You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Schools Division of Zamboanga Del Norte
Manukan I District

Banghay Aralin sa Filipino 3

I– 1. Nakikilala ang mga salitang may kambal – katinig o klaster


2. Naisusulat at nababasa nang maayos ang mga salitang may kambal katining o klaster

II – Mga salitang may kambal – katinig o klaster


Batang Filipino Sa Isip Salita at Gawa LM-
Kagamitan: tsart, mga larawan, activity envelopes
Kasunduan: Makinig at Makilahok sa Pangkatang Gawain

III - A. Paghahanda
1. Pambukas sa Awit
2. Pagbibigay Kasunduan

B. Paglalahad:
Basahin ang mga pangungusap at sagutin ang mga tanong pagkatapos.

1. Sumakay ng tren si Katrina.

2. Iligpit agad ang plantsa pagkagamit.

3. Isarang mabuti ang gripo para hindi maaksaya ng tubig.

4. Malaking eroplano ang sinakyan ni Glenda galling Amerika.

5. Pinutol ni Pedro ang troso.

C. Pagtatalakay:
Basahin ang mga sumusunod na mga salita.

Katrina Glenda
tren eroplano
plantsa Pedro
gripo torso

Ang mga salitang ito ay tinatawag na salitang may kambal-katinig o klaster. Ito ag mga salitang binubuo
ng pinagsamang tunog ng dalawang kating na nasa unahan, sa gitna o nasa hulihan ng salita.
Halimbawa:
Unahan Gitna Hulihan
drama abril maestro
plato biskwit oktubre
gripo eroplano sobre
plorera kontrabida siyempre
trak imprenta Pedro

Sa unang hanay, saang pantig mababasa ang dalawang magkasunod na katinig na sinusundan ng patinig
na may iisang tunog?
Sa ikalawang hanay, saang pantig ng salita mababasa ang dalawang mag-kasunod na katinig na
sinusundan ng patinig na may iisang tunog?
Sa ikatlong hanay, saang pantig ng salita mababasa ang dalawang magkasunod na katinig na
sinusundan ng patinig na may iisang tunog?

D. Ginabayang Pagsasanay:

Ngayon, mayroon akong mga salita a loob ng kahon. Kukuha kayo ng tig-iisa at idikit ninyo
sa tsart kung aling hanay ito kabilang.

Walang Klaster May Klaster


lugar dragon
kahon kwentas
bola plato
adobo tsinelas
tao prinsipe
bukas eroplano
kami globo
tubig grasa
guro blusa
paaralan principal

Basahin ang mga salita at sabihin ano ang klaster na ginagamit.

E. Pagpapalawak:

Ngayon papangkitin ko kayo sa tatlo. Gawin ninyo ang pangkatang –gawain.

Pangkat I
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at salungguhitan ang salitang may kambal-katinig o klaster.

Pangkat II
Panuto: Basahin ang mga salita na naitala at bilugan ang salitang may kambal-katinig o klaster.

Pangkat III
Panuto: Punan ng ts, kl, gr, br, tr, at sy ang patlang upang mabuo ang salitang may kambal-katinig o klaster.

Pag-uulat sa bawat pangkat.


Ngayon, palakpakan ang inyong sarili sa magandang ipinapakita ninyo pag-uulat sa bawat pangkat.

F. Paglalahat:
Ano ang salitang kambal-katinig o klaster?
(Ang salitang kambal-katinig o klaster ay salitang may dalawang magkasunod na katinig na
sinusundan ng patinig at may iisang tunog lamang.)
IV- Ebalwasyon:
Basahin nang tahimik ang talata at sipiin ang mga salitang may kambal-katinig o klaster.

Pumunta kami sa bukid ni Tiyo Bruno. Namitas kami ng maraming prutas. Pinainom kami ng
preskong sabaw ng buko. Tuwang-tuwa ako kasama ang mga pinsan kong sina Trina at Floro.

V – Takdang Aralin
Sumulat ng tig 2 salita na may klaster sa unahan, gitna at hulihan.

Inihanda ni: Tagamasid:

HERMENEGILDA C. SAGARIO MARLOU P. ELCAMEL, Ed.D DEBORAH A. VELASCO, EMD


MT-2 PICD/Principal III Head Teacher-I
Pangkat I:

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at


salungguhitan ang salitang may kambal-
katinig o klaster.

1. May bagong tsenilas ang aking kapatid.


2. Sumakay kami ng eroplano kahapon.
3. Nakakita ako ng malaking krus sa loob
ng simbahan.
4. May pera sa loob ng sobre.
5. Nagbabasa si itay ng dyaryo.

Pangkat II
Panuto: Bassahin ang mga salita na
naitala at bilugan ang salitang may
kambal-katinig o klaster.

klase bago lahat


siyempre Dahon grado
trigo batas Prutas
alaga alaala trabaho

Pangkat III

Panuto: Punan ng ts, kl, gr, tr, sy at br


ang patlang upang mabuo ang mga
salitang may kambal-katinig o klaster.

1. ______ inelas

2. ______ ase

3. ______ ado
4. Pala ______o

5. ______ umpo

6. A ______li

Walang Klaster
May Klaster
lugar
dragon
kahon
kwentas
bola
plato
adobo
tsinelas
tao
prinsipe
bukas
eroplano
kami
globo
tubig
grasa
guro
blusa
paaralan
principal

You might also like