You are on page 1of 3

Pagsuway ng mga Kabataan ngayon

Ito ay binubuo ng mga tauhan na sina:

Anna maria: 35 na taong gulang

Juan (ang panganay): 18 taong gulang

Pedro: (ang bunso): 16 taong gulang

Guro

Ang eksenang iyon ay isa ng pangkaraniwang tanawin sa kanilang tahanan. Si Anna maria ay isang
"Single mom" na bumubuhay sa kanyang dalawang anak na lalaki. Nagkahiwalay sila ng kanyang mister
na isang seaman o mandaragat dahil na rin sa bisyo nito: sabong, alak at babae. May mga panahon ding
nasasaktan siya nito kung wala na itong pambili ng alak..

Unang Tagpo:

Anna maria: Juan! Pedro! Hindi ba at sinabi ko sa inyo na matulog na kayo? Anong oras na! Alas onse na
ng gabi. Hindi na naman kayo magigising ng maaga!

Juan (gumagamit ng selpon): Mamaya na ma, bigyan mo ako ng mga trenta minutos pa.

Pedro (nanonood ng bidyo gamit ang internet): Oo ma, pangako, matutulog na ako pagkatapos nito.

Wala nalang nagawa si Anna maria. Ayaw niya ng sumigaw, o magalit. Pagod din siya dahil sa
maghapong trabaho. Maliit ang sweldo, ngunit mabuti na ito kaysa wala. Kinailangan niyang magbanat
ng buto, lalo na at nasanay sa luho ang kanyang dalawang anak.

Ikalawang tagpo:

Kinaumagahan, nagising ang ina ng madaling araw upang maghanda ng agahan, baon ng mga anak, at ng
sarili papunta sa trabaho.

Anna maria: (nangangalumata) Mga anak, gising na! mahuhuli na kayo. Kailangan ako sa opisina ngayon
dahil nasa akin ang susi. Kayo na ang bahala ha!
Umingit ang dalawa, ngunit hindi bumangon. Kulang na kulang sa tulog dahil halos madaling-araw na
nagsipagtulog.

Pagsapit ng alas-otso y medya..

Juan: Hala! anong oras na! Pedro, pedro gising na!

Pedro: Ano ba, inaantok pa ako!

Juan: Hindi ba't ngayon ang ating malakihang pagsusulit??

Pedro: Hala! Patay! hindi ba tayo ginising ni inay??

Juan: Nako, ikaw kasi natulog ka ulit!

At nagmamadaling naghanda ang dalawa, na may piping dasal na umabot sila sa kanilang pagsusulit.

Ikatlong tagpo:

Samantala, sa opisina..

Napagalitan si Anna maria dahil sa kanyang maling nagawa. Nais man niyang lumipat ng trabaho ay
natatakot siya. Hindi niya kasi natapos ang pag-aaral dahil nabuntis ng maaga at nag-asawa. Naalala nya
ang pangaral ng ina na iyang isinawalang-bahala at sinuway.

Anna Maria: (tumutulo ang luha) Sana nakinig nalang ako kay inay noon..

Ikaapat na tagpo:

Makalipas ang isang linggo, ipinatawag si Anna Maria sa iskwelahan ng mga anak. Lumiban siya sa
trabaho sa pag-aakalang makatatanggap siya ng magandang balita..

Anna Maria: Magandang araw ho, ako ho ang nanay ni Juan at ni pedro.

Guro: Magandang araw din ho misis, tungkol ho sana ito sa kanilang grado. Hindi ho sila nakakuha ng
pagsusulit noong nakaraan. Dahil dito, mayroon ho silang mga bagsak na kailangan kunin sa susunod na
taon.

Anna Maria: (nalilito) Ho? Paano nangyari yun?


Ikalimang tagpo:

Pagdating sa bahay ay nadatnan ni Anna Maria ang dalawang anak na tila alam na ang nangyari. Sinugod
siya ng yakap ng mga ito at humingi ng patawad.

Anna Maria: (malungkot) Anong nangyari mga anak? Dismayado ako sa inyo. Alam niyo naman kung
gaano ito kahalaga hindi ba?Nais kong makatapos kayo ng pag-aaral upang hindi magaya sa akin.

Juan at Pedro: (Umiiyak) Patawad po inay, hindi na po mauulit..

Anna Maria: Sana nga, mga anak.. Mahal ko kayo at wala akong ibang hangad kundi isang maayos na
buhay para sa inyo..

At muling nagyakap ang tatlo.

WAKAS

You might also like