You are on page 1of 3

GROUP 3

Maysakit ang nanay mo kaya ikaw muna ang mag-aalaga sa mga


kapatid mo. Paano mo ipapakita ang pagiging matiyaga?
MIYEMBRO:
JAN RAE – Narrator
JULIANA – Nanay
PRINCE – Tatay
RAFAEL – Panganay na anak
MIGGY – Pangalawang anak
JEUELLE – Pangatlong anak
CICI – Bunsong anak
JAN RAE: Sa isang maliit na pamayanan nakatira ang pamilya Saligao. Isang araw ang
kanilang ilaw ng tahanan ay nagkaroon ng malubhang sakit kung kaya’t kailangang
magtrabaho ng kanilang ama upang makabili ng mga kinakailangang gamot ng kanilang
ina. Si Rafael, ang panganay sa magkakapatid, ang natirang mag-aalaga sa kaniyang ina
at mga kapatid. Isang gabi…

PRINCE: Rafael, anak. Kailangan ko ng umalis upang magtrabaho. Ikaw na muna ang mag-
alaga sa nanay mo at sa mga kapatid mo. Anak pasensya na, pagtiyagaan mo muna itong
ganitong sitwasyon para sa nanay at sa inyo din naman ito para makabili ako ng gamot ng
nanay niyo.

RAFAEL: Opo tay. Naiintindihan ko naman po kayo. Alam ko po na ginagawa niyo po ito para
din naman sa amin. Hayaan mo tay, maaasahan mo po na aalagaan ko sila. Ingat ka tay.

PRINCE: Sabihin mo sa mga kapatid mo na mag-aral silang maigi at sa nanay mo sabihin mo


mahal na mahal ko siya, magpagaling siya.

JAN RAE: Nang matapos umalis si Prince, pumunta si Rafael sa kwarto ng kanyang ina upang
kamustahin ang kalagayan ng kanyang ina.
RAFAEL: Nay, kamusta na po ang iyong pakiramdam?
JULIANA: Ayos naman ako anak. Medyo bumubuti ng kaunti ang aking pakiramdam.

RAFAEL: Mabuti naman po kung ganoon. Nay, umalis na po si tatay papuntang trabaho.
Pinapasabi niya po na mahal na mahal ka niya at magpagaling ka daw po. Tawagin niyo na
lang po ako kung may kailangan po kayo.

JULIANA: Ganon ba anak? Sobrang laking pasasalamat ko na mayroon akong mabuting


anak na tulad niyo.
JAN RAE: Matapos kamustahin ni Rafael ang kanyang ina ay dumiretso na siya sa kaniyang
kwarto upang matulog. Maaga siyang nagising upang paglutuan ng agahan ang kanyang
ina at mga kapatid.
MIGGY: Magandang umaga kuya.
RAFAEL: Magandang umaga din Miggy.
JEUELLE: Kuya, kamusta na si nanay?

RAFAEL: Ayos naman siya Jeuelle. Sabi niya sa akin kagabi na medyo bumbuti na daw ang
kanyang pakiramdam.
CICI: Oo nga pala kuya, asan si tatay?

RAFAEL: Maagang umalis si tatay kagabi para magtrabaho upang makabili tayo ng mga
gamut ni nanay.

JAN RAE: Habang nag-uusap-usap ang magkakapatid ay biglang tinawag ng kanilang ina si
Rafael kaya’t bigla silang napatahimik.
JULIANA: Rafael, anak!
RAFAEL: Po, nay. Ano pong kailangan niyo?
JULIANA: Anak, ikaw na muna mag-alaga sa mga kapatid mo ha?
RAFAEL: Okay po nay. Tawagin mo na lang po ako kung may kailangan kayo?

JAN RAE: Umalis kaagad ng kwarto si Rafael upang paghandaan ng pagkain ang kanyang
mga kapatid. Nang matanong ni Miggy kung ano ang pinag-usapan nila ng kanilang ina.
MIGGY: Kuya, ano pong sinabi ni nanay?

RAFAEL: Ako daw muna ang mag-alaga sa inyo kasi may sakit si nanay at nasa trabaho si
tatay kaya magpakabait kayo ha?
JEUELLE: Ganoon ba kuya? Gusto mo tulungan ka na lang namin?

CICI: Oo nga kuya. Pwede naming hindi muna kami pumasok sa paaralan para matulungan
ka naming maalagaan si nanay.

RAFAEL: Naku! Hindi dahil may sakit si nanay ay kailangan niyo ng lumiban sa klase. Bilin ni
tatay na mag-aral kayo ng mabuti. Kaya kumain na kayo para makapaghanda na kayo
papuntang paaralan.
MIGGY: Tama si kuya, ang mag-aral ng mabuti ang tanging magiging tulong natin kay nanay.

JAN RAE: Lumipas ang buong araw, si Rafael ay matiyagang inaalagaan ang kanyang ina
habang sina Miggy, Jeuelle, at Cici ay kauuwi lamang galling sa paaralan.
JEUELLE: Kuya! Andito na kami.

RAFAEL: Miggy, Jeuelle, Cici. Mabuti’t nakauwi kayo ng maaga. May mga takdang-aralin ba
kayo?
MIGGY: Mayroon akong takdang-aralin kuya pero kaya ko na itong gawin.

JEUELLE: Ako kuya, wala akong takdang-aralin pero gusto ko magpaturo sa’yo tungkol sa
Filipino kasi hindi ko maintindihan yung tinuro sa amin sa paaralan.
CICI: Kuya, mayroon din akong takdang aralin kaso hindi ko alam kung paano gawin.

RAFAEL: Ganoon ba? Magbihis na kayo at kumain ng meryenda para maturuan ko kayo sa
inyong takdang aralin.

JAN RAE: Lumipas ang ilang oras at natapos nang tulungan ni Rafael ang kanyang mga
kapatid sa kani-kanilang mga takdang-aralin nang dumating ang kanilang ama…
CICI: Tay, mano po.
PRINCE: Pagpalain nawa kayo ng Diyos. Kamusta na ang nanay niyo?
MIGGY: Ayos naman po siya tay. Kayo po, kamusta ang trabaho?

PRINCE: Okay naman anak. Nakuha ko ng maaga ang aking sweldo kaya nakabili ako ng
gamot ng nanay niyo. Eh kayo, kamusta naman kayo? Nagpakabait ba kayo nung wala ako?

JEUELLE: Okay din naman po kami. Nagpakabait po kami at nag-aral ng maigi tulad ng bilin
niyo.

PRINCE: Rafael, anak. Salamat talaga kasi inalagaan mo ng maigi ang mga kapatid mo
lalong lalo na ang inyong nanay.
RAFAEL: Walang anuman po tay. Basta para sa pamilya gagawin ko ang lahat.

JAN RAE: Lumipas ang mga araw at tuluyan ng gumaling ang kanilang ina. Namuhay ang
pamilya Saligao ng puno ng pagmamahal para sa isa’t isa. At dito nagtatapos ang aming
kwento. Magandang umaga at maraming salamat po.

You might also like