You are on page 1of 21

MODULE WEEK 16

Republic of the Philippines


NORTHERN BUKIDNON STATE COLLEGE
(Formerly Northern Bukidnon Community College) R.A.11284
Manolo Fortich, 8703 Bukidnon • 0975-3032951• nbscadmin@nbsc.ph
Creando futura, Transformationis vitae, Ductae a Deo

TEACHER EDUCATION DEPARTMENT


FIL4- Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya
Semester of A.Y. 2021-2022

Instructor: MARITES L. SALCE. MA

Panimula

COU Ang ating Modyul 4 sa linggo 10-11 , ang paksa rito ay nakapokus sa sintaksis. ( Palaugnayan).
Malalaman dito ang paraan sa pagbuo ng iba’t ibang pangungusap sa gagamitin sa maayos at mabisang
pakikipagtalastasan.
RSE
MOD
ULE

Inaasahang Bunga sa Pag-aaral

Paksa: Sintaksis/ Palaugnayan

A. Natutukoy ang kahulugan ng sintaksis sa pagbuo ng pangungusap.,

B. Nakikilala ang kahalagahan ng mga salita sa pagbuo ng maayos at mabisang pangungusap.

C. Nasusuri ang mga kaanyuan ng mga pangungusap tungo sa epektibong pakikipagpagtalastasan.

Paunang Gawain

Kilalanin ang mga sumusunod kung ito ba ay may kahulugan o wala.


1
Crafted by
MODULE WEEK 16

a. Sunog! – pagsasabi ng may hindi magandang nangyari.

b. nasa plasa –pagturo ng pinupuntahan

c. may kasama -

d. Walang magawa sa buhay.-

e. kaya natutulog na lang -

Diskusyon ( Talakayan )

COU Sintaksis ( Palaugnayan)

RSE - Ito ang pagsasama-sama o pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng mga pangungusap.
ang panapos na himig na ito ang nagsasaad na naipahayag na ng nagsasalita ang isang diwa o
MOD kaisipang nais niyang ihayag sa kausap.

ULE

- Lipon ng mga salitang may iisang diwa o kahulugan.

Mga halimbawa:

1. Nanay!

- Ito ay panawag.

2. Aray!

- Nagsasaad ng matinding damdamin

3. May sunog!

2
Crafted by
MODULE WEEK 16
- Nagbabadya na may bagay na nasusunog.

4. Halika.

- Papalapitin ang isang tao

5. Sulong !

- Pag-uutos ang kahulugan nito.

6. Maandang umaga po.

- Pormulasyong panlipunan/ pagbati

COU 7. Opo.

RSE - Panagot sa tanon.

MOD
8. Umuulan.
ULE - Pandiwang palikas o phenomenal.

9. Maraming magagandang pook sa Pilipinas.

- Ang salitang maraming ay may asimilasyon ( mabilis na pagbigkas)

10. Umuunlad ang bayan.

- Sambitla na may simuno at panaguri.

Pangungusap na may simuno at panaguri.

Paksa- bahagi ng pangunusap na pinagtutuunan ng pansi sa loob ng pangungusap.

- Ito ay maaaring tao, hayop, bagay , lugar o pangyayari na gumaganap ng

3
Crafted by
MODULE WEEK 16
kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa.

Halimbawa:

Si Kulas ay nagsisibak ng kahoy.

Ang Bukidnon ay mapayapang lugar.

Ang Flores de Mayo ay palapit na.

Mga uri ng paksa

1. Paksang Pangngalan

Halimbawa:
COU Sumusulat ng tula ang ate Krizzel.

RSE Naghihintay ng ulan ang mga magsasaka.

MOD
ULE

2. Paksang Panghalip

Halimbawa:

Kami ay naglilinis sa bakuran

Sila ay gumagawa ng proyekto sa Araling Panlipunan.

3. Paksang Pang-uri

Halimbawa:

Hinahangaan ang matatalino.

4
Crafted by
MODULE WEEK 16
Kapuri-puri ang matapat na bata.

4. Paksang Pang-abay

Halimbawa:

Ang dito ay nalinis na nila.

Ang doon ay pinaglalaruan ng mga bata.

5. Paksang Pandiwa

Halimbawa:

Huwag mong ambalain ang nanalangin.

Magagaling ang mga nagsasayaw.


COU
RSE 6. Paksang Pawatas

MOD Halimbawa;

Ang hilig niya ang magpinta.


ULE Libangan n ani Mayette ang magluto ng mga keyk.

Panaguri- ay bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa.

Uri ng panaguri:

1. Panaguring Pangngalan

Halimbawa:

Career Guidance ang pokus ng usapan ng mga mag-aaral.

Tungkol sa paglaban sa Covid 19 ang ibinalita ngayon sa tv at radyo.

2. Panaguring Panghalip

5
Crafted by
MODULE WEEK 16
Halimbawa:

Siya ang kalihim ng KAMPIL.

Kayong mga kababayan naming ang aming inaasahan na makapagtuloy nitong

aming nasimulan,

3. Panaguring Pang-uri

Halimbawa: Malamig ang tubig na galing sa banga.

Mainam sa kalusugan ang preskong hangin.

4. Panaguring Pandiwa

Halimbawa:
COU Nagluluto ang ate Tessie.

RSE Nagdidilig si Impo Tasing.

MOD
5. Panaguring Pang-abay
ULE Halimbawa:

Bukas ang alis namin.

Ganito ang paglilinis ng Tilapia.

6. Panaguring Pawatas

Halimbawa:

Magbasa ang nakahiligan ni Bunso.

Magtahi ang naging hanapbuhay niya sa probinsya.

6
Crafted by
MODULE WEEK 16

Kayarian ng Panaguri

- Ang Panaguri ay maaaring buuin ng isang salita. Isang parirala o isang sugnay.

- Ito ay maaaring pangngalan, panghalip, pang-uri, pang-abay, pandiwa , o pawatas.

Ang mga panaguri sa sumusunod na mga halimbawa ay mga payak.

1. Panaguring Parirala

Halimbawa:
COU Hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap ang pulong nina Mayor kanina.

RSE Tungkol sa sasakyang pandigma na nasa laot ng Palawan ang balita.

MOD
ULE 2. Halimbawang Pawatas

Halimbawa:

Mag-aral magmaneho ng kotse ang pinagkaabalahan niya.

Magbungkal lupa sa likod bahay ang ginagawa ng mag-ama.

3. Panaguring Sugnay

Halimbawa:

Ang sinabi niya ay ipapadala raw kami sa Thailand.

May mga panaguri ding Tambalan.

1. Panaguring Tambalang Pangngalan

Halimbawa

7
Crafted by
MODULE WEEK 16

Ang inutusan ko ay si Sam at si Miko.

Kape at asukal ang di dapat magkahiwalay sa mesa.

2. Panaguring Tambalang parirala

Halimbawa:

Hinggil sa kalusugan at tungkol sa wastong pagkain ang nilalaman ng mga artikulo.

3. Panaguring tambalang sugnay


COU Halimbawa:

RSE Ang iniutos niya ay samahan mo kami sa mall at kakain din tayo sa Jollibee.

MOD
Kayarian ng Paksa
ULE
- Ang paksa ay maaari buuin ng isang salita, isang parirala , o isang sugnay.

- Katulad ng panaguri , ang paksang iisahing salita ay ginagamitan ng isang pangngalan, panghalip,
pang-uri, pang-bay, pandiwa, o pawatas.

1. Paksang pariralang pang-ukol

Halimbawa:

Ang para sa amin ay ibigay mo doon sa kanila na higit na nangangailangan.

8
Crafted by
MODULE WEEK 16
2. Paksang Pariralang Pawatas

Halimbawa:

Nakawiwili ang paghuni ng ibon sa sanga ng bayabas.

3. Paksang Sugnay

Halimbawa:

Na mayaman sa maganda at likas na tanawin ang Mindanaw ay hindi mapasubalian.

Kapag ang paksa ay higit sa dalawa ito ay tambalan.


COU
RSE 1. Simunong tambalang salita

MOD Halimbawa:

ULE Si Balagtas at Husing Sisiw ay mga makatang Pilipino.

2. Simunong Tambalang parirala

Halimbawa”

Ang hinggil sa sosyolohoya at sikolohiya ang mga asignatura na itinuturo niya.

3. Simunong tambalang sugnay

Halimbawa:

Kung ikaw ay maglalaro o ikaw ay magpasyal sa darating na bakasyon , iyan ay iyong


pagpapasyahan.

9
Crafted by
MODULE WEEK 16
Mga Pangungusap na Walang Simuno

Sa Filipino ay may mga pangungusap na walang simuno o walang paksa.

1. Mga pangungusap na eksistenyal

- Ang mga pangunusap na ito ay nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, bagay,
atb. Pinangunahan ito ng may o mayroon.

Halimbawa;

May mga turista ngayon sa Dahilayan.

Mayroon ganito rito.

COU
RSE 2. Mga pangungusap na Pahanga

- Nagpapahayag ng damdamin ng paghanga.


MOD Halimbawa:

ULE
Kayganda ng tanawin sa Valencia.

Ang tapang mo pala!

3. Mga maiikling sambita

- Ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng


matinding damdamin.

Halimbawa:

10
Crafted by
MODULE WEEK 16
Ay! Aray!

4. Mga pangungusap na pamanahon.

- Nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

Halimbawa:

Alas dose na. Maalinsangan ngayon Maaga pa.

5. Mga Pormulasyong Panlipunan

- Mga pagbati, pagbibigay-galang, atb., nakagawian na sa lipunang Pilipino.

Halimbawa:
COU
RSE Magandang hapon po. Tao po.

MOD
Pagpapalawak ng Pangungusap
ULE - Ang mga pampalawak ng pangungusap;

1. Mga Paningit bilang pampalawak- ito ay mga paningit o ingklitik, katagang isinasama sa
pangungusap upang higit na maging malinaw ang kahulugan nito.

Halimbawa:

Bakit ka nga ba hindi agad dumating?

Ang bata na ang tawagin mo.

Hinintay ko naman ang iyong pagdating.

2. Mga Panuring bilang Pampalawak

11
Crafted by
MODULE WEEK 16
May dalawang kategorya

Narito ang ilang pangungusap na nagpapakita ng pagpapalawak sa pamamagitan ng mga

pang-uri.

a. Batayang Pangungusap

Ang mag-aaral ay iskolar.

Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri.

COU Ang matalinong mag-aaral ay iskolar.

RSE
MOD Pagpapalawak sa pamamagitan ng pariralang panuring

ULE 1. Ang matalinong mag-aaral sa klase ko ay iskolar.

2. Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan ay iskolar.

3. Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan ay iskolar sa pamantasan.

4. Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan ay iskolar ng pamahalaan sa Pamantasan.

5. Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan na magaling magtalumpati ay iskolar ng pamahalaan


sa pamantasan.

b. Pagpapalawak ng Pangungusap sa Pamamagitan ng ibang bahagi ng panalita na gumaganap na


tungkulin ng pang-uri

12
Crafted by
MODULE WEEK 16

1. Pangngalang ginagamit na panuring

Halimbawa:

Ang mag-aaral na babae ay iskolar.

2. Panghalip na ginagamit na panuring.

Halimbawa:

Ang mag-aaral na babaing iyon ay iskolar.


COU
RSE 3. Pandiwang ginagamit na panuring

MOD Halimbawa

ULE Ang mag-aaral na babaing iyon na nagtatalumpati ay iskolar.

Bigyang-halimbawa ang mga pampalawak na Pang-abay.

a. Batayang Pangungusap

Umalis ang mag-anak.

b. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay na pamanahon

Umalis agad ang mag-anak.

c. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay na pamaraan.

13
Crafted by
MODULE WEEK 16

Patalilis na umalis agad ang mag-anak.

Mga Kaganapan ng Pandiwa Bilang Pampalawak

1. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang ganapan ng kilos ng Pandiwa:

Halimbawa:

Nagpiknik ang mag-anak sa tabing- dagat.

COU 2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang kagamitan sa kilos ng pandiwa

RSE Halimbawa:

MOD
Sinugpo ni Kaloy ang mga kulisap ng kanyang pananim sa pamamagitan ng gamot-
ULE pamatay- kulisap na inirekomenda ni Mang Nestor.

3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang sanhi.

Halimbawa; Yumaman siya dahil sa sipag at tiyaga.

4. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagaganap ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:

Kinagalitan ni Mang Anselmo ang kanyang panganay.

14
Crafted by
MODULE WEEK 16

5. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang layon

Halimbawa:

Namili ng mga relos si Finna.

6. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagatanggap

Halimbawa”

Nagluto si Salling para sa mga pamangkin.

COU Ayos ng Pangungusap

RSE
MOD Sa Filipino ang ayos ng pangungusap, nauuna ang paksa at sinundan ng panaguri.

ULE Narito ang ilang halimbawa ng mga pangungusap na nasa karaniwan ayos na pagkatapos ay inilagay sa di-
karaniwang ayos.

a. K- Lubhang makulay ang mga pista ng mga muslim sa Pilipinas.

DK- Ang mga pista ng mga muslim sa Pilipinas ay lubhang makulay.

b. K - Taunang pagdiriwang sa Kalibo, Aklan, ang Ati-atihan.

DK- Ang Ati-atihan ay taunang pagdiriwang sa Kalibo, Aklan.

c. K- Pinagdarayo ng mga deboto ang kapistahan ng Banal na Awa ng El Salvador.

DK- Ang kapistahan ng Banal na Awa sa El Salvador ay pinagdarayo ng mga deboto.

15
Crafted by
MODULE WEEK 16

Setting application/Pagsagawa ng mga gawain

Pagsasanay: 10 pts

a. Bumuo ng 5 aytem na pasulit sa Tama/ Mali.

________1. Ang sintaksis ay ang pagsasama-sama o pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng
mga pangungusap.

_________2.Ang paksa ay bahagi ng pangunusap na pinagtutuunan ng pansi sa loob ng pangungusap.

_________3. Ang Panaguri ay bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon


tungkol sa paksa.

COU
_________4. Ang paksa ay maaari buuin ng dalawang salita, tatlong parirala , o apat sugnay.

_________5. Sa Filipino ang ayos ng pangungusap, pumapangalawa ang paksa at sinundan ng

RSE panaguri.

b. Bumuo ng 5 aytem na pasulit Pagtatapat-tapat.


MOD _________1. Ito ay panawag. A. Sulong !

ULE _________2. Papalapitin ang isang tao. B. May sunog!

__________3. Pag-uutos ang kahulugan nito. C.Halika.

__________4. Nagsasaad ng matinding damdamin. D. Nanay!

___________5. Nagbabadya na may bagay na nasusunog. E. Aray!

Pagtataya

Gawan ng limang aytem na pasulit ang mga sumusunod:

a. Pangungusap ayon sa bantas na ginagamit

1. Ano ang pangungusap na nagsasaad o nagsasabi ukol sa isang paksa? Ito


ay nagsasalaysay at nagtatapos sa bantas na tuldok.
2. Ano ang pangungusap na naghahanap ng kasagutan? Nagtatapos ito sa
tandang pananong.
3. Ano ang pangungusap na nagsasabing gawin ang isang bagay?
Nagtatapos ito sa tuldok.
4. Ano ang pangungusap na naguutos? Ito ay pangungusap na nakikiusap o
16
Crafted by
MODULE WEEK 16
nakikisuyo. Maari din itong magtapos sa tuldok o tandang pananong.
5. Ano ang pangungusap na nagsasaad ng matinding damdaming gaya ng
galit, tuwa, lungkot, inis, o gigil? Nagtatapos ito sa tandang padamdam

b. Pangungusap na walang paksa

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng pangungusap na walang


paksa?
a. Nagsasaad ng oras o panahon
b. Pangungusap ng pagbati, pagbibigay-galang, at iba pang
nakagawian sa lipunang Pilipino
c. Kumusta?
d. Nagtatanong
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng pangungusap na walang
paksa?
a.Pangungusap na nagpapahayag ng pagka-mayroon o pagkawala
b.Naghahayag ng matinding damdamin

c.Iisahing salita o panawag ng pangngalan


COU d.Nagsasaad ng kuwento

RSE 3. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na walang paksa?

MOD
a. Magandang araw.

b. Sa ibang rehiyon na di Tagalog, hindi ginagamit ang po at opo.

ULE c. Gusto kong makatulong sa kapayapaan ng bayan.

d. Nakikinig ako tungkol sa mga alituntuning makabubuti sa akin.

4. Alin sa mga sumusunod ay HINDI pangungusap na walang paksa?

a. Kumusta na?

b. Sa ibang rehiyon na di Tagalog, hindi ginagamit ang po at opo.

c. Sus, talaga!

d. Anu, bola

5. Alin sa mga sumusunod ay HINDI pangungusap na walang paksa?

a. May mga batas na nagbibigay-proteksyon sa karapang-pantao.

b. isa ako sa nagbabantay upang mabigyan ng proteksyon ang mga Pilipino.

c. Walang makakasakit sa iyo.

d. May batas para sa lahat

c. Ayos ng pangungusap

17
Crafted by
MODULE WEEK 16
1. Ano ang tawag sa ayos ng pangungusap kapag nauuna ang simuno kaysa sa panaguri?

a. karaniwang ayos

b. di- karaniwang ayos

c. payak na ayos

d. buong ayos

2. Ano ang tawag sa ayos ng pangungusap kapag nauuna ang panaguri kaysa sa simuno?

a. karaniwang ayos

b. di-karaniwang ayos

c. payak na ayos

d. buong ayos.

3. Aling pangungusap ang nasa karaniwang ayos?


COU a. Ang ina at anak ay sabay umalis.

RSE b. Malugod niyang tinanggap ang paanyaya.

MOD c. Si Daniel Cruz ay isang matapat na kawani.

d. Ang magkakapatid ay naglinis ng kanilang bakuran


ULE 4. Alin ang may naiibang ayos ng pangungusap ?

a. Ang katalinuhan ng bata ay nagdulot ng saya sa kanyang mga magulang.

b. Dakila ang ginawang paglilingkod ng mga bayani sa Inang Bayan.

c. Dapat panatilihin ang kapayapaan sa lahat ng dako sa mundo.

d. Hindi karapat-dapat ang pag-aaksaya ng ano mang bagay.

5. Ano ang ayos ng pangungusap na ito?Ang Sinulog ay isang masayang pagdiriwang na ginaganap sa Cebu.

a.karaniwang ayos

b. di-karaniwang ayos

c. payak na ayos

d.buong ayos

18
Crafted by
MODULE WEEK 16

Proyekto

Pumili ng isa sa sub-topic ng pangungusap at gawan ng banghay-aralin, sa Ikalimang baitang ( Grade V) sa


puntong ito maaari na kayong magsanib ng panitikan, halimbawa tula, alamat, pabula o maikling
kwento at araw na isasagawa ang pagtututo at gawan ng tatlong IM’s / visual aids : 25 pts

COU A. Banghay Aralin sa Grade V

RSE B. IM’s

MOD 1. Isa para sa pangganyak

2. Isa para sa presentasyon/paglalahad sa panahon ng talakayan


ULE 3. Isa para sa inihandang pasulit

Dedlayn sa Pagsumite nito: Abril 13, 2022 sa Google Classroom.

Pagsagawa ng Pedbak

19
Crafted by
MODULE WEEK 16

Sa isang talata isulat ang iyong naramdaman sa paksa na ating tinalakay sa Modyul 4 pati ang mga
inihandang mga gawain para sa ikaunawa at ikatututo mo. 10 pts

Sagot:Ang paksang ating tinalakay ngayon ay natutuwa ako daahil

Dapat nating pag-aralan ang syntax upang maunawaan kung paano nakuha ng mga bata ang kanilang
wika, kung paano sila nagsimulang bumuo ng mga pangungusap at sa anong yugto nila natutunan ang
mga tacit syntactic na panuntunan ng wika. Mula sa mga ideyang ito ng mga parameter ng
lingguwistika, maaari nating matutunan, gamitin at ituro ang tamang paraan ng paggawa ng mga
pangungusap.
COU
RSE
MOD Pinagkukunan at iba pang sanggunian

ULE
Alejandro, Rufino, A Handbook of Tagalog Grammar, University Publishing Company , 1967

Badayos, Paquito B., et al., Komunikasyon sa Akademikong Filipino ( Aklat sa Filipino I


- Antas Tersyarya) Mutya Publishing House, 6 Baltazar St. Pacheco Village,
Balubaran, Valenzuela City, 2007

Bernales, Rolando A. ,et al., Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon ( Batayan
at Sanayang Aklat sa Filipino I, Antas Tersyaryo) Mutya Publishing House , 6 Baltazar
St.Pacheco Village, Balubaran, Valenzuela City, 2007

Llamson, Teodoro A., Fe Laura del Rosario & Marinela Sachez. Makabagong Balarila ng Wikang
Tagalog. Areneo Language Center Loyola Hts. Quezon City, 1972 ,

Santiago, Alfonso O. “Ilang Mungkahing Pagbabago sa Ortograpiya ng Wikang Filipino,” Di-


nailathalang Tesis sa Master ng Sining sa Edukasyon, Philippine Normal Colleg, 1967

Santiago, Alfonso O. at Norma G. Santiago, Makabagong Balarilang Filipino ( Binagong Edisyon),


Rex Book Store, Inc. 84-86 P. Florentino, Sta Mesa Heights, Lungsod ng Quezon, 2003

20
Crafted by
MODULE WEEK 16
Santiago, Alfonso O. Panimulang Linggwistika, Quezon City, Rex Printing Co., Inc. 1979

Elektronikong Sanggunian

https:// It.mwikiepedia.org

https:// tagisangtalino.weekly.org

https:// brainly.ph

https:// tagaloglang.com

https:// m.facebook.com

https:// tl.unionpedia.com

https://jeelordeedublogbswf.wordpress.com
COU https:// www.tagalog.doctionary.com

RSE
MOD
ULE

21
Crafted by

You might also like