You are on page 1of 1

Penomenolohiya ng Kasiyahan

By: Joanne G. Tolentino, Coronation

"Happiness is a choice". Ito ang madalas kong marinig sa mga taong


nakapaligid sa akin, sa social media at sa aking mga kakilala. Hindi raw
magiging masaya ang isang tao kung hindi nito pipiliing maging masaya.

Isang araw, ipinaalam sa amin ng aming ina ang isang masamang


balita. Pumanaw na raw ang aking lolo. Siya ang nakasama ko sa aking
paglaki. Napakasakit tanggapin na ang isang taong nakasama ko ng matagal
ay wala na. Sabi nila, happiness is a choice ngunit kahit pilitin kong
maging masaya ay naaalala ko pa rin siya. Kahit masakit ay unti unti
kong tinanggap ang katotohanang iniwan niya na kami. Gumawa ako ng paraan
upang maituon ko sa iba ang atensiyon ko at hindi na maramdaman o kahit
maisantabi lamang ang lungkot. Sa paglipas ng panahon, natanggap ko ng
wala na siya at natutunan ng maging masaya sa mga bagay na naririyan pa.

Happiness is a process not just a choice. Hindi naman porket pinili


mong maging masaya ay magiging masaya ka na. Isa itong proseso ng
pagtanggap, pagpapalaya at pagkilos na nangangailangan ng oras at
panahon. Base sa aking karanasan, tinanggap ko ang masakit na
katotohanang pumanaw na ang aking lolo. Sa pagtanggap kong ito ay
pinalaya ko na rin ang aking sarili sa lungkot at sakit. Kumilos ako
upang bigyang atensiyon ang mga bagay na naririyan at nakapagpapasaya
sa akin. Dumaan ako sa isang proseso na gumugol ng oras at panahon.

Sa pag-ibig, ang isang taong iniwanan ng walang dahilan ay


kailangang tanggapin na siya ay iniwan upang palayain ang sarili sa sakit
at poot at kailangan niyang kumilos upang makahanap ng ibang bagay na
makapagpapasaya sa kaniya. Ang isang taong humahanap ng kasiyahan sa
piling ng Panginoon ay kailangang tanggapin na siya ay nagkasala sa
Diyos. Kailangan niyang palayain ang sarili mula sa mga nakagawiang
masasamang bagay at kumilos ayon sa utos at salita ng Panginoon. Ang
isang taong may broken family ay kailangan tanggapin ang katotohanang
ito, palayain ang sarili sa mga negatibong dulot nito at bigyang
atensiyon ang ibang mga bagay na nariyan pa at nakapagpapasaya sa kaniya.

You might also like