You are on page 1of 24

K

Kindergarten
Ikatlong Markahan – Modyul 1.1
Mga Araw sa Isang Linggo at
Mga Buwan sa Isang Taon
Kindergarten
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1.1 Mga Araw sa Isang Linggo at Mga Buwan sa Isang Taon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Regional Director: May B. Eclar, PhD, CESO IV
Assist. Regional Director: Roda T. Razon, EdD, CESO V

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marites P. Espiritu
Editor: Sheralyn M. Allas, RGC,PhD, Catherine P. Laureta, Lester Henderson T. Zabala, Janice G. Acosta
Tagasuri: Reynaldo Cabrera, Wilma Turgo, Ma. Editha R. Caparas,EdD, Rosalinda S. Ibarra, PhD, Mark G. Asuncion
Tagaguhit: Marites P. Espiritu
Tagalapat: Marites P. Espiritu, Janice G. Acosta
Tagapamahala: Johanna N. Gervacio, PhD, CESO VI
Raul M. Marin, PhD, CESE
Librada M. Rubio, PhD
Rosalinda S. Ibarra, PhD
Ma. Editha R. Caparas,EdD
Nestor Nuesca, EdD
Veronica B. Paraguison,PhD
Sheralyn M. Allas, RGC,PhD
Sierma R. Corpuz

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Rehiyon III

Office Address: Matallino St., Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
K
Kindergarten
Ikatlong Markahan - Modyul 1.1
Mga Araw sa Isang Linggo at
Mga Buwan sa Isang Taon
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang
pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa
pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may
kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa
bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang
mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas
ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo
ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha
Subukin
mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
Suriin
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

ii
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay
at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Pagyamanin
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
Isaisip
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na situwasyon o realidad ng
buhay.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin
Magandang araw! Ngayon ay aalamin natin ang iba’t-ibang araling nakapaloob sa
modyul na ito na dinisenyo para sa mag-aaral ng kindergarten kagaya mo.
Sa modyul na ito ay kikilalanin mong mabuti ang mga araw sa isang linggo at mga
buwan sa isang taon
Sa modyul ding ito ay susubukin natin ang iyong galing sa pagsulat at pagkulay.
Isapuso at gawin nang buong husay ang mga nakapaloob na gawain na huhubog sa
iyong kakayahan.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang (2) aralin:
Aralin 1 Mga Araw sa Isang Linggo
Aralin 2 Mga Buwan sa Isang Taon
Matapos ang aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
Nasasabi ang mga araw sa isang Linggo, Mga buwan sa isang Taon; (MKME-00-8)

1
Subukin
Isang magandang araw sa iyo aking masipag na mag-aaral.

Ngayong araw na ito ay ating tutuklasin kung lubos mong kilala ang mga araw sa
isang linggo.
Panuto: Hanapin at kulayan ang kahon sa ibaba kung ano ang araw ngayon,
pagkatapos ay gayahin at isulat ito sa patlang. Gawin ito sa kalakip na sagutang papel.

Linggo Lunes Martes Miyerkules

Huwebes Biyernes Sabado

______________________________________

2
Aralin
Mga Araw sa Isang Linggo
1
Tuklasin
Sa kuwentong ito ay malalaman mo ang ibat-ibang araw na mayroon tayo sa isang
linggo. Pakinggan natin ang kuwento na babasahin ng iyong tagapagdaloy.

Pitong Araw sa Isang Linggo


Marites P. Espiritu

Ang pamilya nila Omar ay nagsisimba tuwing Linggo. Sila ay taimtim na


nagdarasal sa Poong Maykapal. Binibigyan nila ng pagpapahalaga ang araw
ng linggo para sa Panginoon.
Pagsapit ng Lunes, unang araw ni Omar ng pagpasok sa paaralan na kung
saan maaari siyang matutong bumasa, sumulat, gumuhit at marami pang iba.

3
Tuwing Martes, sila ay nag-aaral gamit ang clay. Sa pamamagitan ng clay
sila ay nakabubuo o nakamomolde ng ibat ibang hugis katulad ng bilog,
paggawa ng bulaklak at marami pang iba na maari nilang makita sa kanilang
silid-aralan upang gayahin.
Ang araw ng Miyerkules ay araw ng pagguhit at pagkukulay. Tuwang tuwa
si Omar at ang kaniyang mga kamag-aral dahil sa makukulay na krayola.
Tuwing Huwebes, sila ay nagsusulat. Itinuturo sa kanila ang tamang pagsulat
ng mga letra at bilang.
Ang araw naman ng Biyernes ay pagkakataon nila na makapaglaro ng
blocks. Sila rin ay maaring magsayaw o maglaro sa labas ng silid-aralan na
ginagabayan ng kanilang guro.
Masaya sina Omar at ang kanyang mga kaklase sa limang araw nila sa
paaralan.
Ang araw naman ng Sabado ang pagkakataon ni Omar na makasama
ang kaniyang pamilya. Tuwing Sabado ay maari silang makapaglaro ng
kaniyang mga kapatid o makapamasyal sila sa iba’t ibang lugar.

4
Suriin

Ang mga araw sa isang linggo ay Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes,
Biyernes at Sabado.
Panuto: Isulat sa patlang kung anong araw naganap ang mga pangyayari ayon sa
kuwento. Gawin ito sa kalakip na sagutang papel.

1. 4.

2. 5.

3.
5
Pagyamanin

Panuto: Bakatin ang mga araw sa isang linggo. Gawin ito sa kalakip na sagutang
papel.

1. Linggo Huwebes 5.

2. Lunes Biyernes 6.

3 .Martes Sabado 7.

4. Miyerkules
6
Isaisip
Ang mga araw sa isang linggo ay Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes,
Biyernes at Sabado.

Isagawa
Panuto: Bilugan kung anong araw ang dapat na kasunod. Gawin ito sa kalakip na
sagutang papel.
1. Linggo Lunes Martes Miyerkules

2. Martes Huwebes Miyerkules Biyernes

3. Huwebes Lunes Biyernes Sabado

4. Miyerkules Biyernes Martes Huwebes

5. Sabado Linggo Huwebes Biyernes

7
Aralin
Mga Buwan sa Isang Taon
2
Tuklasin
Panuto: Bakatin ang bawat buwan sa isang taon. Gawin ito sa kalakip na sagutang
papel.

1. Enero 5. Mayo 9. Setyembre

2. Pebrero 6. Hunyo 10. Oktubre

3. Marso 7. Hulyo 11. Nobyembre

4. Abril 8. Agosto 12. Disyembre

8
Suriin
PAGDIRIWANG SA BAWAT BUWAN

9
Enero – Bagong Taon Pebrero – Araw ng mga Puso

Marso – Fire Prevention Month Abril – Araw ng Kagitingan

Mayo- Araw ng mga Manggagawa Hunyo – Araw ng Kalayaan

10
Hulyo- Buwan ng Nutrisyon Agosto- Buwan ng Wika

Manuel L. Quezon

Setyembre- Scouting Month Oktubre- Buwan ng Nagkakaisang Bansa

Nobyembre- Araw ng mga Patay Disyembre- Pasko

11
Pagyamanin
Panuto: Piliin sa loob ng kahon at isulat sa patlang kung anong buwan nagaganap
ang mga pangyayari. Gawin ito sa kalakip na sagutang papel.

1. 4.

2. 5.

Hulyo Enero
Nobyembre Setyembre
3.
Disyembre

12
Isaisip
Ang mga buwan sa isang taon ay Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo,
Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre.

Isagawa
Panuto: Ikahon kung anong buwan ang dapat na kasunod. Gawin ito sa kalakip na
sagutang papel.
1. Enero Pebrero Abril Agosto

2. Abril Hunyo Mayo Setyembre

3. Nobyembre Marso Hulyo Disyembre

4. Setyembre Agosto Oktubre Nobyembre

5. Marso Enero Abril Pebrero


13
14
Aralin 1 Aralin 2
Suriin Tuklasin
1. Linggo
2. Biyernes
3. Huwebes
4. Lunes
5. Sabado
Pagyamanin
Pagyamanin
1. Setyembre
2. Hulyo
3. Disyembre
4. Nobyembre
5. Enero
Isagawa
Isagawa
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Kindergarten Teachers’ Guide (2017). Department of Education – Bureau of Learning
Resources (DepEd – BLR), Ground Floor, Bonifacio Building, DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Materials, Teaching, Reading Articles, and Be Contributor. “ Most Essential Learning


Competencies (MELC) KG To Grade 12 SY 2020-2021.” Deped Click, 2020.
https://www.deped-click.com/2020/05/most-essential-learning-
competencies.html.

Mga Kasanayan para sa Kahandaan sa Pagkatuto ( Readiness Skills workbook ) Revised


Edition 2010. Curriculum development Division Bureau of Elementary Education R.
M 204 Bonifacio Building, depEd Complex Meralco Avenue , Pasig City,
Philippines 1600

15
Preschool Education Handbook for Teachers (2003), Revised Edition. Department of
Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR), Ground Floor, Bonifacio
Building, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Standards and Competencies for Five-Year Old Filipino Children (2009). Department of
Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR), Ground Floor, Bonifacio
Building, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Standards and Competencies for Five-Year Old Filipino Children (2011). Department of
Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR), Ground Floor, Bonifacio
Building, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of San Jose City Nueva Ecija

San Jose-Lupao Road, Sto Niño 1st, San Jose City Nueva Ecija

Telefax: (044) 8940-9740

Email Address: sanjose.city@deped.gov.ph

17

You might also like