You are on page 1of 10

DISENYO NG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 3

WIKA

Approved-8-20-2022

Jan Niña A. Baring


Drachelle Mae L. Basalo Agosto 31, 2022
(Gurong nagsasanay) Petsa

Dr. William Augusto Jr. Grade 3 / 10:00 - 11:40 AM


(Gurong tagapagsanay) Class & Time

I] Inaasahang Bunga:

Sa loob ng isang oras at apat-napung minuto at sa pamamagitan ng mga gawain, ang mga
mag-aaral sa ikatlong baitang na may 80% na kawastuhan ay inaasahang:

a) Nababasa ang mga salitang may tatlong pantig pataas, klaster, salitang iisa ang baybay ngunit
magkaiba ang bigkas at salitang hiram;

b) Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutunan sa aralin, salita di-kilala batay sa bigkas,
tatlo o apat na pantig, batayang talasalitaan, mga salitang hiram at salitang dinaglat; at

c) Nailalahad ang kahalagahan ng pagpapantig.

II] Nilalaman/Kagamitang Pampagtuturo :

Paksa: Pagpapantig ng Salita

References: Alma M. Dayag, Pinagyamang Pluma3, (K TO 12), Ikalawang Edisyon, pahina


26-30.

III] Pamaraan

A. Panimulang Gawain (5 minuto)


Ang guro ay magpapakita ng larawan ng silid na makalat at silid na malinis. Lalagyan ng
tsek (/) ang silid na malinis at lalagyan ng ekis (X) ang silid na makalat. Pagkatapos ay
magbibigay ang mga guro ng katanungan batay sa mga larawan na kanilang nakita.

1. Ano ang nakita ninyo sa larawan?

Mga silid na malinis at makalat.

2. Alin sa dalawang silid ang magandang pagpahingahan? Bakit?

Sa malinis na silid (maaaring iba-iba ang sagot)

3. Ano ang mangyayari kung makalat ang inyong silid?

Maraming gamit ang hindi makikita.

4. Ano ang dapat ninyong gawin upang hindi makalat ang inyong silid?

Maglinis.

B. Mga Gawain/Estratehiya
Sa pagkakataong ito, ang guro ay magbabasa ng diyalogo tungkol sa pagbabago ni Coco
simula noong mawala ang kanyang gitara. Pagkatapos, tatawag ang guro ng dalawang mag-aaral
upang ipabasa ito ulit.

Napansin ni Aling Luisa na abalang-abala si Coco na may hinahanap sa kanyang silid.

Aling Luisa: Coco, mukha ka yatang may hinahanap sa iyong silid.

Coco: Mama, nakita niyo po ba ang aking gi-ta-ra?

Aling Luisa: Hindi Coco, ngunit sigurado akong nasa silid mo lang iyon. Matuto ka
kasing mag-li-nis ng iyong silid at hindi pa kalat-kalat.

A-gad naglinis ng kanyang silid si Coco, at sa pagkakataong ito ay nakita niya ang
kanyang gitara sa ilalim ng kanyang higaan.

Coco: Mama natagpuan ko na po ang aking gitara.

Aling Luisa: Mabuti naman kung ganon, kailangan mo lang talagang mag-ayos ng
iyong mga ga-mit palagi.

Coco: Opo mama, sisiguradohin ko po na palaging malinis ang aking silid at nang
maging maayos din ang aking pagpapahinga. Hindi ko na din po kailangan ng prem-yo dahil
silid ko naman iyon.

1. Sino-sino ang nag-uusap?

Sina Aling Luisa at Coco.

2. Tungkol saan ang pinag-usapan?

Tungkol sa paglilinis ng silid. (Maaaring iba-iba ang mga sagot)

3. Ano ang napansin ninyo sa diyalogo?

May mga nakadiin na salita na may gitling.


C. Pagsusuri

Pasusuriin ng guro ang mga mag-aaral sa mga inilahad sa pamamagitan ng mga


sumusunod na mga katanungan.

1. Ano-ano ang mga salitang may mga gitling?

● mag-li-nis
● a-gad
● prem-yo
● gi-ta-ra
● ga-mit

2. Ano ang tawag sa mga salitang ito kung ito ay nakasulat ng may gitling?

● pagpapantig

D. Pagtatalakay

Ang guro ay magtatalakay tungkol sa Kayarian ng Pantig. Sisimulan ng guro sa


pagbigay kahulugan sa Pantig;

Pantig - ang bawat pantig ay binubuo ng titik o kombinasyon ng mga titik.

at pagbibigay kahulugan sa Patinig at Katinig.

Patinig - Aa, Ee, Ii, Oo, Uu

Katinig - b, c, d, f, g, h, j, k, l, m, n, ñ, ng, p, q, r, s, t, v, w, x, y, z

Tatalakayin ng guro ang Kayarian ng Pantig.

Kayarian - mula sa salitang yari na ibig sabihin ay gawa. Kombinasyon ng mga


titik, o pinagsamang mga titik.

Iba’t ibang Kayarian ng Pantig

Ang guro ay magpapasuri ng mga salita sa mga mag-aaral at ilalahad ang bawat
uri ng pagpapantig.

Unang salita: A-MA

Pamprosesong tanong:
a. Ilang pantig mayroon ang salita?
Dalawang pantig
b. Anong titik ang nasa unang pantig?
A
c. Ano kaya ang tawag sa pagpapantig na ito?
P (patinig)
d. Maaari ba kayong magbigay pa ng inyong sariling halimbawa nito?
u-tos, i-sa

Ikalawang salita: AK-LAT

Pamprosesong tanong:

a. Ilang pantig mayroon ang salita?


Dalawang pantig
b. Anong mga titik ang nasa unang pantig?
A at K
c. Ano kaya ang tawag sa pagpapantig na ito?
PK(patinig,katinig)
d. Maaari ba kayong magbigay pa ng inyong sariling halimbawa nito?
is-da, it-log

Ikatlong salita: BA-TA

Pamprosesong tanong:

a. Ilang pantig mayroon ang salita?


Dalawang pantig
b. Anong mga titik ang nasa unang pantig?
B at A
c. Ano kaya ang tawag sa pagpapantig na ito?
KP(katinig,patinig)
d. Maaari ba kayong magbigay pa ng inyong sariling halimbawa nito?
sa-ma, sa-bi

Ikaapat na salita: DOK-TOR

Pamprosesong tanong:

a. Ilang pantig mayroon ang salita?


Dalawang pantig
b. Anong mga titik ang nasa unang pantig?
D, O, at K
c. Ano kaya ang tawag sa pagpapantig na ito?
KPK(katinig,patinig,katinig)
d. Maaari ba kayong magbigay pa ng inyong sariling halimbawa nito?
bas-ton, bas-ket

Klaster o Kambal Katinig - ang tawag sa dalawang pinagsamang katinig na


bumubuo ng isang tunog sa isang pantig. Karaniwang ginagamit ang mga klaster
sa mga hiram na salita.

Ikalimang salita: BLO-AWT

Pamprosesong tanong:

a. Ilang pantig mayroon ang salita?


Dalawang pantig
b. Anong mga titik ang nasa pangalawang pantig?
A, W, at T
c. Ano kaya ang tawag sa pagpapantig na ito?
PKK(patinig,katinig,katinig)
d. Maaari ba kayong magbigay pa ng inyong sariling halimbawa nito?
eks-tra

Ikaanim na salita: TRUM-PO

Pamprosesong tanong:

a. Ilang pantig mayroon ang salita?


Dalawang pantig
b. Anong mga titik ang nasa pangalawang pantig?
T, R, U, at M
c. Ano kaya ang tawag sa pagpapantig na ito?
KKPK(katinig,katinig,patinig,katinig)
d. Maaari ba kayong magbigay pa ng inyong sariling halimbawa nito?
trak, tren

Ikapitong salita: KARD

Pamprosesong tanong:

a. Ilang pantig mayroon ang salita?


Isang pantig
b. Anong mga titik ang nasa pangalawang pantig?
K, A, R, at D
c. Ano kaya ang tawag sa pagpapantig na ito?
KPKK(katinig,patinig,katinig,katinig)
d. Maaari ba kayong magbigay pa ng inyong sariling halimbawa nito?
nars, air-port
Ikawalong salita: TRANS-POR-TAS-YON

Pamprosesong tanong:

a. Ilang pantig mayroon ang salita?


Apat na pantig
b. Anong mga titik ang nasa pangalawang pantig?
T, R, A, N, at S
c. Ano kaya ang tawag sa pagpapantig na ito?
KKPKK(katinig,katinig,patinig,katinig,katinig)
d. Maaari ba kayong magbigay pa ng inyong sariling halimbawa nito?
tsart

Ipapabigkas ng guro sa mga bata ang nasa tsart.

Kambal Katinig Salita Kambal Katinig Salita

bl blangko pl planta

br braso pr presyo

dr dram gr grasa

kl klima tr traysikel

kr krema ts tsokolate

Pamprosesong tanong:

1. Anong napapansin ninyo sa unang pantig ng salita?


May dalawang pinagsamang katinig.
2. Ano kaya ang tawag dito?
Klaster o kambal katinig
3. Ano ang klaster o kambal katinig?
Ito ay dalawang pinagsamang katinig na bumubuo ng isang tunog sa isang
pantig.

E. Paglalapat
May pagpipiliang instrumento ang mga mag-aaral, sa likod ng bawat instrumento ay may
salitang pinagpapantig. Ibibigay ng mag-aaral ang kayarian ng pantig ng mga sinalungguhitang
pantig.

bu-o = P beys-bol = KPKK

ak-tor = PK sing-sing = KPKK

bun-dok = KPK krus = KKPK

muk-ha = KP eks-pres-yon = PKK

gri-po = KKP trans-krip-syon = KKPKK

F. Paglalagom

Upang malaman ang kabuuang


natutunan ng mga mag-aaral, ang guro
ay magtatanong sa mga sumusunod na
katanungan.

1. Ano ang pantig?


Ang pantig ay binubuo ng titik o kombinasyon ng mga titik.
2. Ano ang nererepresenta ng titik P sa pagtukoy ng Kayarian ng Pantig?
P - Pantig
3. Ano naman ang titik K?
K - Katinig
4. Paano mo ba masasabi na may kambal katinig sa isang salita?
Masasabing may kambal katinig sa isang salita kung may pinagsamang
katinig na bumubuo ng isang tunog sa isang pantig.

IV] Pagtataya

A. Panuto: Bigkasin at pantigin ang


bawat salitang nakasalungguhit sa
pangungusap. Isulat ito sa linya nang may
tamang baybay at papantig. Ang una ay
ginawa na para sa iyo.
___na-wa-la___ 1. Nawala ang mga aklat ni Lian.
_____________ 2. Naghanap siya kung saan-saan.
_____________ 3. Tinanong din niya si Nanay.
_____________ 4. Hindi niya talaga makita ang aklat.
_____________ 5. Napakakalat kasi ng silid niya.
_____________ 6. Sinabi ni Nanay na maglinis muna siya.

Susi sa pagsagot:
1.
2. Nag-ha-nap
3. Ti-na-nong
4. Ma-ki-ta
5. Na-pa-ka-ka-lat
6. si-na-bi

B. Panuto: Basahin ang mga salitang may klaster na nakasalungguhit sa bawat bilang.
Isulat ito nang papantig sa linya.

__________ 1. Nalinis ni Lian ang kuwarto at nabigyan pa siya ng ekstrang biyaya.


__________ 2. Ito ang naging premyo niya dahil sa ginawang paglilinis.
__________ 3.Nahanap kasi niya ang nawawalang aklat para sa klase niya bukas.
__________ 4. Isang sorpresa ang dala ni Nanay para kay Lian.
__________ 5. May bagong blusa siya para sa masipag na anak.

Susi sa pagsagot:
1. eks-trang
2. prem-yo
3. kla-se
4. sor-pre-sa
5. blu-sa

C. Panuto: Basin nang tahimik ang bawat salita. Kilalanin ang anyo ng pantig na
hinihingi sa bawat bilang. Isulat sa linya kung ito ay binubuo ng P, PK, KP, o KPK.
Ang una ay ginawa na para sa iyo.

__KPK__ 1. huling pantig —------------------- malinis


________ 2. unang pantig —-------------------- aklat
________ 3. huling pantig —------------------- silid
________ 4. ikatlong pantig —----------------- masipag
________ 5. unang pantig —-------------------- ina
________ 6. huling pantig —-------------------- naghanap
Susi sa pagsagot:
1.
2. PK
3. KPK
4. KPK
5. P
6. KPK

D. Panuto: Bilugan ang pantig na may klaster sa salitang nakasalungguhit sa bawat


pangungusap. Pagkatapos ay isulat sa linya kung ito ay may anyong PKK, KKP,
KKPK, KPKK, o KKPKK.

__________ 1. Natuwa si Nanay sa maayos na trabaho ni Lian.


__________ 2. Binalutan niya ng malinaw na plastik ang kanyang mga aklat.
__________ 3. Gumawa siya ng bookmark mula sa mga lumang kard.
__________ 4. Iniabot niya ang plantsa sa kanyang nanay.
__________ 5. Inilagay nila ni Tatay sa isang dram ang mga gamit na puwede pang i-
recycle. Ngayon ay malinis na ang kanilang buong tahanan.

Susi sa pagsagot:
may bilog
1. KKP tra
2. KKPK plas
3. KPKK kard
4. KKPK plan
5. KKPK dram

V] Kasunduan/Pagninilay
Pag-aralan ang susunod na paksa tungkol sa Mga Bahagi ng Aklat sa pahina 47.

You might also like