You are on page 1of 3

Paksa: Ponemang Segmental

Layunin:
a. Napag-uusapan ang ponemang segmental partikular ang diptonggo,
klaster, pares minimal at ponemang malayang nagpkpalitan
b. Nakapagbibigay ng mga tiyak na halimbawa ng saklaw ng ponemang
segmental.
c. Nagagamit ang mga binigay na halimbawa sa sariling pangungusap.

Nilalaman ng paksa:

Ponemang Segmental
- Ito ay may tunog na binubuo ng mga may katumbas na titik o letra para
mabasa o magbigkas.

Apat na Uri ng Ponemang Segmental

1. Diptonggo
- Alin man sa mga ponemang patinig na /a/, /e/, /i/,/o/, at /u/ na
sinundan ng malapatinig na /w/ at /y/ sa loob ng isang pantig ay
tinatawag na diptonggo.
- Ang mga diptonggo ay aw, ay,ey,iy,oy,ow,uw, at uy

Halimbawa:
-iw -iy -uy -ey -oy -ay -aw
Aliw-iw kami’y kasuy reyna kahoy bahay sawsawan
Giliw Puti’y aruy okey batsoy babaylan butaw

Mga halimbawa ng pangungusap na may diptonggo:


A. Huwag mong hayaan na umapaw ang tubig sa kusina.
B. Inaanyayahan si Ana na maging abay sa kasal ng kanyang pinsan.
C. Talagang malamig ang simoy ng hangin tuwing Disyembre.
D. Nag tutulungan ang mag-anak na alisin ang agiw sa bahay na kanilang
lilipatan.

2. Klaster / Kambal Katinig


- Binuo ng dalawang magkasunod na katinig sa isang pantig.
- Maaring Makita ang isang klaster sa inisyal, midyal, at pinal na pantig na
salita.

Halimbawa:
Inisyal Midyal Pinal
-Braso -Eskwela - Kard
-Duwende - Kompyansa - Isport
-Pwersa - Ekspresyon - Nars
-Swerte - Apartment - Park
-Gwantes

Mga pangungusap na may klaster / kambal katinig:


A. Napakasaya ni Myra dahil ang swerte niya ngayong araw.
B. Nagkaroon ng kompyansa ang bawat mag-aaral.
C. Sina Jake, Jane at Mira ay laging namamasyal sa Park.

3. Pares Minimal
- Kasama sap pag-aaral ng ponemang segmental ang pares minimal. At
ito ay binubuo ng pares ng salita na may magkaiba ang kahulugan ngunit
magkatulad na magkatulad sa pagbigkas.
Halimbawa:
- tila-tela
- ilog-irog
- titik-titig
- oso-uso
- misa-mesa

Halimbawa ng pangungusap:
A. Ang mga mesa sa misa ay puno ng mga pagkain.
B. Ang uso ngayon ay ang pagsuot ng itsurang oso na damit.
C. Sila ay nakatitig sa bawat titik ng mga salita.
D. Habang naliligo sila sa ilog, nililigawan ko naman ang aking irog.
E. Dala – dala ko ang tela hanggang sa pag tila ng ulan.

4. Ponemang Malayang Pagpapalitan


- Ito ay pares ng mga salita na natatagpuan ng mga magkaibang ponema
sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakakaapekto o
nakapagpapabago ng kahulugang taglay ng mga salita.
- Sa kategoryang ay maaring ipalit sa posesyon ng ibang ponema ng hindi
magbabago ang kahulugan ng salita.
- Ang malayang pagpapalitang ito ng mga ponema ay karaniwang
nagaganap sa ponemang patinig /i/ at /e/, /r/ at /d/ gayundin sa /o/ at
/u/.

Halimbawa:
- madami- marami
- madungis- marungis
- madamut- maramot

Mga halimbawa ng pangungusap:


A. Marami kaming pagkain sa bahay.
B. Naroon ang magandang bulaklak.
C. Si John ay maramot sa pagkain.
D. Tayo’y namumuhay rin sa isang sanlibutan na pinarumi ng marungis na
relihiyon.

Mga inihandang Gawain:


- Bago magsimula ang talakayan ay magkakaroon muna ng pangkatang
gawain ang mga mag-aaral. At ito ay pamamagatang “Buohin mo ako”. Sa
puntong ito ang guro ay magbibigay ng subre sa bawat pangkat at sa lloob ng
subre makikita ang letrang kanilang bubuohin. Bibigyan lamang ng guro ang
bawat pangkat ng tatlong minuto sa pagagawa ng pangkatang gawain.
Pagkatapos ang bawat pangkat ay pipili ng dalawang ripresentabo na magbagi
ng kanilang sagot sa loob ng klases.( ito ay gagawin para Makita ang teamwork
na mayroon sa loob ng silid-aralan bukod pa rito ay masusukat ang kaalaman
ng mga bata kung mayroon naba silang ideya sa magiging talakayan).

- Habang tinatalakay ng guro ang iba’t- ibang uri ng Poemang Segmental, ang
guuro ay may ipapakitang mga halimbawa sa flashcard. (ito ay gagawin para
mas lalong maintindihan ng mga mag-aaral at para maiwan ang pakalito )

- Pagkatapos matalakay ang iba’t-ibang uri ng Ponemang Segmental, ang


guro ay may ipapagawang Gawain sa mga mag-aaral at ito ay
pamamagatang “Binggo ka”. Ang guro may may inihandang mga token sa
bawat mag- aaral at kung sino man ang nakakuha ng may numero salikod
siya ang sasagot sa mga katanungan. (ito ay gagawin para mahasa at hindi
makalimutan ng mag-aaral ang leksiyong tinalakay,
- Pagkatapos ng pangkalahatang talakayan, ang guro ay may ipapagawang
gawain sa mga mag-aaral at ito ay kanilang gagawin ng indibidwal sa loob ng
tatlong minuto. (ito ay gagawin ng indibidwal ng mga mag-aaral dahil dito
masusukat ang kanilang kaalaman kung talagang nakinig sila sa talakayan).

Refferences:
https://www.slideshare.net/VanessaRaeBaculio/ponema

Ipinasa kay:

Socrates, Genny Ann B.

Inihanda nina:

Dolatre, Aizle O.
Sabong, Daryl Mae A.

You might also like