You are on page 1of 4

Our Lady of the Pillar College – Cauayan

San Fermin, Cauayan City, Isabela


www.olpcc.edu.ph

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO II

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakatukoy ng mga salitang may diptonggo at klaster
b. nakasulat ng mga pangungusap na may diptonggo at klaster
c. nabigyang halaga ang mga salitang may diptonggo at klaster

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Diptonggo at Klaster
Sanggunian:
Kagamitan: Power point

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
a. Pagbati
- Magandang umaga sa inyong lahat?
b. Panalangin
- Bago tayo magsimula, tayo muna ay manalangin
c. Pag-awit ng pambansang awit
d. Pagtala ng mga lumiban sa klase
- Sino ang lumiban ngayong umaga?
- Mabuti naman kung gayon.

B. Mga Gawain sa pagkatoto


1. Paggayak
- Sabay sabay nating kantahin ang bahay kubo.
2. Paglalahad
- Ipabasa sa mga mag-aaral ang nakikita sa kanilang gadget
3. Pagtalakay
- Ipaliwanag sa mga bata.
- Ang diptonggo ay patinig na sinusundan ng malapatinig na w o y sa isang pantig.
Halimbawa nito’y ang mga diptonggong aw, ay, ey, iy, oy, at uy. Makikita sa
ibaba ang ibang halimbawa ng mga salitang may pantig na may diptonggo.
aw – araw apaw dilaw sayaw
ay – alay aray bahay gulay
ey - reyna beybi Leyte keyk
iw - aliw giliw bitiw saliw
oy – okoy kasoy kahoy apoy
uy - aruy baduy kasuy

- Ang Kambal katinig o klaster ay magkasunod na katinig sa isang pantig. Ito ay


maaaring nasa unahan, gitna, o hulihan. Basahin natin ang mga halimbawa ng
mga salitang may klaster o kambal katinig.

blusa klima klase plasa pluma


preno gripo gramo drama krema
plano grasya tsuper dyip kard
krudo krus braso tren istrok
trak tren sombrero groseri bloke

4. Paglalahat
- Ano ang diptonggo?
- Anu-ano ang mga diptonggo?
- Ano ang klaster?
IV. Ebalwasyon

Panuto: Gupitin/pitasin ang mga bunga na may diptonggo at klaster at ipatong ito sa ibabaw ng lamesa

DIPTONGGO KLASTER

Panuto: Sumulat ng pangungusap na mayroong salitang diptonggo at klaster.

1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
4. _____________________________________________________
5. _____________________________________________________
6. _____________________________________________________
7. _____________________________________________________
8. _____________________________________________________
9. _____________________________________________________
10. _____________________________________________________
Panuto: Magsulat sa pisara ng mga bagay o hayop na nakikita sa inyong tahanan o komunidad na
nauugnay sa diptonggo at klaster.

You might also like