You are on page 1of 2

Lipunan at Panitikan: Pag-uugat

Panitikang Pilipino ng Kapilipinohan sa Pagbubuo


ng Literaturang Pambansa

Ang Lipunan at Panitikan sa


pabigkas o paawit na anyo ng panitikan
Sinaunang Pamayanang Pilipino

Ang Dulot ng Kolonyalismo sa ginagamit ng mga Espanyol ang


Lipunan at Panitikang Pilipino relihiyon o pananampalataya

Ang Dambuhalang Pagkakahating


Panitikang Elite at Panitikang Masa
Pampanitikan

Ang mga Pagpapahalagang Pilipino sinusuri nito ang isang siday


sa Siday Bilang Ugat ng (istandard na kahulugan ng tulang
Kapilipinuhan Samarnon-Leytenhon)

Pagsusulong ng Isang Panitikang pagkilala sa panitikang relihiyonal


Pambansa bilang pagdulog sa panitikan ng bansa
Sa pag-uugat ng kapilipinohan sa pagbubuo ng literaturang pambansa ay
mayroon tayong tinatawag na Panitikang Pilipino. Bago pa man maisulong ang
isang panitikang pambansa ay dumaan tayo sa mga kamay ng mga sumakop sa
atin kagaya ng mga Espanyol - hatid nila ang pananampalataya o relihiyon. Ang
panitikan sa sinaunang pamayanang Pilipino ay pabigkas o paawit na anyo ng
panitikan na nagsisilbing libangan ng mga sinaunang Pilipino. Sa pagsakop ng
mga Espanyol sa atin ay ginamit nila ang relihiyon upang iligtas daw sila sa mga
demonyo o diyablo pero ang totoong pakay pala ay para sirain ang
kapangyarihan ng mga datu at babaylan, ayon kay Kimuell-Grabriel. Sa
pagkakahati ng panitikan ay nagkaroon ng dalawang panitikan - Panitikang
Elite (kulturang nasyonal) at Panitikang Masa (kalinangang bayan). Ang siday
ay isa rin sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino at naging ugat ng
kapilipinuhan. Upang mapanatili natin ang ating wikang pambansa ay dapat
ipakilala ang panitikang rehiyonal bilang dulog sa panitikan ng bansa.
Kailangan nating bumuo ng isang kurikulum na magpapahintulot sa atin na
magpakita ng mga gawang nilikha sa ating mga lugar upang maging pamilyar
ang mga mag-aaral sa panitikan mula sa kanilang sariling bansa. Kung nais
nating maging isang makapangyarihang bansa, dapat tayong bumalik sa
pinagmulan ng ating pagkakakilanlan. Dapat nating bawiin ang ating dignidad
na Pilipino sa pamamagitan ng dekolonisasyon.

You might also like