You are on page 1of 3

Learning Area FILIPINO 3

Learning Area Modality FACE-TO-FACE LEARNING

Paaralan Sampaguita Village Elem School Baitang 3


LESSON Guro MARVIN C. JUNIO Asignatura Filipino
EXEMPLA Petsa Mayo 2-5, 2023 Markahan Ikaapat (W1)
R Oras 7:20 – 8:00 Bilang ng Araw 4

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


- mapagsasama-sama mo ang mga
katinig, patinig upang makabuo ng
salitang klaster at salitang may diptonggo.

A. Pamantayang Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Napagsasama-sama mo ang mga katinig, patinig
Pagkatuto (MELC) upang makabuo ng salitang klaster at salitang may
diptonggo.
F3KP-IVi-11

D. Pampaganang Kasanayan
II.NILALAMAN Pagbuo ng Salitang Klaster at Salitang may Diptonggo

III.KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro PIVOT 4A BOW WITH MELCs pp. 31

b. Mga Pahina sa Kagamitang PIVOT 4A LM-ADM Modyul sa Filipino


Pangmag-aaral Ikaapat na Markahan
1-9

c. Mga Pahina sa Teksbuk


d. Karagdagang Kagamitan mula
sa Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN
A. INTRODUCTION (Panimula) Ang klaster o kambal katinig ay salitang may magkasunod na
Unang Araw katinig sa iisang pantig.
Halimbawa: blusa pluma trak braso preno
tren gripo plato klase

Ang diptonggo ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang


patinig (a, e, i, o, u) at malapatinig na w at y sa isang pantig.
Kapag pinagsama ang mga tunog ng patinig at malapatinig sa
isang pantig ito ay magiging diptonggo. Ito ay ang –ay, -ey, -oy, -
uy, -aw, at –iw. Halimbawa ng mga salitang may diptonggo.
-ay -ey -oy -aw -iw
bahay okey apoy sigaw sisiw
tulay Rey kahoy tunaw aliw
tunay daloy galaw sgiliw

B. DEVELOPMENT (Pagpapaunlad) Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Salungguhitan ang salitang may


Ikalawang Araw klaster o diptonggo sa bawat pangungusap. Isulat ang letrang K
kung ito ay may klaster at letrang D kung may diptonggo. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.
Halimbawa: K Maganda ang suot niyang blusa.
1. Ang papel ay nasa ibabaw ng mesa.
2. Maayos na nakalagay sa plato ang pagkain.
3. Maganda ang mga bulaklak sa plorera.
4. Mamahalin ang hikaw na suot ni Inay.
5. Nagpreno ang kotse nang may biglang may tumawid sa daan.

C. ENGAGEMENT (Pagpapalihan) Basahin at unawain ang maikling kuwento.


Ikatlong Araw
Ang Talon ng Daranak
ni Dr. Maria Leilane E. Bernabe

Ang Talon ng Daranak o Daranak Falls ay isang popular na lugar


na dinarayo ng mga turista sa panahon ng tag-init. Ang mga
dumarayo dito ay galing sa iba’t ibang bahagi ng Maynila at mga
karatig-bayan. Madali lamang marating ang Talon ng Daranak.
Simula sa bayan ng T a n a y h a n g g a n g t a l o n a y
dalawampung minuto lamang ang oras na iyong gugulin upang
marating ito.

Ang Daranak Falls ay itinuturing na isa sa pinakamagandang


likas na yaman ng Rizal na pinangangalagaan ng lokal na
pamahalaan sa bayan ng Tanay. Malamig at malinis ang tubig
dito. Makikita mo ang luntian at nagtataasang punong-kahoy sa
paligid. Madalas dito nagpipiknik ang mga mag-anak. Upang
mapanatili ang kalinisan ng lugar ay kailangan itapon ang mga
basura sa tamang lugar. May katapat na parusa ang mahuhuling
lalabag sa alituntuning ito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pumili ng dawalang salitang


klaster at diptonggo sa binasang sanaysay na “Ang Talon ng
Daranak.” Gamitin ito sa sariling pangungusap. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sumulat ng talata na may


tatlong (3) pangungusap tungkol sa magandang lugar na iyong
napuntahan. Bilugan ang mga salitang may klaster at guhitan ang
salitang may diptonggo.

D. ASSIMILATION (Paglalapat) Kumpletuhin ang mga pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong
Ikaapat na Araw sagutang papel.

Batay sa aking napag-aralan, ang ________ ay salitang may


magkasunod na katinig sa iisang pantig. Ang ________ naman ay
pinagsamang tunog ng isang patinig (a, e, i, o, u) at malapatinig na
w at y sa isang pantig.
V. PAGNINILAY Panuto: Magsusulat ang mga mag-aaral sa kanilang journal ng
(Kasabay sa araw ng Paglalapat) kanilang repleksyon gamit ang sumusunod na prompt: Magagamit
ko ang aking natutuhan sa ____________.

Inihanda ni:
Iniwasto:
MARVIN C. JUNIO
Teacher I ALLAN S. CASACOP
Master Teacher I

Pinansin:

MARILOU J. QUINTO
Principal I

You might also like