Kargador si Tatay Jose sa palengke. Narito’t
bumubuhat siya ng kabang kabang bigas kahit na minsan ay hindi na
kinakaya ng kaniyang katawan. Ngunit kahit na mahirap ay kaniya itong
tinitiis, mairaos lamang ang pang araw-araw nilang pamumuhay ng kaniyang
anak.
Isang araw, gabi nang nakauwi si Tatay Jose galling sa trabaho.
Nadatnan niya ang anak na nagseselpon…

Tatay Jose: Oh anak, bakit hindi ka pa natutulog? Maaga ang pasok mo


bukas ‘di ba?
Ian: Ah…eh…Itay, may ginagawa lang po.
Tatay Jose: Naglalaro ka na naman sa selpon mo, imbes na ginagawa mo
ang iyong mga takdang-aralin at proyekto.
Ian: Hin..di..hindi po, Tay. Dito po ako sa selpon gumagawa ng takdang-
aralin.
Tatay Jose: Sige, anak. Pagbutihim mo. Huwag mong sayangin ang
pagkakataon mo para makapag-aral.
Ian: Opo naman, Itay.
Tatay Jose: Osiya, anak. Matutulog na ako at may trabaho pa ang tatay
bukas. Matulog ka na rin pagkatapos mo sa mga gawain mo.
Ian: Sige po, Tay.
Ang hindi alam ni Tatay Jose, naglalaro lamang ng “mobile games” ang
kaniyang anak at hindi gumagawa ng kaniyang mga takdang-aralin.
Ian: Ayan na! Dali! Dali! Ayaaan! (mobile legends fx: “clash” at “victory”)

Kinaumagahan, gumising si Tatay Jose nang maaga upang makapaghanda


sa kaniyang trabaho at para na rin makapaghanda ng kanilang agahan ng
kaniyang anak.
Tatay Jose: Anak! Anak! Gising na! Mahuhuli ka na sa klase mo. Sumabay ka
na sa akin.
Umingit ang binata, ngunit hindi bumangon. Kulang na kulang ito sa tulog.
Madaling araw na ito natulog dahil sa paglalaro.
Ian: Opo, Itay. Maya-maya pong konti.
Tatay Jose: Sige, anak. Mauna na ako ha? Yung agahan mo nasa lamesa na.
Ian: Sige po…
Umalis na si Tatay Jose, ngunit si Ian ay hindi pa din natinag at itinuloy lang
ang pagtulog.

Pagsapit ng alas-nuwebe y medya. Nagising ang binate at naghahadaling


kumilos.
Ian: Patay! Nahuli na naman ako sa klase.
Nagmamadaling pumasok si Ian dahil huling-huli na ito sa kaniyang klase.
Nang makarating ito sa paaralan ay saktong nakasalubong niya ang kanyang
guro na katatapos lamang magturo sa kanilang klase.
Ma’am Cruz: Ian! Late ka na naman! Lagi ka na lang nahuhuli. Hindi ka na ata
dumadalo sa klase ko!
Ian: Pa..Pasensya na po Ma’am.
Ma’am Cruz: Bagsak din ang pagsusulit mo sa akin. Kailangan ko na yatang
makausap ang magulang mo.
Ian: Ahh…Ma’am, babawi na lang po ako sa project po.
Ma’am Cruz: Siguraduhin mo lang, Ian. Dahil kung hindi mag-uulit ka.
Ian: Opo, Ma’am. Pasensya na po.
Samantala, sa palengke ay napagalitan si Tatay Jose dahil aksidenteng
nabutas ang sako ng bigas na kaniyang binubuhat. Hindi nakapagtapos ng
pag-aaral si Mang Jose dahil sa hirap ng buhay at kapos sila sa pera noon.
Tatay Jose: Kung nakapag-aral lamang sana ako, hindi sana ganito yung
buhay ko.

Ikaapat na tagpo:
Makalipas ang isang linggo, ipinatawag si Anna Maria sa iskwelahan ng mga
anak. Lumiban siya sa trabaho sa pag-aakalang makatatanggap siya ng
magandang balita..
Anna Maria: Magandang araw ho, ako ho ang nanay ni Juan at ni pedro.
Guro: Magandang araw din ho misis, tungkol ho sana ito sa kanilang grado.
Hindi ho sila nakakuha ng pagsusulit noong nakaraan. Dahil dito, mayroon ho
silang mga bagsak na kailangan kunin sa susunod na taon.
Anna Maria: (nalilito) Ho? Paano nangyari yun?
Ikalimang tagpo:
Pagdating sa bahay ay nadatnan ni Anna Maria ang dalawang anak na tila
alam na ang nangyari. Sinugod siya ng yakap ng mga ito at humingi ng
patawad.
Anna Maria: (malungkot) Anong nangyari mga anak? Dismayado ako sa inyo.
Alam niyo naman kung gaano ito kahalaga hindi ba?Nais kong makatapos
kayo ng pag-aaral upang hindi magaya sa akin.
Juan at Pedro: (Umiiyak) Patawad po inay, hindi na po mauulit..
Anna Maria: Sana nga, mga anak.. Mahal ko kayo at wala akong ibang
hangad kundi isang maayos na buhay para sa inyo..
At muling nagyakap ang tatlo.
WAKAS

You might also like